ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الزمر
آية:
 

الزمر

تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat taglay ang katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon.
التفاسير العربية:
أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ
Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa bukod pa sa Kanya ng mga tagapagtangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling na palatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
لَّوۡ أَرَادَ ٱللَّهُ أَن يَتَّخِذَ وَلَدٗا لَّٱصۡطَفَىٰ مِمَّا يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
Kung nagnais si Allāh na gumawa ng isang anak ay talaga sanang humirang Siya mula sa anumang nililikha Niya ng niloloob Niya. Kaluwalhatian sa Kanya! Si Allāh ay ang Nag-iisa, ang Palalupig.
التفاسير العربية:
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۖ يُكَوِّرُ ٱلَّيۡلَ عَلَى ٱلنَّهَارِ وَيُكَوِّرُ ٱلنَّهَارَ عَلَى ٱلَّيۡلِۖ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِي لِأَجَلٖ مُّسَمًّىۗ أَلَا هُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡغَفَّـٰرُ
Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Nagpupulupot Siya ng gabi sa maghapon at nagpupulupot Siya ng maghapon sa gabi. Nagpalingkod Siya sa araw at buwan. Bawat isa ay tumatakbo para sa isang taning na tinukoy. Pansinin, Siya ay ang Makapangyarihan, ang Palapatawad.
التفاسير العربية:

خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ ثُمَّ جَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَأَنزَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ ثَمَٰنِيَةَ أَزۡوَٰجٖۚ يَخۡلُقُكُمۡ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ خَلۡقٗا مِّنۢ بَعۡدِ خَلۡقٖ فِي ظُلُمَٰتٖ ثَلَٰثٖۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ لَهُ ٱلۡمُلۡكُۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُصۡرَفُونَ
Lumikha Siya sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa. Pagkatapos ay gumawa Siya mula rito ng kabiyak nito. Nagpababa Siya para sa inyo mula sa mga hayupan ng walong magkapares. Lumilikha Siya sa inyo sa mga tiyan ng mga ina ninyo ng isang paglikha matapos ng isang paglikha sa tatlong kadiliman. Iyon si Allāh, ang Panginoon ninyo; sa Kanya ang Paghahari. Walang Diyos kundi Siya. Kaya paano kayong napalilihis?"
التفاسير العربية:
إِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنكُمۡۖ وَلَا يَرۡضَىٰ لِعِبَادِهِ ٱلۡكُفۡرَۖ وَإِن تَشۡكُرُواْ يَرۡضَهُ لَكُمۡۗ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُم مَّرۡجِعُكُمۡ فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa inyo. Hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya ng kawalang-pananampalataya. Kung magpapasalamat kayo ay malulugod Siya niyon para sa inyo. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo ang panunumbalikan ninyo at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
التفاسير العربية:
۞وَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَا رَبَّهُۥ مُنِيبًا إِلَيۡهِ ثُمَّ إِذَا خَوَّلَهُۥ نِعۡمَةٗ مِّنۡهُ نَسِيَ مَا كَانَ يَدۡعُوٓاْ إِلَيۡهِ مِن قَبۡلُ وَجَعَلَ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلَّ عَن سَبِيلِهِۦۚ قُلۡ تَمَتَّعۡ بِكُفۡرِكَ قَلِيلًا إِنَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلنَّارِ
Kapag may sumaling sa tao na isang kapinsalaan ay mananalangin ito sa Panginoon nito na nagsisising bumabalik sa Kanya. Pagkatapos kapag gumawad Siya rito ng isang biyaya mula sa Kanya ay nakalilimot ito ng dati nitong idinadalangin sa Kanya noong una at gumagawa ito para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa ka sa kawalang-pananampalataya mo nang kakaunti; tunay na ikaw ay kabilang sa mga kasamahan sa Apoy."
التفاسير العربية:
أَمَّنۡ هُوَ قَٰنِتٌ ءَانَآءَ ٱلَّيۡلِ سَاجِدٗا وَقَآئِمٗا يَحۡذَرُ ٱلۡأٓخِرَةَ وَيَرۡجُواْ رَحۡمَةَ رَبِّهِۦۗ قُلۡ هَلۡ يَسۡتَوِي ٱلَّذِينَ يَعۡلَمُونَ وَٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَۗ إِنَّمَا يَتَذَكَّرُ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Ang sinumang siya ay masunurin sa mga sandali ng gabi habang nagpapatirapa at tumatayo, na nangingilag sa Kabilang-buhay at umaasa sa awa ng Panginoon Niya [ay higit na mabuti]? Sabihin mo: "Nagkakapantay ba ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam? Tanging ang nagsasaalaala ay ang mga may isipan."
التفاسير العربية:
قُلۡ يَٰعِبَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ لِلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۗ وَأَرۡضُ ٱللَّهِ وَٰسِعَةٌۗ إِنَّمَا يُوَفَّى ٱلصَّـٰبِرُونَ أَجۡرَهُم بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Sabihin mo [ang sabi Ko]: "O mga lingkod Ko na mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo. Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay [ganting] maganda. Ang lupa ni Allāh ay malawak. Tunay na ang mga nagtitiis lamang ang tutumbasan ng pabuya nila nang walang pagtutuos."
التفاسير العربية:

قُلۡ إِنِّيٓ أُمِرۡتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ
Sabihin mo: "Tunay na ako ay inutusan na sumamba kay Allāh bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon,
التفاسير العربية:
وَأُمِرۡتُ لِأَنۡ أَكُونَ أَوَّلَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
at inutusan upang ako ay maging una sa mga tagapasakop."
التفاسير العربية:
قُلۡ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Sabihin mo: "Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan."
التفاسير العربية:
قُلِ ٱللَّهَ أَعۡبُدُ مُخۡلِصٗا لَّهُۥ دِينِي
Sabihin mo: "Kay Allāh sumasamba ako bilang isang nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon ko.
التفاسير العربية:
فَٱعۡبُدُواْ مَا شِئۡتُم مِّن دُونِهِۦۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ
Kaya sumamba kayo sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya." Sabihin mo: "Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon." Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw.
التفاسير العربية:
لَهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ ظُلَلٞ مِّنَ ٱلنَّارِ وَمِن تَحۡتِهِمۡ ظُلَلٞۚ ذَٰلِكَ يُخَوِّفُ ٱللَّهُ بِهِۦ عِبَادَهُۥۚ يَٰعِبَادِ فَٱتَّقُونِ
Magkakaroon sila mula sa ibabaw nila ng mga lambong mula sa apoy at mula sa ilalim nila ng mga lambong. Gayon nagpapangamba si Allāh sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi]: "O mga lingkod Ko, kaya naman mangilag kayong magkasala sa Akin."
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ ٱجۡتَنَبُواْ ٱلطَّـٰغُوتَ أَن يَعۡبُدُوهَا وَأَنَابُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ لَهُمُ ٱلۡبُشۡرَىٰۚ فَبَشِّرۡ عِبَادِ
Ang mga umiwas sa nagdidiyus-diyusan na sumamba sila rito at nagsisising bumabalik kay Allāh, ukol sa kanila ang balitang nakagagalak. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa mga lingkod Ko,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقَوۡلَ فَيَتَّبِعُونَ أَحۡسَنَهُۥٓۚ أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَىٰهُمُ ٱللَّهُۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمۡ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
na mga nakikinig sa sinabi at sumusunod sila sa pinakamaganda rito. Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh at ang mga iyon ay ang mga may pag-iisip.
التفاسير العربية:
أَفَمَنۡ حَقَّ عَلَيۡهِ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ أَفَأَنتَ تُنقِذُ مَن فِي ٱلنَّارِ
Kaya ba ang sinumang nagkatotoo sa kanya ang salita ng pagdurusa, ikaw ba ay sasagip sa sinumang nasa Apoy?
التفاسير العربية:
لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ غُرَفٞ مِّن فَوۡقِهَا غُرَفٞ مَّبۡنِيَّةٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ لَا يُخۡلِفُ ٱللَّهُ ٱلۡمِيعَادَ
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga silid na mula sa ibabaw ng mga ito ay may mga silid na itinayo na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Bilang pangako ni Allāh, hindi sumisira si Allāh sa naipangako.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَسَلَكَهُۥ يَنَٰبِيعَ فِي ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَجۡعَلُهُۥ حُطَٰمًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig, at nagpanuot nito sa mga bukal sa lupa; pagkatapos ay nagpapalabas Siya sa pamamagitan nito ng pananim na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito; pagkatapos ay nalalanta ito, at nakikita mo ito na naninilaw; pagkatapos ay gumagawa Siya rito na mga pira-piraso. Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa mga may pag-iisip.
التفاسير العربية:

أَفَمَن شَرَحَ ٱللَّهُ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِ فَهُوَ عَلَىٰ نُورٖ مِّن رَّبِّهِۦۚ فَوَيۡلٞ لِّلۡقَٰسِيَةِ قُلُوبُهُم مِّن ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Kaya ba ang sinumang nagpaluwag si Allāh sa dibdib niya para sa Islām kaya siya ay nasa isang liwanag mula sa Panginoon niya [ay gaya ng iba]? Kapighatian sa matigas ang mga puso nila sa pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ نَزَّلَ أَحۡسَنَ ٱلۡحَدِيثِ كِتَٰبٗا مُّتَشَٰبِهٗا مَّثَانِيَ تَقۡشَعِرُّ مِنۡهُ جُلُودُ ٱلَّذِينَ يَخۡشَوۡنَ رَبَّهُمۡ ثُمَّ تَلِينُ جُلُودُهُمۡ وَقُلُوبُهُمۡ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُدَى ٱللَّهِ يَهۡدِي بِهِۦ مَن يَشَآءُۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٍ
Si Allāh ay nagbaba ng pinakamagaling na pag-uusap: isang Aklat na nagkakatugunan na nag-uulit-ulit. Nangingilabot mula rito ang mga balat ng mga natatakot sa Panginoon nila; pagkatapos ay lumalambot ang mga balat nila at ang mga puso nila sa pagkaalaala kay Allāh. Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang pinaliligaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapatnubay.
التفاسير العربية:
أَفَمَن يَتَّقِي بِوَجۡهِهِۦ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَقِيلَ لِلظَّـٰلِمِينَ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ
Kaya ba ang sinumang umiilag sa pamamagitan ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng iba]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: "Lumasap kayo ng dati ninyong kinakamit."
التفاسير العربية:
كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagpasinungaling ang kabilang sa nauna sa kanila kaya dumating sa mga ito ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nararamdaman ng mga ito.
التفاسير العربية:
فَأَذَاقَهُمُ ٱللَّهُ ٱلۡخِزۡيَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ
Kaya nagpalasap sa kanila si Allāh ng kahihiyan sa buhay pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila dati ay nakaaalam.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ ضَرَبۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang gumawa Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalintulad nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
التفاسير العربية:
قُرۡءَانًا عَرَبِيًّا غَيۡرَ ذِي عِوَجٖ لَّعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Bilang isang Qur’ān na Arabe na walang pagkabaluktot nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.
التفاسير العربية:
ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلٗا فِيهِ شُرَكَآءُ مُتَشَٰكِسُونَ وَرَجُلٗا سَلَمٗا لِّرَجُلٍ هَلۡ يَسۡتَوِيَانِ مَثَلًاۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Gumawa si Allāh ng isang paghahalintulad: isang lalaking ukol ito sa mga magkatambal na nagbabangayan at isang lalaking nakalaan sa isang lalaki. Nagkakapantay ba silang dalawa sa paghahalintulad? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
التفاسير العربية:
إِنَّكَ مَيِّتٞ وَإِنَّهُم مَّيِّتُونَ
Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay.
التفاسير العربية:
ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عِندَ رَبِّكُمۡ تَخۡتَصِمُونَ
Pagkatapos tunay na kayo sa Araw ng Pagbangon sa harap ng Panginoon ninyo ay mag-aalitan.
التفاسير العربية:

