Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran * - Übersetzungen


Übersetzung der Bedeutungen Vers: (14) Surah / Kapitel: Fâtir
إِن تَدۡعُوهُمۡ لَا يَسۡمَعُواْ دُعَآءَكُمۡ وَلَوۡ سَمِعُواْ مَا ٱسۡتَجَابُواْ لَكُمۡۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكۡفُرُونَ بِشِرۡكِكُمۡۚ وَلَا يُنَبِّئُكَ مِثۡلُ خَبِيرٖ
Kung dadalangin kayo sa mga sinasamba ninyo ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo sapagkat sila ay mga materyal na walang buhay sa kanila at walang pandinig para sa kanila. Kung sakaling nakarinig sila sa panalangin ninyo – kung ipagpapalagay – ay talagang hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapawalang-kaugnayan sila sa pagtatambal ninyo at pagsamba ninyo sa kanila. Walang isang nagpapabatid sa iyo, O Sugo, na higit na tapat kaysa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
Die Nutzen der Versen in dieser Seite:
• تسخير البحر، وتعاقب الليل والنهار، وتسخير الشمس والقمر: من نعم الله على الناس، لكن الناس تعتاد هذه النعم فتغفل عنها.
Ang pagpapasilbi sa dagat, ang pagsasalitan ng gabi at maghapon, at ang pagpapasilbi sa araw at buwan ay kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa mga tao subalit ang mga tao ay nahirati sa mga biyayang ito kaya nalilingat sila sa mga ito.

• سفه عقول المشركين حين يدعون أصنامًا لا تسمع ولا تعقل.
Ang kahunghangan ng mga isip ng mga tagapagtambal kapag dumadalangin sila sa mga diyus-diyusan na hindi nakaririnig at hindi nakapag-uunawa.

• الافتقار إلى الله صفة لازمة للبشر، والغنى صفة كمال لله.
Ang pangangailangan kay Allāh ay isang katangiang nakakapit sa sangkatauhan at ang kawalang-pangangailangan ay isang katangian ng kalubusan para kay Allāh.

• تزكية النفس عائدة إلى العبد؛ فهو يحفظها إن شاء أو يضيعها.
Ang pagdadalisay ng sarili ay nanunumbalik sa tao sapagkat siya ay nangangalaga nito kung niloob niya o nagpapasawi nito.

 
Übersetzung der Bedeutungen Vers: (14) Surah / Kapitel: Fâtir
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran - Übersetzungen

Filipinische (Tagalog)Übersetzung von Al-Mukhtasar für die Interpretation von dem heiligen Quran , veröffentlicht von dem Tafsir Zentrum für die Quran Studien

Schließen