Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Vers: (79) Surah / Kapitel: Al -I-‘Imrân
مَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُؤۡتِيَهُ ٱللَّهُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ ثُمَّ يَقُولَ لِلنَّاسِ كُونُواْ عِبَادٗا لِّي مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن كُونُواْ رَبَّٰنِيِّـۧنَ بِمَا كُنتُمۡ تُعَلِّمُونَ ٱلۡكِتَٰبَ وَبِمَا كُنتُمۡ تَدۡرُسُونَ
Hindi naging nararapat sa isang tao na magbigay rito si Allāh ng isang kasulatan na pinababa mula sa ganang Kanya, magtustos dito ng kaalaman at pag-intindi, at pumili rito bilang propeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: "Kayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay Allāh," bagkus magsabi siya sa kanila: "Kayo ay maging mga nakaaalam na mga nagtatrabaho bilang mga tagapagturo sa mga tao, bilang mga tagapagsaayos sa mga kapakanan nila dahilan sa pagtuturo ninyo ng kasulatan na pinababa para sa mga tao at dahil kayo noon ay nag-aaral mula rito ayon sa pagsasaulo at pag-intindi."
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• ضلال علماء اليهود ومكرهم في تحريفهم كلام الله، وكذبهم على الناس بنسبة تحريفهم إليه تعالى.
Ang pagkaligaw ng mga maalam ng mga Hudyo at ang mga panlalansi nila sa pagpapalihis sa salita ni Allāh at pagsisinungaling nila sa mga tao dahil sa pag-uugnay ng pagpapalihis nila sa Kanya – pagkataas-taas Siya.

• كل من يدعي أنه على دين نبي من أنبياء الله إذا لم يؤمن بمحمد عليه الصلاة والسلام فهو ناقض لعهده مع الله تعالى.
Ang bawat nag-aangkin na siya ay nasa relihiyon ng isa sa mga propeta ni Allāh, kapag hindi sumampalataya kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – siya ay sumisira sa tipan niya kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• أعظم الناس منزلةً العلماءُ الربانيون الذين يجمعون بين العلم والعمل، ويربُّون الناس على ذلك.
Ang pinakadakila sa mga tao sa antas ay ang mga maalam na mga paham na nagsama sa kaalaman at gawa, at nagtuturo sa mga tao ayon doon.

• أعظم الضلال الإعراض عن دين الله تعالى الذي استسلم له سبحانه الخلائق كلهم بَرُّهم وفاجرهم.
Ang pinakamabigat na pagkaligaw ay ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na sumuko sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga nilikha sa kabuuan nila: ang mabuting-loob sa kanila at ang masamang-loob sa kanila.

 
Übersetzung der Bedeutungen Vers: (79) Surah / Kapitel: Al -I-‘Imrân
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran - Übersetzungen

Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran , veröffentlicht von dem Tafsir Zentrum für die Quran Studien

Schließen