Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Simoore: Simoore Al-ahkaaf   Aaya:
۞ وَٱذۡكُرۡ أَخَا عَادٍ إِذۡ أَنذَرَ قَوۡمَهُۥ بِٱلۡأَحۡقَافِ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلنُّذُرُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦٓ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Banggitin mo, O Sugo, si Hūd na kapatid ng `Ād sa kaangkanan nang nagbabala siya sa mga kalipi niya laban sa pagkaganap ng pagdurusang dulot ni Allāh sa kanila samantalang sila ay nasa mga tahanan nila sa Al-Aḥqāf sa dakong Timog ng Peninsula ng Arabya. Nagdaan na ang mga sugo bilang mga tagapagbabala sa mga tao nila bago ni Hūd at matapos niya, na mga nagsasabi sa mga tao nila: "Huwag kayong sumamba maliban kay Allāh lamang, kaya huwag kayong sumamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi ko, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."
Faccirooji aarabeeji:
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَأۡفِكَنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Dumating ka ba sa amin upang magbaling ka sa amin palayo sa pagsamba sa mga diyos namin? Hindi mangyayari sa iyo iyon. Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa, kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."
Faccirooji aarabeeji:
قَالَ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
Nagsabi siya: "Tanging ang kaalaman sa oras ng pagdurusa ay nasa ganang kay Allāh at ako ay walang kaalaman hinggil doon. Ako ay isang sugong nagpapaabot lamang sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang. Ang may kapakinabangan sa inyo ay iniiwan ninyo at ang may kapinsalaan sa inyo ay pinupuntahan ninyo."
Faccirooji aarabeeji:
فَلَمَّا رَأَوۡهُ عَارِضٗا مُّسۡتَقۡبِلَ أَوۡدِيَتِهِمۡ قَالُواْ هَٰذَا عَارِضٞ مُّمۡطِرُنَاۚ بَلۡ هُوَ مَا ٱسۡتَعۡجَلۡتُم بِهِۦۖ رِيحٞ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
Kaya noong dumating sa kanila ang minadali nila na pagdurusa at nakakita sila niyon na isang ulap na nakaharang sa dako ng langit na nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: "Ito ay isang ulap na magpapatama sa atin ng ulan." Nagsabi sa kanila si Hūd: "Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay ninyo na iyon ay ulap na magpapaulan sa inyo; bagkus iyon ay ang pagdurusang minadali ninyo sapagkat iyon ay isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang nakasasakit."
Faccirooji aarabeeji:
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيۡءِۭ بِأَمۡرِ رَبِّهَا فَأَصۡبَحُواْ لَا يُرَىٰٓ إِلَّا مَسَٰكِنُهُمۡۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Wawasak ito sa bawat bagay na dinaanan nito kabilang sa ipinag-utos ni Allāh na ipahamak, kaya sila ay magiging mga napahamak. Walang makikita kundi ang mga bahay nila na sila dati ay nakatira sa mga iyon habang mga sumasaksi sa kairalan nila sa mga iyon noon. Tulad ng ganting nakasasakit na ito gaganti sa mga salaring nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila.
Faccirooji aarabeeji:
وَلَقَدۡ مَكَّنَّٰهُمۡ فِيمَآ إِن مَّكَّنَّٰكُمۡ فِيهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعٗا وَأَبۡصَٰرٗا وَأَفۡـِٔدَةٗ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُهُمۡ وَلَآ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَيۡءٍ إِذۡ كَانُواْ يَجۡحَدُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami sa mga kalipi ni Hūd ng mga kadahilanan ng kakayahan na hindi Kami nagbigay sa inyo niyon. Gumawa Kami para sa kanila ng mga pandinig na ipinandidinig nila, mga paningin na ipinantitingin nila, at mga puso na ipinang-uunawa nila ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang mga pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga isip nila ng anuman sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh noong dumating ito sa kanila yayamang sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh. Bumaba sa kanila ang dati nilang kinukutya na pagdurusang ipinangamba sa kanila ng propeta nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Faccirooji aarabeeji:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا مَا حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡقُرَىٰ وَصَرَّفۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo, O mga mamamayan ng Makkah, na mga pamayanan sapagkat nagpahamak Kami sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan; at nagsarisari Kami para sa kanila ng mga katwiran at mga patotoo sa pag-asang bumalik sila palayo sa kawalang-pananampalataya nila.
Faccirooji aarabeeji:
فَلَوۡلَا نَصَرَهُمُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ قُرۡبَانًا ءَالِهَةَۢۖ بَلۡ ضَلُّواْ عَنۡهُمۡۚ وَذَٰلِكَ إِفۡكُهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Kaya bakit kaya hindi nag-adya sa kanila ang mga anitong ginawa nilang mga diyos bukod pa kay Allāh, na nagpapakalapit sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagsamba at pag-aalay? Hindi nag-adya ang mga ito sa kanila nang tiyakan, bagkus nawala ang mga ito sa kanila nang pinakakailangan nila ang mga ito. Iyon ay kasinungalingan nila at paggawa-gawa nila, na minithi ng mga sarili nila: na ang mga anitong ito ay magpakinabang sa kanila at mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• لا علم للرسل بالغيب إلا ما أطلعهم ربهم عليه منه.
Walang kaalaman para sa mga sugo hinggil sa Lingid (Ghayb) maliban sa ipinabatid sa kanila ng Panginoon nila mula sa Kanya.

• اغترار قوم هود حين ظنوا العذاب النازل بهم مطرًا، فلم يتوبوا قبل مباغتته لهم.
Ang pagkalinlang ng mga kalipi ni Hūd nang nagpalagay sila na ang pagdurusang bababa sa kanila ay ulan kaya hindi sila nakapagbalik-loob bago ng pagbigla nito sa kanila.

• قوة قوم عاد فوق قوة قريش، ومع ذلك أهلكهم الله.
Ang lakas ng mga kalipi ni `Ād ay higit sa lakas ng Quraysh at sa kabila niyon ay ipinahamak sila ni Allāh.

• العاقل من يتعظ بغيره، والجاهل من يتعظ بنفسه.
Ang nakapag-uunawa ay ang napangangaralan ng iba sa kanya at ang mangmang ay ang napangangaralan ng sarili niya.

 
Firo maanaaji Simoore: Simoore Al-ahkaaf
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Tippudi firooji ɗii

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddude