قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلیپینو ترجمہ (تگالوگ) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: سورۂ ابراہیم
آیت:
 

سورۂ ابراہیم

الٓرۚ كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ إِلَيۡكَ لِتُخۡرِجَ ٱلنَّاسَ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَمِيدِ
Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:
-
عربی تفاسیر:
ٱللَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَوَيۡلٞ لِّلۡكَٰفِرِينَ مِنۡ عَذَابٖ شَدِيدٍ
si Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kapighatian ay para sa mga tagatangging sumampalataya, mula sa isang pagdurusang matindi,
-
عربی تفاسیر:
ٱلَّذِينَ يَسۡتَحِبُّونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا عَلَى ٱلۡأٓخِرَةِ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَيَبۡغُونَهَا عِوَجًاۚ أُوْلَـٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ
na mga napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito ng isang kabaluktutan. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo.
-
عربی تفاسیر:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن رَّسُولٍ إِلَّا بِلِسَانِ قَوۡمِهِۦ لِيُبَيِّنَ لَهُمۡۖ فَيُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
-
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ أَنۡ أَخۡرِجۡ قَوۡمَكَ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِ وَذَكِّرۡهُم بِأَيَّىٰمِ ٱللَّهِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] "Magpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw ni Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.
-
عربی تفاسیر:

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong pinaligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.
-
عربی تفاسیر:
وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكُمۡ لَئِن شَكَرۡتُمۡ لَأَزِيدَنَّكُمۡۖ وَلَئِن كَفَرۡتُمۡ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٞ
[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: "Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi."
-
عربی تفاسیر:
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِن تَكۡفُرُوٓاْ أَنتُمۡ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ
Nagsabi si Moises: "Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa sa kalahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri."
-
عربی تفاسیر:
أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا ٱللَّهُۚ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَرَدُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فِيٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَقَالُوٓاْ إِنَّا كَفَرۡنَا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ وَإِنَّا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَنَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Hindi ba pumunta sa inyo ang balita ng mga nauna pa sa inyo, na mga tao ni Noe, ng `Ād at Thamūd, at mga nahuli na sa kanila? Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila ng mga malinaw patunay, ngunit nagtulak sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo."
-
عربی تفاسیر:
۞قَالَتۡ رُسُلُهُمۡ أَفِي ٱللَّهِ شَكّٞ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَدۡعُوكُمۡ لِيَغۡفِرَ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرَكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ قَالُوٓاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا تُرِيدُونَ أَن تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأۡتُونَا بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Nagsabi ang mga sugo nila: "Sa kay Allāh ba ay may pagdududa, ang Tagalalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy." Nagsabi sila: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katunayang malinaw."
-
عربی تفاسیر:

قَالَتۡ لَهُمۡ رُسُلُهُمۡ إِن نَّحۡنُ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَمُنُّ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦۖ وَمَا كَانَ لَنَآ أَن نَّأۡتِيَكُم بِسُلۡطَٰنٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Walang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
-
عربی تفاسیر:
وَمَا لَنَآ أَلَّا نَتَوَكَّلَ عَلَى ٱللَّهِ وَقَدۡ هَدَىٰنَا سُبُلَنَاۚ وَلَنَصۡبِرَنَّ عَلَىٰ مَآ ءَاذَيۡتُمُونَاۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig."
-
عربی تفاسیر:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِرُسُلِهِمۡ لَنُخۡرِجَنَّكُم مِّنۡ أَرۡضِنَآ أَوۡ لَتَعُودُنَّ فِي مِلَّتِنَاۖ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ رَبُّهُمۡ لَنُهۡلِكَنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: "Talagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin." Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: "Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,
-
عربی تفاسیر:
وَلَنُسۡكِنَنَّكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَافَ مَقَامِي وَخَافَ وَعِيدِ
at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko at nangamba sa banta Ko."
-
عربی تفاسیر:
وَٱسۡتَفۡتَحُواْ وَخَابَ كُلُّ جَبَّارٍ عَنِيدٖ
Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat mapaniil na mapagmatigas.
-
عربی تفاسیر:
مِّن وَرَآئِهِۦ جَهَنَّمُ وَيُسۡقَىٰ مِن مَّآءٖ صَدِيدٖ
Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.
-
عربی تفاسیر:
يَتَجَرَّعُهُۥ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُۥ وَيَأۡتِيهِ ٱلۡمَوۡتُ مِن كُلِّ مَكَانٖ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٖۖ وَمِن وَرَآئِهِۦ عَذَابٌ غَلِيظٞ
Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik.
-
عربی تفاسیر:
مَّثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡۖ أَعۡمَٰلُهُمۡ كَرَمَادٍ ٱشۡتَدَّتۡ بِهِ ٱلرِّيحُ فِي يَوۡمٍ عَاصِفٖۖ لَّا يَقۡدِرُونَ مِمَّا كَسَبُواْ عَلَىٰ شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.
-
عربی تفاسیر:

