ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الحشر
آية:
 

الحشر

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagluwalhati kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ مِن دِيَٰرِهِمۡ لِأَوَّلِ ٱلۡحَشۡرِۚ مَا ظَنَنتُمۡ أَن يَخۡرُجُواْۖ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مَّانِعَتُهُمۡ حُصُونُهُم مِّنَ ٱللَّهِ فَأَتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِنۡ حَيۡثُ لَمۡ يَحۡتَسِبُواْۖ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ ٱلرُّعۡبَۚ يُخۡرِبُونَ بُيُوتَهُم بِأَيۡدِيهِمۡ وَأَيۡدِي ٱلۡمُؤۡمِنِينَ فَٱعۡتَبِرُواْ يَـٰٓأُوْلِي ٱلۡأَبۡصَٰرِ
Siya ay ang nagpalayas sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan mula sa mga tahanan nila sa unang pagkatipon. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lalayas. Nagpalagay sila na sila ay isasanggalang ng mga kuta nila laban kay Allāh, ngunit pumunta sa kanila [ang bagsik] ni Allāh mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila sa mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo, O mga may paningin.
التفاسير العربية:
وَلَوۡلَآ أَن كَتَبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡجَلَآءَ لَعَذَّبَهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابُ ٱلنَّارِ
Kung sakaling hindi nagtakda si Allāh sa kanila ng pagkataboy ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy.
التفاسير العربية:

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ شَآقُّواْ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥۖ وَمَن يُشَآقِّ ٱللَّهَ فَإِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay Allāh, tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
التفاسير العربية:
مَا قَطَعۡتُم مِّن لِّينَةٍ أَوۡ تَرَكۡتُمُوهَا قَآئِمَةً عَلَىٰٓ أُصُولِهَا فَبِإِذۡنِ ٱللَّهِ وَلِيُخۡزِيَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Ang anumang pinutol ninyo na datiles o hinayaan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang dumusta Siya sa mga suwail.
التفاسير العربية:
وَمَآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡهُمۡ فَمَآ أَوۡجَفۡتُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ خَيۡلٖ وَلَا رِكَابٖ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُۥ عَلَىٰ مَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
At ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kanila ay hindi kayo nagpatakbo para rito ng mga kabayo ni mga sasakyang kamelyo, subalit nagpapanaig si Allāh sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
التفاسير العربية:
مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ كَيۡ لَا يَكُونَ دُولَةَۢ بَيۡنَ ٱلۡأَغۡنِيَآءِ مِنكُمۡۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Ang anumang ipinakumpiska ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay Allāh, ukol sa Sugo, ukol sa may mga pagkakamag-anak [sa Sugo], mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tumigil kayo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.
التفاسير العربية:
لِلۡفُقَرَآءِ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأَمۡوَٰلِهِمۡ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٗا وَيَنصُرُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥٓۚ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلصَّـٰدِقُونَ
[May ginugugol] para sa mga maralita, na mga pinalayas mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, na naghahangad ng isang kagandahang-loob mula kay Allāh at isang pagkalugod, at nag-aadya kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ تَبَوَّءُو ٱلدَّارَ وَٱلۡإِيمَٰنَ مِن قَبۡلِهِمۡ يُحِبُّونَ مَنۡ هَاجَرَ إِلَيۡهِمۡ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمۡ حَاجَةٗ مِّمَّآ أُوتُواْ وَيُؤۡثِرُونَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِمۡ وَلَوۡ كَانَ بِهِمۡ خَصَاصَةٞۚ وَمَن يُوقَ شُحَّ نَفۡسِهِۦ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang mga tumahan sa tahanan [sa Madīnah] at pananampalataya, mula ng bago pa ng mga [nagsilikas na] iyon, ay umiibig sa sinumang lumikas sa kanila. Hindi sila nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon at nagtatangi sila [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang napangangalagaan sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
التفاسير العربية:

وَٱلَّذِينَ جَآءُو مِنۢ بَعۡدِهِمۡ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لَنَا وَلِإِخۡوَٰنِنَا ٱلَّذِينَ سَبَقُونَا بِٱلۡإِيمَٰنِ وَلَا تَجۡعَلۡ فِي قُلُوبِنَا غِلّٗا لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ رَبَّنَآ إِنَّكَ رَءُوفٞ رَّحِيمٌ
Ang mga dumating mula ng matapos nila ay nagsasabi: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso Namin ng isang hinanakit sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain."
التفاسير العربية:
۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ نَافَقُواْ يَقُولُونَ لِإِخۡوَٰنِهِمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَئِنۡ أُخۡرِجۡتُمۡ لَنَخۡرُجَنَّ مَعَكُمۡ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمۡ أَحَدًا أَبَدٗا وَإِن قُوتِلۡتُمۡ لَنَنصُرَنَّكُمۡ وَٱللَّهُ يَشۡهَدُ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Hindi ka ba tumingin sa mga nagpaimbabaw habang nagsasabi sa mga kapatid nila na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan: "Talagang kung pinalayas kayo ay talagang lalayas nga kami kasama sa inyo. Hindi kami tatalima alang-alang sa inyo sa isaman magpakailanman. Kung kinalaban kayo ay talagang mag-aadya nga kami sa inyo." Si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling.
التفاسير العربية:
لَئِنۡ أُخۡرِجُواْ لَا يَخۡرُجُونَ مَعَهُمۡ وَلَئِن قُوتِلُواْ لَا يَنصُرُونَهُمۡ وَلَئِن نَّصَرُوهُمۡ لَيُوَلُّنَّ ٱلۡأَدۡبَٰرَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ
Talagang kung pinalayas ang mga iyon ay hindi sila lalayas kasama sa mga iyon. Talagang kung kinalaban ang mga iyon ay hindi sila mag-aadya sa mga iyon. Talagang kung mag-aadya sila sa mga iyon ay talagang magbabaling sila ng mga likuran nila. Pagkatapos ay hindi maiaadya ang mga iyon.
التفاسير العربية:
لَأَنتُمۡ أَشَدُّ رَهۡبَةٗ فِي صُدُورِهِم مِّنَ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَفۡقَهُونَ
Talagang kayo ay higit na matindi sa sindak sa mga dibdib nila kaysa kay Allāh. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
التفاسير العربية:
لَا يُقَٰتِلُونَكُمۡ جَمِيعًا إِلَّا فِي قُرٗى مُّحَصَّنَةٍ أَوۡ مِن وَرَآءِ جُدُرِۭۚ بَأۡسُهُم بَيۡنَهُمۡ شَدِيدٞۚ تَحۡسَبُهُمۡ جَمِيعٗا وَقُلُوبُهُمۡ شَتَّىٰۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَوۡمٞ لَّا يَعۡقِلُونَ
Hindi sila makikipaglaban sa inyo nang magkasama maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang bagsik nila sa pagitan nila ay matindi. Nag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa.
التفاسير العربية:
كَمَثَلِ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ قَرِيبٗاۖ ذَاقُواْ وَبَالَ أَمۡرِهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
[Sila ay] katulad ng mga kabilang sa nauna sa kanila kamakailan. Lumasap sila ng kasaklapan ng kalagayan nila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
كَمَثَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِ إِذۡ قَالَ لِلۡإِنسَٰنِ ٱكۡفُرۡ فَلَمَّا كَفَرَ قَالَ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّنكَ إِنِّيٓ أَخَافُ ٱللَّهَ رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
[Sila ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: "Tumanggi kang sumampalataya!" Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang."
التفاسير العربية:

فَكَانَ عَٰقِبَتَهُمَآ أَنَّهُمَا فِي ٱلنَّارِ خَٰلِدَيۡنِ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَـٰٓؤُاْ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya ang kahihinatnan nilang dalawa ay na silang dalawa ay sa Apoy bilang mga mananatili roon. Iyon ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡتَنظُرۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ لِغَدٖۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh. Pagmasdan ng kaluluwa ang ipinauna niya para sa kinabukasan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
التفاسير العربية:
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ نَسُواْ ٱللَّهَ فَأَنسَىٰهُمۡ أَنفُسَهُمۡۚ أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
At huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh kaya ipinalimot Niya sa kanila ang mga sarili nila. Ang mga iyon ay ang mga suwail.
التفاسير العربية:
لَا يَسۡتَوِيٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۚ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ
Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi.
التفاسير العربية:
لَوۡ أَنزَلۡنَا هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ عَلَىٰ جَبَلٖ لَّرَأَيۡتَهُۥ خَٰشِعٗا مُّتَصَدِّعٗا مِّنۡ خَشۡيَةِ ٱللَّهِۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ
Kung sakaling nagbaba Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagpapakumbaba na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay gumagawa Kami ng mga iyon para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِۖ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ
Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Nakaaalam sa Lingid at Hayag. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡقُدُّوسُ ٱلسَّلَٰمُ ٱلۡمُؤۡمِنُ ٱلۡمُهَيۡمِنُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡجَبَّارُ ٱلۡمُتَكَبِّرُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal, ang Tagapagpasampalataya, ang Tagasubaybay, ang Makapangyarihan, ang Palasupil, ang Nakapagmamalaki. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
التفاسير العربية:
هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡخَٰلِقُ ٱلۡبَارِئُ ٱلۡمُصَوِّرُۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Siya ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagalalang, ang Tagaanyo. Taglay Niya ang mga pangalan na pinakamagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الحشر
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق