Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Vers: (286) Surah / Kapitel: Al-Baqarah
لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ لَهَا مَا كَسَبَتۡ وَعَلَيۡهَا مَا ٱكۡتَسَبَتۡۗ رَبَّنَا لَا تُؤَاخِذۡنَآ إِن نَّسِينَآ أَوۡ أَخۡطَأۡنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تَحۡمِلۡ عَلَيۡنَآ إِصۡرٗا كَمَا حَمَلۡتَهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِنَاۚ رَبَّنَا وَلَا تُحَمِّلۡنَا مَا لَا طَاقَةَ لَنَا بِهِۦۖ وَٱعۡفُ عَنَّا وَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَآۚ أَنتَ مَوۡلَىٰنَا فَٱنصُرۡنَا عَلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa maliban sa anumang makakaya nito na mga gawain dahil ang Relihiyon ni Allāh ay nakabatay sa ginhawa kaya walang pabigat dito. Ang sinumang nagkamit ng kabutihan ay ukol sa kanya ang gantimpala sa anumang ginawa niya nang hindi nagbabawas mula rito ng anuman. Ang sinumang nagkamit ng kasamaan ay para sa kanya ang ganti ng nakamit niyang pagkakasala; hindi magbubuhat nito para sa kanya ang iba pa sa kanya. Nagsabi ang Sugo at ang mga mananampalataya: "Panginoon namin, huwag Kang magparusa sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami sa ginawa o sinabi nang walang paglalayon mula sa amin. Panginoon namin, huwag Kang mag-atang sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya gaya ng pag-atang Mo sa mga nauna pa sa amin kabilang sa mga pinarusahan Mo dahil sa kawalang-katarungan nila, gaya ng mga Hudyo. Huwag Kang magpapasan sa amin ng magpapabigat sa amin at hindi namin makakaya na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. Magpalampas Ka sa mga pagkakasala namin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng kabutihang-loob Mo. Ikaw ay Katangkilik namin at Tagaadya namin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• جواز أخذ الرهن لضمان الحقوق في حال عدم القدرة على توثيق الحق، إلا إذا وَثِقَ المتعاملون بعضهم ببعض.
Ang pagpayag sa pagtanggap ng sangla para sa paggarantiya ng mga karapatan sa sandali ng kawalan ng kakayahan sa pagsasadokumento ng pananagutan malibang kapag nagtiwala ang mga nagtatransaksiyon sa isa't isa sa kanila.

• حرمة كتمان الشهادة وإثم من يكتمها ولا يؤديها.
Ang pagkabawal ng paglilingid ng pagsasaksi at ang kasalanan ng sinumang naglilingid nito at hindi nagsasagawa nito.

• كمال علم الله تعالى واطلاعه على خلقه، وقدرته التامة على حسابهم على ما اكتسبوا من أعمال.
Ang kalubusan ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ang kabatiran Niya sa nilikha Niya, at ang kakayahan Niyang lubos sa pagtutuos sa kanila sa mga nakamit nilang mga gawa.

• تقرير أركان الإيمان وبيان أصوله.
Ang Pagkilala sa mga Haligi ng Pananampalataya at ang Paglilinaw sa mga Saligan Nito

• قام هذا الدين على اليسر ورفع الحرج والمشقة عن العباد، فلا يكلفهم الله إلا ما يطيقون، ولا يحاسبهم على ما لا يستطيعون.
Nakabatay ang Relihiyong ito sa ginhawa at pag-aalis ng nakaaasiwa at pabigat sa mga tao kaya hindi nag-aatang sa kanila si Allāh maliban ng magagawa nila at hindi Siya magtutuos sa kanila sa hindi nila nakakakaya.

 
Übersetzung der Bedeutungen Vers: (286) Surah / Kapitel: Al-Baqarah
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran - Übersetzungen

Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran , veröffentlicht von dem Tafsir Zentrum für die Quran Studien

Schließen