ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الجن
آية:
 

الجن

قُلۡ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوٓاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبٗا
Sabihin mo: "Ikinasi sa akin na may nakinig na isang pangkat ng jinn at nagsabi sila: 'Tunay na kami ay nakarinig ng isang pagbigkas na kahanga-hanga.
التفاسير العربية:
يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَآ أَحَدٗا
Nagpapatnubay ito sa kagabayan kaya sumampalataya kami rito at hindi kami magtatambal sa Panginoon namin ng isa man.
التفاسير العربية:
وَأَنَّهُۥ تَعَٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَٰحِبَةٗ وَلَا وَلَدٗا
At na Siya - pagkataas-taas ang kabunyian ng Panginoon namin - ay hindi nagkaroon ng asawa ni anak.
التفاسير العربية:
وَأَنَّهُۥ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطٗا
At na laging nagsasabi ang hunghang namin laban kay Allāh ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].
التفاسير العربية:
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا
At na kami ay nagpalagay na hindi magsasabi ang tao at ang jinn laban kay Allāh ng isang kasinungalingan.
التفاسير العربية:
وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالٞ مِّنَ ٱلۡإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٖ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقٗا
At na noon ay may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan.
التفاسير العربية:
وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدٗا
At na sila ay nagpalagay gaya ng ipinagpalagay ninyo na hindi magbubuhay si Allāh ng isa man.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَآءَ فَوَجَدۡنَٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسٗا شَدِيدٗا وَشُهُبٗا
At na kami ay nagtangkang umabot sa langit ngunit natagpuan namin na iyon ay pinuno ng mga tanod na matindi at mga bulalakaw.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن يَسۡتَمِعِ ٱلۡأٓنَ يَجِدۡ لَهُۥ شِهَابٗا رَّصَدٗا
At na kami dati ay umuupo mula roon sa mga mauupuan para sa pakikinig ngunit ang sinumang makikinig ngayon ay makakatagpo siya para sa kanya ng isang bulalakaw na nakatambang.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا لَا نَدۡرِيٓ أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدٗا
At na kami ay hindi nakababatid kung may kasamaan na ninais ba para sa mga nasa lupa o nagnais sa kanila ang Panginoon nila ng isang pagkagabay.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّـٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَٰلِكَۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدٗا
At na kabilang sa amin ang mga maayos at kabilang sa amin ang mababa pa roon; kami noon ay mga kaparaanang magkakaiba.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبٗا
Na kami ay nakatiyak na hindi kami makapagpapawalang-kakayahan kay Allāh sa lupa at hindi kami makapagpapawalang-kakayahan sa Kanya sa pagtakas.
التفاسير العربية:
وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن يُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخۡسٗا وَلَا رَهَقٗا
At na kami, noong nakarinig kami sa patnubay, ay sumampalataya rito; at ang sinumang sumampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba sa kabawasan ni kabigatan.
التفاسير العربية:

وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا
At na kabilang sa amin ang mga tagapasakop at kabilang sa amin ang mga tagalihis; at ang sinumang nagpasakop, ang mga iyon ay nagsadya sa isang paggabay.
التفاسير العربية:
وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا
At tungkol naman sa mga tagalihis; sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong.'
التفاسير العربية:
وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا
At na kung sakaling nagpakatuwid sila sa daan ay talaga sanang nagpatubig Kami sa kanila ng tubig na masagana
التفاسير العربية:
لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا
upang sumubok Kami sa kanila dito. Ang sinumang umayaw sa paalaala sa Panginoon nito ay magsisingit Siya rito sa isang pagdurusang paakyat.
التفاسير العربية:
وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا
At na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.
التفاسير العربية:
وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا
At na noong tumindig ang lingkod ni Allāh na dumadalangin sa Kanya, halos sila sa kanya ay nagiging patung-patong."
التفاسير العربية:
قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا
Sabihin mo: "Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man."
التفاسير العربية:
قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا
Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay."
التفاسير العربية:
قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا
Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi maipagsasanggalang laban kay Allāh ng isa man at hindi makatatagpo ng bukod pa sa Kanya na isang madadaupan,
التفاسير العربية:
إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا
ngunit [makapagdudulot ako] ng isang pagpapaabot mula kay Allāh at mga pasugo Niya." Ang mga sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon magpakailanman.
التفاسير العربية:
حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا
Hanggang sa kapag nakita na nila ang ipinangako sa kanila ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at higit na kaunti sa bilang.
التفاسير العربية:
قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا
Sabihin mo: "Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo o maglalagay para rito ang Panginoon ko ng isang [mahabang] yugto."
التفاسير العربية:
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا
[Siya] ang Nakaaalam sa Lingid, at hindi Siya naghahayag sa Lingid Niya sa isa man,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا
maliban sa sinumang kinalugdan Niya na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatahak mula sa harapan nito at mula sa likuran nito ng [mga anghel na nakatambang]
التفاسير العربية:
لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا
upang makaalam ito na nagpaabot nga sila ng mga pasugo ng Panginoon nila. Sumaklaw Siya sa anumang taglay nila at nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الجن
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق