Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) - ñiiɓirde Rowad ngam eggo. * - Tippudi firooji ɗii

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Firo maanaaji Simoore: Simoore nagge   Aaya:
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّ أَرِنِي كَيۡفَ تُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ قَالَ أَوَلَمۡ تُؤۡمِنۖ قَالَ بَلَىٰ وَلَٰكِن لِّيَطۡمَئِنَّ قَلۡبِيۖ قَالَ فَخُذۡ أَرۡبَعَةٗ مِّنَ ٱلطَّيۡرِ فَصُرۡهُنَّ إِلَيۡكَ ثُمَّ ٱجۡعَلۡ عَلَىٰ كُلِّ جَبَلٖ مِّنۡهُنَّ جُزۡءٗا ثُمَّ ٱدۡعُهُنَّ يَأۡتِينَكَ سَعۡيٗاۚ وَٱعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, ipakita Mo sa akin kung papaano Kang nagbibigay-buhay sa mga patay.” Nagsabi Siya: “At hindi ka ba sumampalataya?” Nagsabi ito: “Opo; subalit [humiling ako nito] upang mapanatag ang puso ko.” Nagsabi Siya: “Kaya kumuha ka ng apat na ibon saka maglagak ka ng mga ito sa iyo [upang pagputul-putulin]. Pagkatapos maglagay ka sa bawat burol mula sa mga ito ng isang bahagi. Pagkatapos manawagan ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito sa iyo nang agaran. Alamin mo na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.”
Faccirooji aarabeeji:
مَّثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنۢبَتَتۡ سَبۡعَ سَنَابِلَ فِي كُلِّ سُنۢبُلَةٖ مِّاْئَةُ حَبَّةٖۗ وَٱللَّهُ يُضَٰعِفُ لِمَن يَشَآءُۚ وَٱللَّهُ وَٰسِعٌ عَلِيمٌ
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni Allāh ay gaya ng paghahalintulad sa isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si Allāh ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam.
Faccirooji aarabeeji:
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ لَا يُتۡبِعُونَ مَآ أَنفَقُواْ مَنّٗا وَلَآ أَذٗى لَّهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Ang mga gumugugol ng mga salapi nila ayon sa landas ni Allāh, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang anumang ginugol nila ng isang panunumbat ni pananakit, ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.
Faccirooji aarabeeji:
۞ قَوۡلٞ مَّعۡرُوفٞ وَمَغۡفِرَةٌ خَيۡرٞ مِّن صَدَقَةٖ يَتۡبَعُهَآ أَذٗىۗ وَٱللَّهُ غَنِيٌّ حَلِيمٞ
Anumang sinasabing nakabubuti at pagpapatawad ay higit na mainam kaysa sa isang kawanggawang sinusundan ng isang pananakit. Si Allāh ay Walang-pangangailangan, Matimpiin.
Faccirooji aarabeeji:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُبۡطِلُواْ صَدَقَٰتِكُم بِٱلۡمَنِّ وَٱلۡأَذَىٰ كَٱلَّذِي يُنفِقُ مَالَهُۥ رِئَآءَ ٱلنَّاسِ وَلَا يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۖ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ صَفۡوَانٍ عَلَيۡهِ تُرَابٞ فَأَصَابَهُۥ وَابِلٞ فَتَرَكَهُۥ صَلۡدٗاۖ لَّا يَقۡدِرُونَ عَلَىٰ شَيۡءٖ مِّمَّا كَسَبُواْۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
O mga sumampalataya, huwag kayong magpawalang-saysay sa mga kawanggawa ninyo sa pamamagitan ng panunumbat at pananakit gaya ng gumugugol ng salapi niya dala ng pagpapakita sa mga tao ngunit hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng paghahalintulad sa isang batong makinis na sa ibabaw nito ay may alabok at may tumama rito na isang masaganang ulan at nag-iwan iyon rito na hantad. Hindi sila nakakakaya sa anuman mula sa kinamit nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya.
Faccirooji aarabeeji:
 
Firo maanaaji Simoore: Simoore nagge
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) - ñiiɓirde Rowad ngam eggo. - Tippudi firooji ɗii

Firi ɗum ko fedde hentorde kanngameeji firo e ballondiral e Ceeɗɗi Da'wa e Rabwa e Ceeɗɗi Ballondiral Ndeernde Islaam e ɗemngal.

Uddude