Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Luqmān   Vers:

Luqmān

Die Ziele der Surah:
الأمر باتباع الحكمة التي تضمّنها القرآن، والتحذير من الإعراض عنها.
Ang pag-uutos ng pagsunod sa karunungan na nilalaman ng Qur'ān at ang pagbibigay-babala laban sa pag-ayaw rito.

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ
Itong mga talatang pinababa sa iyo, O Sugo, ay ang mga talata ng Aklat na bumibigkas ng karunungan.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
هُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّلۡمُحۡسِنِينَ
Ito ay isang kapatnubayan at awa para sa mga nagpapaganda ng gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga karapatan ng Panginoon nila at mga karapatan ng mga lingkod Niya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
[Sila] ang mga nagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, at sila ay mga nakatitiyak sa anumang hinggil sa Kabilang-buhay na pagbubuhay, pagtutuos, gantimpala, at parusa.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang mga nailalarawang iyon sa katangiang iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa hinihiling nila at pagkakalayo sa anumang pinangingilabutan nila.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡتَرِي لَهۡوَ ٱلۡحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
May mga tao – tulad ni An-Naḍr bin Al-Ḥārith – na pumipili sa mga pag-uusap na nagpapalibang upang magpalihis sa mga tao tungo sa mga iyon palayo sa Relihiyon ni Allāh nang walang kaalaman, at gumagawa sa mga talata ni Allāh bilang pangungutya, na nilalait. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang mang-aaba sa Kabilang-buhay.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَا كَأَنَّ فِيٓ أُذُنَيۡهِ وَقۡرٗاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki palayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang siya ay hindi nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلنَّعِيمِ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan, na magpapakaginhawa sila sa anumang inihanda ni Allāh para sa kanila sa mga ito.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
bilang mga mamamalagi sa mga ito, nangako sa kanila si Allāh niyon bilang pangakong totoo na walang duda rito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٖۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ
Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marilag ang tanawin, na nakikinabang dito ang mga tao at ang mga hayop.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
هَٰذَا خَلۡقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ بَلِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Ang nabanggit na ito ay nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin, O mga tagapagtambal, kung ano ang nalikha ng mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa katotohanan yayamang nagtatambal sila kasama sa Panginoon nila ng hindi nakalilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• طاعة الله تقود إلى الفلاح في الدنيا والآخرة.
Ang pagtalima kay Allāh ay umaakay tungo sa tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.

• تحريم كل ما يصد عن الصراط المستقيم من قول أو فعل.
Ang pagbabawal sa bawat bumabalakid sa landasing tuwid kabilang sa sinasabi at ginagawa.

• التكبر مانع من اتباع الحق.
Ang pagkamapagmalaki ay tagahadlang sa pagsunod sa katotohanan.

• انفراد الله بالخلق، وتحدي الكفار أن تخلق آلهتهم شيئًا.
Ang pamumukod-tangi ni Allāh sa paglikha at ang paghamon sa mga tagatangging sumampalataya na lumikha ang mga diyos nila ng anuman.

 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Luqmān
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Die philippinische (Tagalog) Übersetzung von Al-Mukhtasar - Eine Kurzfassung der Bedeutungen des edlen Qurans - Übersetzungen

Vom Tafsirzentrum für Quranwissenschaften herausgegeben.

Schließen