Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Maryam   Vers:
فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
Kaya kumain ka mula sa mga sariwang datiles, uminom ka mula sa tubig, magpagalak ka ng sarili sa ipinanganak mo, at huwag kang malungkot. Saka kung makakikita ka kabilang sa mga tao ng isa man at nagtanong ito sa iyo tungkol sa lagay ng ipinanganak ay sabihin mo sa kanya: Tunay na Ako ay nagsatungkulin sa sarili ko para sa Panginoon ko ng isang pananahimik sa pagsasalita kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isa man kabilang sa mga tao."
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
Kaya naghatid si Maria ng anak niya sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagmamasama: "O Maria, talaga ngang naghatid ka ng isang bagay na sukdulang tagapanirang-puri yayamang nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama!
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
يَٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
O kawangis ni Aaron sa pagsamba (na isang lalaking maayos), ang ama mo ay hindi naging isang lalaking tagapangalunya at ang ina mo ay hindi naging isang babaing tagapangalunya at ikaw ay kabilang sa isang bahay na dalisay na kilala sa kaayusan. Kaya papaanong nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama?"
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
Kaya tumuro siya sa anak niyang si Jesus – sumakanya ang pangangalaga – habang ito ay nasa lampin kaya nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagtataka: "Papaano kami mangungusap sa isang paslit samantalang ito ay nasa lampin?"
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
Nagsabi si Jesus – sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Ebanghelyo at gumawa Siya sa akin bilang propeta kabilang sa mga propeta Niya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
Gumawa Siya sa akin bilang maraming pakinabang para sa mga tao saan man ako naroon at nag-utos Siya sa akin ng pagsasagawa ng dasal at pagbibigay ng kawanggawa sa buong buhay ko.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
Gumawa Siya sa akin bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang nagpapakamalaki laban sa pagtalima sa [Kanya na] Panginoon ko ni tagasuway sa Kanya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
Ang katiwasayan laban sa demonyo at mga katulong nito ay sumaakin sa araw ng kapanganakan ko, sa araw ng kamatayan ko, at sa araw ng pagbuhay sa akin bilang buhay sa Araw ng Pagbangon sapagkat hindi nambulabog sa akin ang demonyo sa tatlong kalagayang nagpapapanglaw na ito."
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Ang nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay si Jesus na anak ni Maria. Ang pananalitang ito ay pagsasabi ng katotohanan hinggil sa kanya, hindi ang sinasabi ng mga naliligaw na nagdududa sa lagay niya at nagkakaiba-iba.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Hindi nararapat para kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kabanal-banalan Siya para roon at nagpawalang-kaugnayan Siya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay makasasapat lamang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na magsabi Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari iyon nang walang pasubali. Kaya ang sinumang ganyan, Siya ay napawawalang-kaugnayan sa anak.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
[Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Panginoon ko at Panginoon ninyo sa kalahatan kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Itong nabanggit ko sa inyo ay ang landasing tuwid na nagpaparating sa kaluguran ni Allāh."
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pangangalaga – kaya sila ay naging mga lapiang nagkahati-hati kabilang sa mga kababayan niya sapagkat sumampalataya sa kanya ang iba sa kanila at nagsabi: "Siya ay isang sugo" at tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa gaya ng mga Hudyo. Nagpakalabis-labis naman hinggil sa kanya ang mga pangkatin. sapagkat nagsabi ang iba sa kanila: "Siya ay si Allāh" samantalang nagsabi naman ang mga iba pa: "Siya ay anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh para roon. Kaya kapighatian ay ukol sa mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol sa kanya na mga saksi sa sukdulang Araw ng Pagbangon dahil sa naroon na mga masasaksihan, pagtutuos, at parusa.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ يَوۡمَ يَأۡتُونَنَا لَٰكِنِ ٱلظَّٰلِمُونَ ٱلۡيَوۡمَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Anong husay ng pagkarinig nila sa Araw na iyon at anong husay ng pagkakita nila. Nakarinig sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagdinig at nakakita sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagkakita. Subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa buhay na pangmundo ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa landasing tuwid sapagkat hindi sila naghahanda para sa Kabilang-buhay hanggang sa dumating ito sa kanila nang biglaan samantalang sila ay nasa paglabag nila sa katarungan.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• في أمر مريم بالسكوت عن الكلام دليل على فضيلة الصمت في بعض المواطن .
Sa pag-uutos kay Maria ng pananahimik sa pagsasalita ay may patunay sa kalamangan ng pananahimik sa ilan sa mga kalagayan.

• نذر الصمت كان جائزًا في شرع من قبلنا، أما في شرعنا فقد دلت السنة على منعه.
Ang pamamanata ng pananahimik ay pinapayagan noon sa batas ng mga bago natin. Hinggil naman sa batas natin, nagpahiwatig ang Sunnah sa pagbabawal niyon.

• أن ما أخبر به القرآن عن كيفية خلق عيسى هو الحق القاطع الذي لا شك فيه، وكل ما عداه من تقولات باطل لا يليق بالرسل.
Na ang ipinabatid ng Qur'ān tungkol sa pamamaraan ng paglikha kay Jesus ay ang katotohanang tiyakan na walang pagdududa hinggil dito. Ang lahat ng iba pa rito na mga pinagsasabi-sabi ay kabulaanang hindi naaangkop sa mga sugo.

• في الدنيا يكون الكافر أصم وأعمى عن الحق، ولكنه سيبصر ويسمع في الآخرة إذا رأى العذاب، ولن ينفعه ذلك.
Sa Mundo, ang tagatangging sumampalataya ay nagiging bingi at bulag sa katotohanan subalit siya ay makakikita at makaririnig sa Kabilang-buhay kapag nakita niya ang pagdurusa at hindi magpapakinabang sa kanya iyon.

 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Maryam
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans - Übersetzungen

Vom Tafsirzentrum für Quranwissenschaften herausgegeben.

Schließen