ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم

تنزيل XML - تنزيل CSV - تنزيل Excel

ترجمة معاني سورة: الحجرات
آية:
 

الحجرات

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُقَدِّمُواْ بَيۡنَ يَدَيِ ٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَرۡفَعُوٓاْ أَصۡوَٰتَكُمۡ فَوۡقَ صَوۡتِ ٱلنَّبِيِّ وَلَا تَجۡهَرُواْ لَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ كَجَهۡرِ بَعۡضِكُمۡ لِبَعۡضٍ أَن تَحۡبَطَ أَعۡمَٰلُكُمۡ وَأَنتُمۡ لَا تَشۡعُرُونَ
O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ng Propeta at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَغُضُّونَ أَصۡوَٰتَهُمۡ عِندَ رَسُولِ ٱللَّهِ أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱمۡتَحَنَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡ لِلتَّقۡوَىٰۚ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَأَجۡرٌ عَظِيمٌ
Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag sa pagkakasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُنَادُونَكَ مِن وَرَآءِ ٱلۡحُجُرَٰتِ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Tunay na ang mga tumatawag sa iyo mula sa likuran ng mga silid, ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.
التفاسير العربية:

وَلَوۡ أَنَّهُمۡ صَبَرُواْ حَتَّىٰ تَخۡرُجَ إِلَيۡهِمۡ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن جَآءَكُمۡ فَاسِقُۢ بِنَبَإٖ فَتَبَيَّنُوٓاْ أَن تُصِيبُواْ قَوۡمَۢا بِجَهَٰلَةٖ فَتُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَا فَعَلۡتُمۡ نَٰدِمِينَ
O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi.
التفاسير العربية:
وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ فِيكُمۡ رَسُولَ ٱللَّهِۚ لَوۡ يُطِيعُكُمۡ فِي كَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ لَعَنِتُّمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ حَبَّبَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡإِيمَٰنَ وَزَيَّنَهُۥ فِي قُلُوبِكُمۡ وَكَرَّهَ إِلَيۡكُمُ ٱلۡكُفۡرَ وَٱلۡفُسُوقَ وَٱلۡعِصۡيَانَۚ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلرَّـٰشِدُونَ
Alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni Allāh. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si Allāh ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan.
التفاسير العربية:
فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَنِعۡمَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
[Nangyari ito] bilang kabutihang-loob mula kay Allāh at bilang biyaya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
التفاسير العربية:
وَإِن طَآئِفَتَانِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱقۡتَتَلُواْ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَاۖ فَإِنۢ بَغَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا عَلَى ٱلۡأُخۡرَىٰ فَقَٰتِلُواْ ٱلَّتِي تَبۡغِي حَتَّىٰ تَفِيٓءَ إِلَىٰٓ أَمۡرِ ٱللَّهِۚ فَإِن فَآءَتۡ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَا بِٱلۡعَدۡلِ وَأَقۡسِطُوٓاْۖ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ
Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumapastangan ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumalapastangan hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan.
التفاسير العربية:
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ إِخۡوَةٞ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَ أَخَوَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ
Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya magpayapa kayo sa pagitan ng mga kapatid ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay kaaawaan.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا يَسۡخَرۡ قَوۡمٞ مِّن قَوۡمٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُونُواْ خَيۡرٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا نِسَآءٞ مِّن نِّسَآءٍ عَسَىٰٓ أَن يَكُنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهُنَّۖ وَلَا تَلۡمِزُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَلَا تَنَابَزُواْ بِٱلۡأَلۡقَٰبِۖ بِئۡسَ ٱلِٱسۡمُ ٱلۡفُسُوقُ بَعۡدَ ٱلۡإِيمَٰنِۚ وَمَن لَّمۡ يَتُبۡ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱجۡتَنِبُواْ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلظَّنِّ إِنَّ بَعۡضَ ٱلظَّنِّ إِثۡمٞۖ وَلَا تَجَسَّسُواْ وَلَا يَغۡتَب بَّعۡضُكُم بَعۡضًاۚ أَيُحِبُّ أَحَدُكُمۡ أَن يَأۡكُلَ لَحۡمَ أَخِيهِ مَيۡتٗا فَكَرِهۡتُمُوهُۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ تَوَّابٞ رَّحِيمٞ
O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Masusuklam kayo rito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن ذَكَرٖ وَأُنثَىٰ وَجَعَلۡنَٰكُمۡ شُعُوبٗا وَقَبَآئِلَ لِتَعَارَفُوٓاْۚ إِنَّ أَكۡرَمَكُمۡ عِندَ ٱللَّهِ أَتۡقَىٰكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٞ
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid.
التفاسير العربية:
۞قَالَتِ ٱلۡأَعۡرَابُ ءَامَنَّاۖ قُل لَّمۡ تُؤۡمِنُواْ وَلَٰكِن قُولُوٓاْ أَسۡلَمۡنَا وَلَمَّا يَدۡخُلِ ٱلۡإِيمَٰنُ فِي قُلُوبِكُمۡۖ وَإِن تُطِيعُواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَا يَلِتۡكُم مِّنۡ أَعۡمَٰلِكُمۡ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Nagsabi ang mga Arabeng disyerto: "Sumampalataya kami." Sabihin mo: "Hindi kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: ‘Nagpasakop kami.’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."
التفاسير العربية:
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ ثُمَّ لَمۡ يَرۡتَابُواْ وَجَٰهَدُواْ بِأَمۡوَٰلِهِمۡ وَأَنفُسِهِمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّـٰدِقُونَ
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga tapat.
التفاسير العربية:
قُلۡ أَتُعَلِّمُونَ ٱللَّهَ بِدِينِكُمۡ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Sabihin mo: "Nagtuturo ba kayo kay Allāh ng relihiyon ninyo samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam."
التفاسير العربية:
يَمُنُّونَ عَلَيۡكَ أَنۡ أَسۡلَمُواْۖ قُل لَّا تَمُنُّواْ عَلَيَّ إِسۡلَٰمَكُمۖ بَلِ ٱللَّهُ يَمُنُّ عَلَيۡكُمۡ أَنۡ هَدَىٰكُمۡ لِلۡإِيمَٰنِ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: "Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat."
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ غَيۡبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa Lingid sa mga langit at lupa. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الحجرات
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

www.islamhouse.com ترجمة معاني القرآن الكريم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق