Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. * - Tərcumənin mündəricatı


Mənaların tərcüməsi Ayə: (1) Surə: Hud

Hūd

Surənin məqsədlərindən:
تثبيت النبي والمؤمنين بقصص الأنبياء السابقين، وتشديد الوعيد للمكذبين.
Ang pagpapatatag sa Propeta at mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga kasaysayan ng mga propetang nauna at ang pagpapatindi ng banta sa mga tagapagpasinungaling.

الٓرۚ كِتَٰبٌ أُحۡكِمَتۡ ءَايَٰتُهُۥ ثُمَّ فُصِّلَتۡ مِن لَّدُنۡ حَكِيمٍ خَبِيرٍ
Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa Kabanatang Al-Baqarah. Ang Qur'ān ay isang aklat na hinusayan ang mga talata nito sa pagkakaayos at kahulugan kaya hindi ka nakakikita sa mga ito ng kasiraan ni kakulangan. Pagkatapos nilinaw ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, ipinag-uutos at sinasaway, pangako at banta, mga salaysay, at ipa pa roon mula sa ganang Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya, Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at sa anumang nagsasaayos sa kanila.
Ərəbcə təfsirlər:
Bu səhifədə olan ayələrdən faydalar:
• إن الخير والشر والنفع والضر بيد الله دون ما سواه.
Tunay na ang kabutihan, ang kasamaan, ang pakinabang, at ang pinsala ay nasa kamay ni Allāh, wala sa iba pa sa Kanya.

• وجوب اتباع الكتاب والسُّنَّة والصبر على الأذى وانتظار الفرج من الله.
Ang pagkatungkulin ng pagsunod sa Qur'ān at Sunnah, ang pagtitiis sa pananakit, at ang paghihintay ng pagpapaginhawa mula kay Allāh.

• آيات القرآن محكمة لا يوجد فيها خلل ولا باطل، وقد فُصِّلت الأحكام فيها تفصيلًا تامَّا.
Ang mga talata ng Qur'ān ay hinusto, na hindi nakatatagpo sa mga ito ng kasiraan ni kabulaanan, at dinetalye nga ang mga patakaran sa mga ito ayon sa isang pagdedetalyeng lubusan.

• وجوب المسارعة إلى التوبة والندم على الذنوب لنيل المطلوب والنجاة من المرهوب.
Ang pagkatungkulin ng pagdadali-dali sa pagbabalik-loob at pagsisisi sa mga pagkakasala para sa pagtamo ng hinihiling at kaligtasan mula sa pinangingilabutan.

 
Mənaların tərcüməsi Ayə: (1) Surə: Hud
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. - Tərcumənin mündəricatı

"Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. "Quran araşdırmaları" mərkəzi tərəfindən yayımlanıb.

Bağlamaq