۞فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدۡقِ إِذۡ جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡكَٰفِرِينَ
Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay Allāh at nagpasinungaling sa katapatan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِي جَآءَ بِٱلصِّدۡقِ وَصَدَّقَ بِهِۦٓ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُتَّقُونَ
Ang nagdala ng katapatan at nagpatotoo rito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda,
التفاسير العربية:
لِيُكَفِّرَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
upang magtakip-sala si Allāh para sa kanila sa pinakamasagwa sa ginawa nila at gumanti Siya sa kanila ng pabuya nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.
التفاسير العربية:
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِكَافٍ عَبۡدَهُۥۖ وَيُخَوِّفُونَكَ بِٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
Hindi ba si Allāh ay nakasasapat sa lingkod Niya? Nagpapangamba sila sa iyo sa pamamagitan ng mga bukod pa sa Kanya. Ang sinumang pinaligaw ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapatnubay.
التفاسير العربية:
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّضِلٍّۗ أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِعَزِيزٖ ذِي ٱنتِقَامٖ
Ang sinumang pinatnubayan ni Allāh ay walang ukol dito na anumang tagapagligaw. Hindi ba si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti?
التفاسير العربية:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلۡ أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ إِنۡ أَرَادَنِيَ ٱللَّهُ بِضُرٍّ هَلۡ هُنَّ كَٰشِفَٰتُ ضُرِّهِۦٓ أَوۡ أَرَادَنِي بِرَحۡمَةٍ هَلۡ هُنَّ مُمۡسِكَٰتُ رَحۡمَتِهِۦۚ قُلۡ حَسۡبِيَ ٱللَّهُۖ عَلَيۡهِ يَتَوَكَّلُ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Kung nagnais sa akin si Allāh ng isang pinsala, sila ba ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila ba ay makapipigil ng awa Niya?" Sabihin mo: Nakasapat sa akin si Allāh. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig."
التفاسير العربية:
قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَٰمِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: "O mga kababayan ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa; at makaaalam kayo
التفاسير العربية:
مَن يَأۡتِيهِ عَذَابٞ يُخۡزِيهِ وَيَحِلُّ عَلَيۡهِ عَذَابٞ مُّقِيمٌ
sa kung kanino pumupunta ang isang pagdurusang manghihiya sa kanya, at dadapo ang isang pagdurusang mananatili."
التفاسير العربية:

إِنَّآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ لِلنَّاسِ بِٱلۡحَقِّۖ فَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن ضَلَّ فَإِنَّمَا يَضِلُّ عَلَيۡهَاۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٍ
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat para sa mga tao taglay ang katotohanan. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan para sa [kapakinabangan ng] sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang para sa [kapinsalaan] nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang katiwala.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ يَتَوَفَّى ٱلۡأَنفُسَ حِينَ مَوۡتِهَا وَٱلَّتِي لَمۡ تَمُتۡ فِي مَنَامِهَاۖ فَيُمۡسِكُ ٱلَّتِي قَضَىٰ عَلَيۡهَا ٱلۡمَوۡتَ وَيُرۡسِلُ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Si Allāh ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip.
التفاسير العربية:
أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ شُفَعَآءَۚ قُلۡ أَوَلَوۡ كَانُواْ لَا يَمۡلِكُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَعۡقِلُونَ
O gumawa ba sila ng bukod pa kay Allāh bilang mga tagapamagitan? Sabihin mo: "Kahit ba nangyaring sila ay hindi nakapangyayari sa anuman at hindi nakapag-uunawa?"
التفاسير العربية:
قُل لِّلَّهِ ٱلشَّفَٰعَةُ جَمِيعٗاۖ لَّهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Sabihin mo: "Kay Allāh ang [pagpapahintulot sa] pamamagitan sa kalahatan. Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos ay sa Kanya kayo panunumbalikin."
التفاسير العربية:
وَإِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَحۡدَهُ ٱشۡمَأَزَّتۡ قُلُوبُ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِۖ وَإِذَا ذُكِرَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Kapag binanggit si Allāh nang mag-isa, nagmamaliit ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Kapag binanggit ang mga bukod pa sa Kanya, biglang sila ay nagagalak.
التفاسير العربية:
قُلِ ٱللَّهُمَّ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ عَٰلِمَ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ أَنتَ تَحۡكُمُ بَيۡنَ عِبَادِكَ فِي مَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Sabihin mo: "O Allāh, Tagalalang ng mga langit at lupa, Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa pagitan ng mga lingkod Mo sa anumang dati silang nagkakaiba-iba."
التفاسير العربية:
وَلَوۡ أَنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا وَمِثۡلَهُۥ مَعَهُۥ لَٱفۡتَدَوۡاْ بِهِۦ مِن سُوٓءِ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَبَدَا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مَا لَمۡ يَكُونُواْ يَحۡتَسِبُونَ
Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan ang anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama rito, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili] sa pamamagitan nito mula sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Matatambad sa kanila mula kay Allāh ang hindi nila dati aakalain.
التفاسير العربية:

وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
التفاسير العربية:
فَإِذَا مَسَّ ٱلۡإِنسَٰنَ ضُرّٞ دَعَانَا ثُمَّ إِذَا خَوَّلۡنَٰهُ نِعۡمَةٗ مِّنَّا قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمِۭۚ بَلۡ هِيَ فِتۡنَةٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kapag may sumaling sa tao na isang pinsala ay dumadalangin siya sa Amin. Pagkatapos kapag gumawad Kami sa kanya ng isang biyaya mula sa Amin ay nagsasabi siya: "Binigyan lamang ako nito dahil sa kaalaman." Bagkus ito ay isang pagsubok, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
التفاسير العربية:
قَدۡ قَالَهَا ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Nagsabi nga nito ang mga kabilang sa nauna sa kanila ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit.
التفاسير العربية:
فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْۚ وَٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ هَـٰٓؤُلَآءِ سَيُصِيبُهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا كَسَبُواْ وَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ
Kaya tumama sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila. Ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga ito ay tatama sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila at hindi sila mga makapagpapawalang-kakayahan.
التفاسير العربية:
أَوَلَمۡ يَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba sila nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya at naghihigpit? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya.
التفاسير العربية:
۞قُلۡ يَٰعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ أَسۡرَفُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ لَا تَقۡنَطُواْ مِن رَّحۡمَةِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَغۡفِرُ ٱلذُّنُوبَ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Sabihin mo [na sinabi Ko]: "O mga lingkod Ko na nagmalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong malagutan ng pag-asa sa awa ni Allāh; tunay na si Allāh ay nagpapatawad sa mga pagkakasala sa kalahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain."
التفاسير العربية:
وَأَنِيبُوٓاْ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَأَسۡلِمُواْ لَهُۥ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ ثُمَّ لَا تُنصَرُونَ
At magsisi kayo sa Panginoon ninyo, magpasakop kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos ay hindi kayo maiaadya,
التفاسير العربية:
وَٱتَّبِعُوٓاْ أَحۡسَنَ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَكُمُ ٱلۡعَذَابُ بَغۡتَةٗ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ
at sumunod kayo sa pinakamaganda sa ibinaba sa inyo mula sa Panginoon ninyo bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakararamdam,
التفاسير العربية:
أَن تَقُولَ نَفۡسٞ يَٰحَسۡرَتَىٰ عَلَىٰ مَا فَرَّطتُ فِي جَنۢبِ ٱللَّهِ وَإِن كُنتُ لَمِنَ ٱلسَّـٰخِرِينَ
upang magsabi ang isang kaluluwa: "O panghihinayang na nagpabaya ako sa nauukol kay Allāh at tunay na ako noon ay talagang kabilang sa mga nanunuya,"
التفاسير العربية:

أَوۡ تَقُولَ لَوۡ أَنَّ ٱللَّهَ هَدَىٰنِي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ
o upang magsabi ito: "Kung sakaling si Allāh ay nagpatnubay sa akin, talaga sanang ako ay naging kabilang sa mga tagapangilag magkasala;"
التفاسير العربية:
أَوۡ تَقُولَ حِينَ تَرَى ٱلۡعَذَابَ لَوۡ أَنَّ لِي كَرَّةٗ فَأَكُونَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
o upang magsabi ito kapag nakikita nito ang pagdurusa: "Kung sana mayroon akong isang pagbabalik para ako ay maging kabilang sa mga tagagawa ng maganda."
التفاسير العربية:
بَلَىٰ قَدۡ جَآءَتۡكَ ءَايَٰتِي فَكَذَّبۡتَ بِهَا وَٱسۡتَكۡبَرۡتَ وَكُنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Bagkus dumating nga sa iyo ang mga tanda Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagmalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.
التفاسير العربية:
وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تَرَى ٱلَّذِينَ كَذَبُواْ عَلَى ٱللَّهِ وُجُوهُهُم مُّسۡوَدَّةٌۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوٗى لِّلۡمُتَكَبِّرِينَ
Sa Araw ng Pagbangon, makikita mo ang mga nagsinungaling laban kay Allāh habang ang mga mukha nila ay nangingitim. Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga nagpapakamalaki?
التفاسير العربية:
وَيُنَجِّي ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ بِمَفَازَتِهِمۡ لَا يَمَسُّهُمُ ٱلسُّوٓءُ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Magliligtas si Allāh sa mga nangilag magkasala pagkatamo nila; hindi sasaling sa kanila ang kasagwaan ni sila ay malulungkot.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ
Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay, at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.
التفاسير العربية:
لَّهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.
التفاسير العربية:
قُلۡ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَأۡمُرُوٓنِّيٓ أَعۡبُدُ أَيُّهَا ٱلۡجَٰهِلُونَ
Sabihin mo: "Sa iba pa kay Allāh ba nag-uutos kayo sa akin na sumamba ako, O mga mangmang?"
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ لَئِنۡ أَشۡرَكۡتَ لَيَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga nauna sa iyo na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.
التفاسير العربية:
بَلِ ٱللَّهَ فَٱعۡبُدۡ وَكُن مِّنَ ٱلشَّـٰكِرِينَ
Bagkus kay Allāh ay sumamba ka at maging kabilang ka sa mga tagapasalamat.
التفاسير العربية:
وَمَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦ وَٱلۡأَرۡضُ جَمِيعٗا قَبۡضَتُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُ مَطۡوِيَّـٰتُۢ بِيَمِينِهِۦۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Hindi sila nagpahalaga kay Allāh ng totoong pagpapahalaga sa Kanya. Ang lupa sa kalahatan ay isang dakot Niya sa Araw ng Pagkabuhay at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya sa anumang itinatambal nila sa Kanya.
التفاسير العربية:

وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَصَعِقَ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا مَن شَآءَ ٱللَّهُۖ ثُمَّ نُفِخَ فِيهِ أُخۡرَىٰ فَإِذَا هُمۡ قِيَامٞ يَنظُرُونَ
At iihip sa tambuli, kaya mamamatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni Allāh. Pagkatapos ay iihip dito sa muli, at biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin.
التفاسير العربية:
وَأَشۡرَقَتِ ٱلۡأَرۡضُ بِنُورِ رَبِّهَا وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ وَجِاْيٓءَ بِٱلنَّبِيِّـۧنَ وَٱلشُّهَدَآءِ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Sisikat ang lupa sa pamamagitan ng liwanag ng Panginoon nito, ilalagay ang talaan [ng mga gawa], dadalhin ang mga propeta at ang mga saksi, at maghuhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan at hindi sila lalabagin sa katarungan.
التفاسير العربية:
وَوُفِّيَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَا يَفۡعَلُونَ
Tutumbasan ang bawat kaluluwa sa anumang ginagawa nito; at Siya ay higit na nakaaalam sa anumang ginagawa nila.
التفاسير العربية:
وَسِيقَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا فُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَآ أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ رُسُلٞ مِّنكُمۡ يَتۡلُونَ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ رَبِّكُمۡ وَيُنذِرُونَكُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَاۚ قَالُواْ بَلَىٰ وَلَٰكِنۡ حَقَّتۡ كَلِمَةُ ٱلۡعَذَابِ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ
Aakayin ang mga tumangging sumampalataya patungo sa Impiyerno nang pangkat-pangkat hanggang sa kapag dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tanod niyon: "Wala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa inyo na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo at nagbababala sa inyo sa pakikipagkita sa araw ninyong ito?" Sasabihin nila: "Oo; ngunit nagindapat ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya."
التفاسير العربية:
قِيلَ ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Sasabihin: "Pumasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mananatili roon, at kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!"
التفاسير العربية:
وَسِيقَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ إِلَى ٱلۡجَنَّةِ زُمَرًاۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءُوهَا وَفُتِحَتۡ أَبۡوَٰبُهَا وَقَالَ لَهُمۡ خَزَنَتُهَا سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ طِبۡتُمۡ فَٱدۡخُلُوهَا خَٰلِدِينَ
Aakayin ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa Paraiso nang pangkat-pangkat hanggang sa kapag dumating sila roon at nabuksan na ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tanod niyon: "Kapayapaan ay sumainyo! Nagpakaaya-aya kayo kaya pumasok kayo rito bilang mga mananatili."
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي صَدَقَنَا وَعۡدَهُۥ وَأَوۡرَثَنَا ٱلۡأَرۡضَ نَتَبَوَّأُ مِنَ ٱلۡجَنَّةِ حَيۡثُ نَشَآءُۖ فَنِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Magsasabi sila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupa. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa!"
التفاسير العربية:

وَتَرَى ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ حَآفِّينَ مِنۡ حَوۡلِ ٱلۡعَرۡشِ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡۚ وَقُضِيَ بَيۡنَهُم بِٱلۡحَقِّۚ وَقِيلَ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Makikita mo ang mga anghel na nakapalibot sa paligid ng Trono, na nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila. Huhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan at sasabihin: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الزمر
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق