Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Sura Al-Muzzammil   Versículo:

Al-Muzzammil

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُزَّمِّلُ
O nakabalot,[684]
[684] Humiling ang Propeta na balutin siya dahil sa pagkatakot matapos na makita niya si Anghel Gabriel sa tunay na anyo nito.
Las Exégesis Árabes:
قُمِ ٱلَّيۡلَ إِلَّا قَلِيلٗا
bumangon ka [upang magdasal] sa gabi, maliban sa kaunting [bahagi nito]:
Las Exégesis Árabes:
نِّصۡفَهُۥٓ أَوِ ٱنقُصۡ مِنۡهُ قَلِيلًا
sa kalahati nito, o magbawas ka mula rito ng kaunti,
Las Exégesis Árabes:
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا
o magdagdag ka rito at bumigkas ka ng Qur’ān sa isang [tamang] pagbigkas.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا
Tunay na Kami ay maglalahad sa iyo ng isang sinasabing mabigat.[685]
[685] sa pamamagitan ng Qur’an na ito.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا
Tunay na ang pagbangon [sa pagdarasal] sa gabi ay higit na matindi sa pagtalab at higit na matuwid sa pagsasabi.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang magagawang mahaba.
Las Exégesis Árabes:
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا
Umalala ka sa ngalan ng Panginoon mo at mag-ukol ka [ng sarili sa pagsamba] sa Kanya sa isang [tapat na] pag-uukol.[686]
[686] O...at italaga mo ang sarili sa Kanya sa isang lubusang pagtatalaga.
Las Exégesis Árabes:
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا
Ang Panginoon ng silangan at kanluran, walang Diyos kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan.
Las Exégesis Árabes:
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا
Magtiis ka sa sinasabi nila at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang marikit.
Las Exégesis Árabes:
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا
Hayaan mo Ako at ang mga tagapagpasinungaling na may biyaya at mag-anta-antabay ka sa kanila nang kaunti.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا
Tunay na taglay Namin ay mga panggapos at isang impiyerno,
Las Exégesis Árabes:
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا
at isang pagkain na may pambara at isang pagdurusang masakit,
Las Exégesis Árabes:
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا
sa Araw na yayanig ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging [gaya] bunton ng buhanging gumuguho.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا
Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo [na si Propeta Muḥammad] na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo [na si Moises].
Las Exégesis Árabes:
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا
Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.
Las Exégesis Árabes:
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا
Kaya papaano kayong magsasanggalang [ng mga sarili] kung tumanggi kayong sumampalataya sa isang araw na gagawa sa mga bata na ubanin?
Las Exégesis Árabes:
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا
Ang langit ay mabibitak sa [Araw na] iyon. Laging ang pangako Niya ay magagawa.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
Las Exégesis Árabes:
۞ إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ
Tunay na ang Panginoon mo ay nakaaalam na ikaw [O Propeta Muḥammad] ay tumatayo [sa pagdarasal] sa pinakamalapit sa dalawang-katlo ng gabi o [minsan] kalahati nito o isang katlo nito, at [gayon din] ang isang pangkatin kabilang sa mga kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon. Nakaalam Siya na hindi kayo makakakaya niyon saka tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali [para sa inyo] mula sa Qur’ān. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo ay magiging mga may-sakit, may mga iba na maglalakbay sa lupain habang naghahanap ng kabutihang-loob ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa landas ni Allāh. Kaya bumigkas kayo ng anumang naging madali mula rito. Magpanatili kayo ng pagdarasal,[687] magbigay kayo ng zakāh, at magpautang kayo kay Allāh ng isang pautang na maganda.[688] Ang anumang ipanauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay makatatagpo kayo rito, sa ganang kay Allāh, ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa pabuya. Humingi kayo ng tawad kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[687] sa takdang oras nito
[688] Ibig sabihin: kusang-loob na paggugol sa kawanggawa o pagpapautang sa isang nangangailangang tao, nang walang patubo.
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Sura Al-Muzzammil
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Índice de traducciones

Traducción del significado del Noble Corán al tagalo por el Centro de traducción Rwwad en cooperación con Islamhouse.com

Cerrar