Check out the new design

Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - Übersetzungen

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Al-Baqarah   Vers:
أُحِلَّ لَكُمۡ لَيۡلَةَ ٱلصِّيَامِ ٱلرَّفَثُ إِلَىٰ نِسَآئِكُمۡۚ هُنَّ لِبَاسٞ لَّكُمۡ وَأَنتُمۡ لِبَاسٞ لَّهُنَّۗ عَلِمَ ٱللَّهُ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَخۡتَانُونَ أَنفُسَكُمۡ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡ وَعَفَا عَنكُمۡۖ فَٱلۡـَٰٔنَ بَٰشِرُوهُنَّ وَٱبۡتَغُواْ مَا كَتَبَ ٱللَّهُ لَكُمۡۚ وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ ثُمَّ أَتِمُّواْ ٱلصِّيَامَ إِلَى ٱلَّيۡلِۚ وَلَا تُبَٰشِرُوهُنَّ وَأَنتُمۡ عَٰكِفُونَ فِي ٱلۡمَسَٰجِدِۗ تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِ فَلَا تَقۡرَبُوهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Ipinahintulot sa inyo sa gabi ng pag-aayuno ang pakikipagtalik sa mga maybahay ninyo. Sila ay kasuutan para sa inyo at kayo ay kasuutan para sa kanila.[42] Nakaalam si Allāh na kayo noon ay nagtataksil sa mga sarili[43] ninyo ngunit tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob at nagpaumanhin Siya sa inyo. Kaya ngayon ay makipagtalik kayo sa kanila[44] at maghangad kayo ng isinatungkulin ni Allāh para sa inyo. Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi. Huwag kayong makipagtalik sa kanila samantalang kayo ay mga namimintuho sa mga masjid. Iyon ay mga hangganan ni Allāh kaya huwag kayong lumapit sa mga iyon. Gayon naglilinaw si Allāh sa mga tanda Niya para sa mga tao, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.
[42] Ang mga maybahay ay panakip at pananggalagn sa imoralidad para sa mga asawa at ang mga asawa ay panakip at pananggalang sa imoralidad para sa mga maybahay.
[43] dahil sa pakikipagtalik sa mga maybahay sa gabi ng Ramaḍān, na ipinagbabawal dati.
[44] sa gabi ng Ramaḍān.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَلَا تَأۡكُلُوٓاْ أَمۡوَٰلَكُم بَيۡنَكُم بِٱلۡبَٰطِلِ وَتُدۡلُواْ بِهَآ إِلَى ٱلۡحُكَّامِ لِتَأۡكُلُواْ فَرِيقٗا مِّنۡ أَمۡوَٰلِ ٱلنَّاسِ بِٱلۡإِثۡمِ وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa kabulaanan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
۞ يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡأَهِلَّةِۖ قُلۡ هِيَ مَوَٰقِيتُ لِلنَّاسِ وَٱلۡحَجِّۗ وَلَيۡسَ ٱلۡبِرُّ بِأَن تَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِن ظُهُورِهَا وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنِ ٱتَّقَىٰۗ وَأۡتُواْ ٱلۡبُيُوتَ مِنۡ أَبۡوَٰبِهَاۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bagong buwan. Sabihin mo: “Ang mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao at sa ḥajj.” Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga likod ng mga ito, subalit ang pagsasamabuting-loob ay sinumang nangilag magkasala. Pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga pintuan ng mga ito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
وَقَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ وَلَا تَعۡتَدُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُعۡتَدِينَ
Makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag.
Arabische Interpretationen von dem heiligen Quran:
 
Übersetzung der Bedeutungen Surah / Kapitel: Al-Baqarah
Suren/ Kapiteln Liste Nummer der Seite
 
Übersetzung der Bedeutungen von dem heiligen Quran - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - Übersetzungen

Übersetzt vom Team des Rowwad-Übersetzungszentrums in Zusammenarbeit mit der Da'wa-Vereinigung in Rabwa und der Vereinigung für die Bereitstellung islamischer Inhalte in verschiedenen Sprachen.

Schließen