Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (90) Sura: Suratu Yusuf
قَالُوٓاْ أَءِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُۖ قَالَ أَنَا۠ يُوسُفُ وَهَٰذَآ أَخِيۖ قَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَآۖ إِنَّهُۥ مَن يَتَّقِ وَيَصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Nagulat sila at nagsabi sila: "Tunay na ikaw ba ay ikaw si Jose?" Nagsabi sa kanila si Jose: "Oo; ako si Jose at itong nakikita ninyo kasama ko ay ang kapatid kong buo. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin sa pamamagitan ng pagpapalaya mula sa dating lagay namin at sa pamamagitan ng pag-aangat ng katayuan. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at magtitiis sa pagsubok, tunay na ang gawa niya ay bahagi ng paggawa ng maganda at si Allāh ay hindi magwawala sa pabuya sa mga tagagawa ng maganda, bagkus nangangalaga Siya nito para sa kanila."
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• عظم معرفة يعقوب عليه السلام بالله حيث لم يتغير حسن ظنه رغم توالي المصائب ومرور السنين.
Ang kadakilaan ng pagkakilala ni Jacob – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Allāh yayamang hindi nagbago ang kagandahan ng saloobin niya sa kabila ng pagkakasunud-sunod ng mga kasawian at pagdaan ng mga taon.

• من خلق المعتذر الصادق أن يطلب التوبة من الله، ويعترف على نفسه ويطلب الصفح ممن تضرر منه.
Bahagi ng kaasalan ng tapat na humihingi ng paumanhin ay na humiling siya ng pagbabalik-loob kay Allāh, umamin siya sa sarili niya, at humiling siya ng paumanhin mula sa sinumang napinsala dahil sa kanya.

• بالتقوى والصبر تنال أعظم الدرجات في الدنيا وفي الآخرة.
Sa pamamagitan ng pangingilag sa pagkakasala at ng pagtitiis natatamo ang pinakadakila sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay.

• قبول اعتذار المسيء وترك الانتقام، خاصة عند التمكن منه، وترك تأنيبه على ما سلف منه.
Ang pagtanggap sa paghingi ng paumanhin ng nakagawa ng masagwa, ang pagsasaisang-tabi sa paghihiganti lalo na sa sandali ng kakayahang gawin ito, at ang pagsasaisang-tabi sa pagbatikos sa kanya ng nakalipas sa kanya.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (90) Sura: Suratu Yusuf
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa