Check out the new design

Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. * - Tərcumənin mündəricatı

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Maidə   Ayə:
وَلَوۡ أَنَّ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ ءَامَنُواْ وَٱتَّقَوۡاْ لَكَفَّرۡنَا عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأَدۡخَلۡنَٰهُمۡ جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Kung sakaling ang mga May Kasulatan ay sumampalataya[22] at nangilag magkasala ay talaga sanang magtatakip-sala Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talaga sanang magpapapasok Kami sa kanila sa mga hardin ng lugod.
[22] sa mensaheng inihatid ni Propeta Muḥammad
Ərəbcə təfsirlər:
وَلَوۡ أَنَّهُمۡ أَقَامُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِم مِّن رَّبِّهِمۡ لَأَكَلُواْ مِن فَوۡقِهِمۡ وَمِن تَحۡتِ أَرۡجُلِهِمۚ مِّنۡهُمۡ أُمَّةٞ مُّقۡتَصِدَةٞۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ سَآءَ مَا يَعۡمَلُونَ
Kung sakaling sila ay nagpanatili sa Torah, Ebanghelyo, at anumang pinababa sa kanila mula sa Panginoon nila, talaga sanang kumain sila mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila. Kabilang sa kanila ay isang kalipunang makatwiran[23] at marami kabilang sa kanila ay kay sagwa ang ginagawa nila.
[23] na yumakap sa Islam
Ərəbcə təfsirlər:
۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلرَّسُولُ بَلِّغۡ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ وَإِن لَّمۡ تَفۡعَلۡ فَمَا بَلَّغۡتَ رِسَالَتَهُۥۚ وَٱللَّهُ يَعۡصِمُكَ مِنَ ٱلنَّاسِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
O Sugo, magpaabot ka ng pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo. Kung hindi mo gag̶̶awin ay hindi ka nagpapaaabot ng pasugo Niya. Si Allāh ay magsasanggalang sa iyo sa mga tao. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Ərəbcə təfsirlər:
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَسۡتُمۡ عَلَىٰ شَيۡءٍ حَتَّىٰ تُقِيمُواْ ٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡۗ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم مَّآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَ طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗاۖ فَلَا تَأۡسَ عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Sabihin mo: “O mga May Kasulatan, kayo ay hindi batay sa anuman [sa relihiyon] hanggang sa magpanatili kayo sa Torah, Ebanghelyo, at [Qur’ān na] pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo.” Talagang magdaragdag nga sa marami sa kanila ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya. Kaya huwag kang magdalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Ərəbcə təfsirlər:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلصَّٰبِـُٔونَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Tunay na ang mga sumampalataya, ang mga nagpakahudyo, ang mga Sabeo, at ang mga Kristiyano, ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at gumawa ng maayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
Ərəbcə təfsirlər:
لَقَدۡ أَخَذۡنَا مِيثَٰقَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمۡ رُسُلٗاۖ كُلَّمَا جَآءَهُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُهُمۡ فَرِيقٗا كَذَّبُواْ وَفَرِيقٗا يَقۡتُلُونَ
Talaga ngang tumanggap Kami ng tipan sa mga anak ni Israel at nagsugo Kami sa kanila ng mga sugo. Sa tuwing may nagdadala sa kanila na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili nila, sa isang pangkat ay nagpapasinungaling sila at sa isang pangkat ay pumapatay sila.
Ərəbcə təfsirlər:
 
Mənaların tərcüməsi Surə: əl-Maidə
Surələrin mündəricatı Səhifənin rəqəmi
 
Qurani Kərimin mənaca tərcüməsi - Filippin (Taqaloq) dilinə tərcümə - "Ruvvad" tərcümə mərkəzi. - Tərcumənin mündəricatı

Tərcümə "Ruvvad" tərcümə mərkəzi tərəfindən "Rəbva" dəvət cəmiyyəti və İslam məzmununun dillərə xidmət cəmiyyəti ilə birgə əməkdaşlığı ilə tərcümə edilmişdir.

Bağlamaq