Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Simoore: Simoore Al-alq   Aaya:
أَرَءَيۡتَ إِن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰٓ
Nakakita ka ba kung nagpasinungaling sa inihatid ng Sugo ang tagasaway na ito o umayaw siya roon? Hindi ba siya natatakot kay Allāh?
Faccirooji aarabeeji:
أَلَمۡ يَعۡلَم بِأَنَّ ٱللَّهَ يَرَىٰ
Hindi ba nakaalam ang tagasaway ng lingkod na iyan sa pagdarasal na si Allāh ay nakakikita sa ginagawa nito, na walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman?
Faccirooji aarabeeji:
كَلَّا لَئِن لَّمۡ يَنتَهِ لَنَسۡفَعَۢا بِٱلنَّاصِيَةِ
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mangmang na ito! Talagang kung hindi siya nagpigil sa pananakit niya sa lingkod Namin at pagpapasinungaling niya rito ay talagang dadaklot nga Kami sa kanya habang hinihila patungo sa apoy sa pamamagitan ng unahan ng ulo niya nang may karahasan.
Faccirooji aarabeeji:
نَاصِيَةٖ كَٰذِبَةٍ خَاطِئَةٖ
Ang nagmamay-ari ng bumbunang iyon ay nagsisinungaling sa sabi, nagkakamali sa gawa.
Faccirooji aarabeeji:
فَلۡيَدۡعُ نَادِيَهُۥ
Kaya tumawag siya – kapag dinadaklot siya sa unahan ng ulo niya patungo sa Apoy – sa mga kasamahan niya at mga tao ng umpukan niya upang magpatulong sa kanila upang sumagip sila sa kanya mula sa pagdurusa.
Faccirooji aarabeeji:
سَنَدۡعُ ٱلزَّبَانِيَةَ
Tatawag Kami mismo sa mga tanod ng Impiyerno na mga anghel na mababagsik, na hindi sumusuway sa Amin sa ipinag-utos sa kanila at gumagawa sa ipinag-uutos sa kanila. Kaya tumingin siya sa kung alin sa dalawang pangkat ang higit na malakas at higit na nakakakaya.
Faccirooji aarabeeji:
كَلَّا لَا تُطِعۡهُ وَٱسۡجُدۡۤ وَٱقۡتَرِب۩
Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka ng tagalabag sa katarungan na ito na magparating siya sa iyo ng isang kasagwaan. Kaya huwag kang tumalima sa kanya sa isang pag-uutos ni isang pagsaway, magpatirapa ka kay Allāh, at lumapit ka sa Kanya sa pamamagitan ng mga pagtalima sapagkat ang mga ito ay nakapagpapalapit sa Kanya.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• فضل ليلة القدر على سائر ليالي العام.
Ang kainaman ng Gabi ng Pagtatakda higit sa mga ibang gabi ng taon.

• الإخلاص في العبادة من شروط قَبولها.
Ang pagpapakawagas sa pagsamba ay kabilang sa mga kundisyon ng pagtanggap nito.

• اتفاق الشرائع في الأصول مَدعاة لقبول الرسالة.
Ang pagkakaisa ng mga batas sa mga prinsipyo ay nag-aanyaya sa pagtanggap sa mensahe.

 
Firo maanaaji Simoore: Simoore Al-alq
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) wonande firo Alkur'aana raɓɓinaango. - Tippudi firooji ɗii

iwde e galle Firo jaŋdeeji Alkur'aana.

Uddude