Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (189) Simoore: Simoore al-araaf
۞ هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَجَعَلَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا لِيَسۡكُنَ إِلَيۡهَاۖ فَلَمَّا تَغَشَّىٰهَا حَمَلَتۡ حَمۡلًا خَفِيفٗا فَمَرَّتۡ بِهِۦۖ فَلَمَّآ أَثۡقَلَت دَّعَوَا ٱللَّهَ رَبَّهُمَا لَئِنۡ ءَاتَيۡتَنَا صَٰلِحٗا لَّنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ
Siya ay ang nagpairal sa inyo, O mga lalaki at mga babae, mula sa nag-iisang kaluluwa, si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Lumikha Siya mula kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng maybahay nitong si Eva. Lumikha Siya kay Eva mula sa tadyang ni Adan upang mapalagay at mapanatag si Adan kay Eva. Kaya noong nakipagtalik ang asawa sa maybahay nito ay nagbuntis iyon ng isang magaang pagbubuntis na hindi nararamdaman niyon dahil ito ay nasa pagsisimula nito. Nagpatuloy iyon sa pagbubuntis na ito habang nagtuluy-tuloy sa mga pangangailangan niyon nang hindi nakadarama ng kabigatan. Ngunit noong nabigatan iyon dito nang lumaki ito sa tiyan niyon, nanalangin ang mag-asawa sa Panginoon nilang dalawa habang mga nagsasabi: "Talagang kung magbibigay Ka sa amin, O Panginoon namin, ng isang anak na maayos ang pagkalikha, na lubos dito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Mo."
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• في الآيات بيان جهل من يقصد النبي صلى الله عليه وسلم ويدعوه لحصول نفع أو دفع ضر؛ لأن النفع إنما يحصل من قِبَلِ ما أرسل به من البشارة والنذارة.
Sa mga talata ay may paglilinaw sa kamangmangan ng sinumang tinutukoy ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at inaanyayahan niya para sa pagtamo ng pakinabang at pagtulak ng pinsala dahil ang pakinabang ay natatamo lamang sa pamamagitan ng ipinasugo sa kanya na balitang nakalulugod at babala.

• جعل الله بمنَّته من نوع الرجل زوجه؛ ليألفها ولا يجفو قربها ويأنس بها؛ لتتحقق الحكمة الإلهية في التناسل.
Gumawa si Allāh, sa pamamagitan ng pagmamagandang-loob Niya, mula sa uri ng lalaki, ng maybahay nito upang mawili ito roon, hindi ito umayaw sa paglapit doon, at mapalagay ito roon upang maisakatuparan ang kasanhiang makadiyos sa pagpaparami ng supling.

• لا يليق بالأفضل الأكمل الأشرف من المخلوقات وهو الإنسان أن يشتغل بعبادة الأخس والأرذل من الحجارة والخشب وغيرها من الآلهة الباطلة.
Hindi naaangkop sa pinakamainam, pinakalubos, at pinakamaharlika sa mga nilikha, ang tao, na magpakaabala sa pagsamba sa pinakaaba, pinakahamak na bato, kahoy, at iba pa sa mga ito na mga diyos na huwad.

 
Firo maanaaji Aaya: (189) Simoore: Simoore al-araaf
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Tippudi firooji ɗii

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddude