Check out the new design

Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri - kitabının Filippin (Taqaloq) dilinə tərcüməsi. * - Tərcumənin mündəricatı


Mənaların tərcüməsi Surə: əl-İnsan   Ayə:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا
Alalahanin mo Siya sa dalawang dasal sa gabi: ang dasal sa pagkalubog ng araw at ang dasal sa gabi, at magsagawa ka ng tahajjud matapos ng dalawang ito.
Ərəbcə təfsirlər:
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا
Tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay umiibig sa buhay na pangmundo, nagsisigasig dito, at nag-iiwan sa likuran nila ng Araw ng Pagbangon, na siyang araw na mabigat dahil sa taglay nito na mga kapahamakan at mga kasawiang-palad.
Ərəbcə təfsirlər:
نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا
Kami ay lumikha sa kanila at nagpalakas sa pagkalikha sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kasukasuan nila, mga bahagi ng katawan nila, at iba pa. Kapag niloob Namin ang pagpapahamak sa kanila at ang pagpapalit sa kanila ng mga tulad nila ay magpapahamak Kami sa kanila at magpapalit Kami sa kanila.
Ərəbcə təfsirlər:
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Tunay na ang kabanatang ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ng paggawa ng isang daan na magpaparating sa kanya tungo sa pagkalugod ng Panginoon niya ay gumawa siya nito.
Ərəbcə təfsirlər:
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Hindi ninyo loloobin ang paggawa ng daan tungo sa pagkalugod ni Allāh maliban na loobin ni Allāh iyon mula sa inyo sapagkat ang utos sa kabuuan nito ay nasa Kanya. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang nababagay para sa mga lingkod Niya at sa anumang hindi nababagay para sa kanila, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
Ərəbcə təfsirlər:
يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya sa awa Niya kaya magtutuon Siya sa kanila sa pananampalataya at gawang maayos samantalang naghanda naman Siya para sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ng isang pagdurusang nakasasakit sa Kabilang-buhay: ang pagdurusa sa Apoy.
Ərəbcə təfsirlər:
Bu səhifədə olan ayələrdən faydalar:
• خطر التعلق بالدنيا ونسيان الآخرة.
Ang panganib ng pagkahumaling sa Mundo at pagkalimot sa Kabilang-buhay.

• مشيئة العبد تابعة لمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay tagasunod sa kalooban ni Allāh.

• إهلاك الأمم المكذبة سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga kalipunang tagapagpasinungaling ay sunnah (kalakaran) na pandiyos.

 
Mənaların tərcüməsi Surə: əl-İnsan
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Qurani Kərimin müxtəsər tərfsiri - kitabının Filippin (Taqaloq) dilinə tərcüməsi. - Tərcumənin mündəricatı

Tərcümə "Quran araşdırmaları Təfsir Mərkəzi" tərəfindən yayımlanmışdır.

Bağlamaq