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَأۡتِ بِخَلۡقٖ جَدِيدٖ
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha.
-
عربی تفاسیر:
وَمَا ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ بِعَزِيزٖ
Hindi iyon kay Allāh mahirap.
-
عربی تفاسیر:
وَبَرَزُواْ لِلَّهِ جَمِيعٗا فَقَالَ ٱلضُّعَفَـٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا مِنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ قَالُواْ لَوۡ هَدَىٰنَا ٱللَّهُ لَهَدَيۡنَٰكُمۡۖ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَجَزِعۡنَآ أَمۡ صَبَرۡنَا مَا لَنَا مِن مَّحِيصٖ
Tatambad sila kay Allāh sa kalahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni Allāh?" Magsasabi ang mga iyon: "Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung nanghinawa tayo o nagtiis tayo. Walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan."
-
عربی تفاسیر:
وَقَالَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَمَّا قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِيۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوٓاْ أَنفُسَكُمۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَآ أَنتُم بِمُصۡرِخِيَّ إِنِّي كَفَرۡتُ بِمَآ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّـٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] bago pa niyan." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
-
عربی تفاسیر:
وَأُدۡخِلَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِمۡۖ تَحِيَّتُهُمۡ فِيهَا سَلَٰمٌ
Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan.
-
عربی تفاسیر:
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا كَلِمَةٗ طَيِّبَةٗ كَشَجَرَةٖ طَيِّبَةٍ أَصۡلُهَا ثَابِتٞ وَفَرۡعُهَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang salitang kaaya-aya sa gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?
-
عربی تفاسیر:

تُؤۡتِيٓ أُكُلَهَا كُلَّ حِينِۭ بِإِذۡنِ رَبِّهَاۗ وَيَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa pahintulot ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
-
عربی تفاسیر:
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٖ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ ٱجۡتُثَّتۡ مِن فَوۡقِ ٱلۡأَرۡضِ مَا لَهَا مِن قَرَارٖ
Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa, na wala itong anumang pamamalagi.
-
عربی تفاسیر:
يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّـٰلِمِينَۚ وَيَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.
-
عربی تفاسیر:
۞أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ بَدَّلُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ كُفۡرٗا وَأَحَلُّواْ قَوۡمَهُمۡ دَارَ ٱلۡبَوَارِ
Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan?
-
عربی تفاسیر:
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Sa Impiyerno ay masusunog sila. Kay saklap ang pamamalagian!
-
عربی تفاسیر:
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِهِۦۗ قُلۡ تَمَتَّعُواْ فَإِنَّ مَصِيرَكُمۡ إِلَى ٱلنَّارِ
Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magligaw ang mga ito palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay tungo sa Apoy."
-
عربی تفاسیر:
قُل لِّعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خِلَٰلٌ
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila sa pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan.
-
عربی تفاسیر:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ لِتَجۡرِيَ فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡهَٰرَ
Si Allāh ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog.
-
عربی تفاسیر:
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ دَآئِبَيۡنِۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ
Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.
-
عربی تفاسیر:

وَءَاتَىٰكُم مِّن كُلِّ مَا سَأَلۡتُمُوهُۚ وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَظَلُومٞ كَفَّارٞ
Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.
-
عربی تفاسیر:
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَٰذَا ٱلۡبَلَدَ ءَامِنٗا وَٱجۡنُبۡنِي وَبَنِيَّ أَن نَّعۡبُدَ ٱلۡأَصۡنَامَ
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito.
-
عربی تفاسیر:
رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضۡلَلۡنَ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِۖ فَمَن تَبِعَنِي فَإِنَّهُۥ مِنِّيۖ وَمَنۡ عَصَانِي فَإِنَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay nagligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.
-
عربی تفاسیر:
رَّبَّنَآ إِنِّيٓ أَسۡكَنتُ مِن ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيۡرِ ذِي زَرۡعٍ عِندَ بَيۡتِكَ ٱلۡمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ فَٱجۡعَلۡ أَفۡـِٔدَةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ تَهۡوِيٓ إِلَيۡهِمۡ وَٱرۡزُقۡهُم مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَشۡكُرُونَ
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Binanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat.
-
عربی تفاسیر:
رَبَّنَآ إِنَّكَ تَعۡلَمُ مَا نُخۡفِي وَمَا نُعۡلِنُۗ وَمَا يَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فِي ٱلسَّمَآءِ
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang nakakukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit.
-
عربی تفاسیر:
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي وَهَبَ لِي عَلَى ٱلۡكِبَرِ إِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبِّي لَسَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagkaloob para sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin.
-
عربی تفاسیر:
رَبِّ ٱجۡعَلۡنِي مُقِيمَ ٱلصَّلَوٰةِ وَمِن ذُرِّيَّتِيۚ رَبَّنَا وَتَقَبَّلۡ دُعَآءِ
Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang [marami] kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.
-
عربی تفاسیر:
رَبَّنَا ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ يَوۡمَ يَقُومُ ٱلۡحِسَابُ
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos."
-
عربی تفاسیر:
وَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ غَٰفِلًا عَمَّا يَعۡمَلُ ٱلظَّـٰلِمُونَۚ إِنَّمَا يُؤَخِّرُهُمۡ لِيَوۡمٖ تَشۡخَصُ فِيهِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ
Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nag-aantala lamang Siya sa kanila para sa isang araw na mapatititig doon ang mga paningin.
-
عربی تفاسیر:

