Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Vers: (22) Surah / Kapitel: Al -I-‘Imrân
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَمَا لَهُم مِّن نَّٰصِرِينَ
Ang mga nailalarawan na iyon sa mga katangiang iyon ay nawalang-saysay nga ang mga gawa nila kaya hindi sila nakikinabang sa mga ito sa Mundo ni sa Kabilang-buhay dahil sa kawalan ng pananampalataya nila kay Allāh. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adyang magsasanggalang sa kanila sa pagdurusa.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• من أعظم ما يُكفِّر الذنوب ويقي عذاب النار الإيمان بالله تعالى واتباع ما جاء به الرسول صلى الله عليه وسلم.
Kabilang sa pinakasukdulan sa nagtatakip-sala sa mga pagkakasala at nangangalaga laban sa pagdurusa sa Impiyerno ang pananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagsunod sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• أعظم شهادة وحقيقة هي ألوهية الله تعالى ولهذا شهد الله بها لنفسه، وشهد بها ملائكته، وشهد بها أولو العلم ممن خلق.
Ang pinakasukdulan na pagsasaksi at katotohanan ay ang pagkadiyos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Dahil dito, sumasaksi si Allāh dito para sa sarili Niya, sumaksi rito ang mga anghel Niya, at sumaksi rito ang mga may kaalaman kabilang sa mga nilikha.

• البغي والحسد من أعظم أسباب النزاع والصرف عن الحق.
Ang paglabag at ang inggit ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga kadahilanan ng alitan at pagbaling palayo sa katotohanan.

 
Übersetzung der Bedeutungen Vers: (22) Surah / Kapitel: Al -I-‘Imrân
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran - Übersetzungen

Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran , veröffentlicht von dem Tafsir Zentrum für die Quran Studien

Schließen