Check out the new design

Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) - ñiiɓirde Rowad ngam eggo. * - Tippudi firooji ɗii

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Firo maanaaji Simoore: Simoore koreeji imraan   Aaya:
لَّقَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ فَقِيرٞ وَنَحۡنُ أَغۡنِيَآءُۘ سَنَكۡتُبُ مَا قَالُواْ وَقَتۡلَهُمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَنَقُولُ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Talaga ngang nakarinig si Allāh sa sabi ng mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay maralita samantalang kami ay mga mayaman.” Magsusulat Kami ng sinabi nila at pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan at magsasabi Kami [sa kanila sa Kabilang-buhay]: “Lumasap kayo ng pagdurusa ng pagsunog.
Faccirooji aarabeeji:
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّامٖ لِّلۡعَبِيدِ
Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay ninyo at na si Allāh ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.”
Faccirooji aarabeeji:
ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ عَهِدَ إِلَيۡنَآ أَلَّا نُؤۡمِنَ لِرَسُولٍ حَتَّىٰ يَأۡتِيَنَا بِقُرۡبَانٖ تَأۡكُلُهُ ٱلنَّارُۗ قُلۡ قَدۡ جَآءَكُمۡ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِي بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلَّذِي قُلۡتُمۡ فَلِمَ قَتَلۡتُمُوهُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
[Sila] ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay naghabilin sa amin na hindi kami maniwala sa isang sugo hanggang sa maghatid ito sa amin ng isang handog na kakainin ng apoy [mula sa langit].” Sabihin mo: “May nagdala na sa inyo na mga sugo bago ko pa ng mga malinaw na patunay at ng sinabi ninyo, kaya bakit kayo pumatay sa kanila kung kayo ay mga tapat?”
Faccirooji aarabeeji:
فَإِن كَذَّبُوكَ فَقَدۡ كُذِّبَ رُسُلٞ مِّن قَبۡلِكَ جَآءُو بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa, na naghatid ng mga malinaw na patunay, mga kautusan, at kasulatang nagbibigay-liwanag.
Faccirooji aarabeeji:
كُلُّ نَفۡسٖ ذَآئِقَةُ ٱلۡمَوۡتِۗ وَإِنَّمَا تُوَفَّوۡنَ أُجُورَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۖ فَمَن زُحۡزِحَ عَنِ ٱلنَّارِ وَأُدۡخِلَ ٱلۡجَنَّةَ فَقَدۡ فَازَۗ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Lulubus-lubusin lamang kayo sa mga pabuya sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Kaya ang sinumang hinango palayo sa Apoy at pinapasok sa Paraiso ay nagtamo nga siya. Walang iba ang buhay na pangmundo kundi ang natatamasa ng pagkalinlang.
Faccirooji aarabeeji:
۞ لَتُبۡلَوُنَّ فِيٓ أَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡ وَلَتَسۡمَعُنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ وَمِنَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ أَذٗى كَثِيرٗاۚ وَإِن تَصۡبِرُواْ وَتَتَّقُواْ فَإِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ
Talagang susubukin nga kayo sa mga yaman ninyo at mga sarili ninyo at talaga ngang makaririnig kayo mula sa mga binigyan ng kasulatan bago pa ninyo at mula sa mga nagtambal [kay Allāh] ng maraming pananakit. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala, tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin.
Faccirooji aarabeeji:
 
Firo maanaaji Simoore: Simoore koreeji imraan
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Eggo e ɗemngal Felipiin (Tagalog) - ñiiɓirde Rowad ngam eggo. - Tippudi firooji ɗii

Firi ɗum ko fedde hentorde kanngameeji firo e ballondiral e Ceeɗɗi Da'wa e Rabwa e Ceeɗɗi Ballondiral Ndeernde Islaam e ɗemngal.

Uddude