مُهۡطِعِينَ مُقۡنِعِي رُءُوسِهِمۡ لَا يَرۡتَدُّ إِلَيۡهِمۡ طَرۡفُهُمۡۖ وَأَفۡـِٔدَتُهُمۡ هَوَآءٞ
Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi manunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag.
-
عربی تفاسیر:
وَأَنذِرِ ٱلنَّاسَ يَوۡمَ يَأۡتِيهِمُ ٱلۡعَذَابُ فَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ رَبَّنَآ أَخِّرۡنَآ إِلَىٰٓ أَجَلٖ قَرِيبٖ نُّجِبۡ دَعۡوَتَكَ وَنَتَّبِعِ ٱلرُّسُلَۗ أَوَلَمۡ تَكُونُوٓاْ أَقۡسَمۡتُم مِّن قَبۡلُ مَا لَكُم مِّن زَوَالٖ
Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan: "Panginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo." [Sasabihin:] "Hindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil?
-
عربی تفاسیر:
وَسَكَنتُمۡ فِي مَسَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَتَبَيَّنَ لَكُمۡ كَيۡفَ فَعَلۡنَا بِهِمۡ وَضَرَبۡنَا لَكُمُ ٱلۡأَمۡثَالَ
Tumira kayo sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw para sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad."
-
عربی تفاسیر:
وَقَدۡ مَكَرُواْ مَكۡرَهُمۡ وَعِندَ ٱللَّهِ مَكۡرُهُمۡ وَإِن كَانَ مَكۡرُهُمۡ لِتَزُولَ مِنۡهُ ٱلۡجِبَالُ
Nanlansi nga sila ng panlalansi nila samantalang [nakatala] sa ganang kay Allāh ang panlalansi nila kahit pa nangyaring ang panlalansi nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok.
-
عربی تفاسیر:
فَلَا تَحۡسَبَنَّ ٱللَّهَ مُخۡلِفَ وَعۡدِهِۦ رُسُلَهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٖ
Kaya huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.
-
عربی تفاسیر:
يَوۡمَ تُبَدَّلُ ٱلۡأَرۡضُ غَيۡرَ ٱلۡأَرۡضِ وَٱلسَّمَٰوَٰتُۖ وَبَرَزُواْ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ
Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig.
-
عربی تفاسیر:
وَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ مُّقَرَّنِينَ فِي ٱلۡأَصۡفَادِ
Makakikita ka sa mga salarin sa Araw na iyon na mga pinaggagapos sa mga posas,
-
عربی تفاسیر:
سَرَابِيلُهُم مِّن قَطِرَانٖ وَتَغۡشَىٰ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ
na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at bumabalot sa mga mukha nila ang apoy,
-
عربی تفاسیر:
لِيَجۡزِيَ ٱللَّهُ كُلَّ نَفۡسٖ مَّا كَسَبَتۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
upang gumanti si Allāh sa bawat kaluluwa sa nakamit nito. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
-
عربی تفاسیر:
هَٰذَا بَلَٰغٞ لِّلنَّاسِ وَلِيُنذَرُواْ بِهِۦ وَلِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ وَلِيَذَّكَّرَ أُوْلُواْ ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip.
-
عربی تفاسیر:

 
معانی کا ترجمہ سورت: سورۂ ابراہیم
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلیپینو ترجمہ (تگالوگ) - ترجمے کی لسٹ

قرآن کریم کے معانی کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ۔ ترجمہ مرکز رواد الترجمہ کی ایک ٹیم نے ویب سائٹ اسلام ہاؤس www.islamhouse.com کے تعاون سے کیا ہے۔

بند کریں