Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. * - Tərcumənin mündəricatı


Mənaların tərcüməsi Ayə: (284) Surə: əl-Bəqərə
لِّلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ وَإِن تُبۡدُواْ مَا فِيٓ أَنفُسِكُمۡ أَوۡ تُخۡفُوهُ يُحَاسِبۡكُم بِهِ ٱللَّهُۖ فَيَغۡفِرُ لِمَن يَشَآءُ وَيُعَذِّبُ مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ
Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa. Kung magpapalitaw kayo ng anumang nasa mga puso ninyo o magkukubli kayo nito ay makaaalam nito si Allāh at magtutuos Siya sa inyo nito, saka magpapatawad Siya matapos niyon sa sinumang niloloob Niya bilang kagandahang-loob at awa, at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang katarungan at karunungan. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Ərəbcə təfsirlər:
Bu səhifədə olan ayələrdən faydalar:
• جواز أخذ الرهن لضمان الحقوق في حال عدم القدرة على توثيق الحق، إلا إذا وَثِقَ المتعاملون بعضهم ببعض.
Ang pagpayag sa pagtanggap ng sangla para sa paggarantiya ng mga karapatan sa sandali ng kawalan ng kakayahan sa pagsasadokumento ng pananagutan malibang kapag nagtiwala ang mga nagtatransaksiyon sa isa't isa sa kanila.

• حرمة كتمان الشهادة وإثم من يكتمها ولا يؤديها.
Ang pagkabawal ng paglilingid ng pagsasaksi at ang kasalanan ng sinumang naglilingid nito at hindi nagsasagawa nito.

• كمال علم الله تعالى واطلاعه على خلقه، وقدرته التامة على حسابهم على ما اكتسبوا من أعمال.
Ang kalubusan ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang kabatiran Niya sa nilikha Niya, at ang kakayahan Niyang lubos sa pagtutuos sa kanila sa mga nakamit nilang mga gawa.

• تقرير أركان الإيمان وبيان أصوله.
Ang Pagkilala sa mga Haligi ng Pananampalataya at ang Paglilinaw sa mga Saligan Nito

• قام هذا الدين على اليسر ورفع الحرج والمشقة عن العباد، فلا يكلفهم الله إلا ما يطيقون، ولا يحاسبهم على ما لا يستطيعون.
Nakabatay ang Relihiyong ito sa ginhawa at pag-aalis ng nakaaasiwa at pabigat sa mga tao kaya hindi nag-aatang sa kanila si Allāh maliban ng magagawa nila at hindi Siya magtutuos sa kanila sa hindi nila nakakakaya.

 
Mənaların tərcüməsi Ayə: (284) Surə: əl-Bəqərə
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - "Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. - Tərcumənin mündəricatı

"Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri" kitabının Filippin (taqaloq) dilinə tərcüməsi. "Quran araşdırmaları" mərkəzi tərəfindən yayımlanıb.

Bağlamaq