Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Sura: Ibrahim   Aya:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ أَنجَىٰكُم مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَسُومُونَكُمۡ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ وَيُذَبِّحُونَ أَبۡنَآءَكُمۡ وَيَسۡتَحۡيُونَ نِسَآءَكُمۡۚ وَفِي ذَٰلِكُم بَلَآءٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَظِيمٞ
Banggitin mo, O Sugo, nang sumunod si Moises sa utos ng Panginoon niya saka nagsabi siya sa mga tao niya kabilang sa mga anak ni Israel habang nagpapaalaala sa kanila ng mga biyaya ni Allāh sa kanila: "O mga tao ko, alalahanin ninyo ang mga biyaya ni Allāh sa inyo nang sinagip Niya kayo mula sa angkan ni Paraon at iniligtas Niya kayo mula sa lupit nila: nagpapalasap sila sa inyo ng pinakamasamang pagdurusa yayamang pinagkakatay nila noon ang mga anak ninyong lalaki upang walang ipanganak sa inyo na aagaw sa paghahari ni Paraon at pinananatili nila ang mga babae ninyo sa bingit ng buhay para abahin sila at hamakin sila. Sa mga gawain nilang ito ay may isang pagsusulit para sa inyo, na sukdulan sa pagtitiis, kaya tinumbasan kayo ni Allāh sa pagtitiis ninyo sa pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo sa lupit ng angkan ni Paraon.
Tafsiran larabci:
وَإِذۡ تَأَذَّنَ رَبُّكُمۡ لَئِن شَكَرۡتُمۡ لَأَزِيدَنَّكُمۡۖ وَلَئِن كَفَرۡتُمۡ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٞ
Nagsabi sa kanila si Moises: "Alalahanin ninyo nang ipinaalam sa inyo ng Panginoon ninyo ayon sa pagpapaalam na nanunuot: "Talagang kung nagpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga nabanggit na biyayang iyon ay talagang magdaragdag nga Siya sa inyo sa mga ito mula sa pagpapala Niya at kagandahang-loob Niya; at talagang kung nagkaila kayo sa mga biyaya Niya sa inyo at hindi kayo nagpasalamat sa mga ito, tunay na ang pagdurusang dulot Niya ay talagang matindi para sa sinumang nagkakaila sa mga biyaya Niya at hindi nagpapasalamat sa mga ito."
Tafsiran larabci:
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِن تَكۡفُرُوٓاْ أَنتُمۡ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا فَإِنَّ ٱللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ
Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung tatanggi kayong sumampalataya at tatanggi kasama sa inyo ang lahat ng sinumang nasa lupa, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay manunumbalik sa inyo sapagkat tunay na si Allāh sa sarili Niya ay Walang-pangangailangan, nag-oobliga ng papuri sa sarili Niya. Hindi nagpapakinabang sa Kanya ang pananampalataya ng mga mananampalataya at hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ng mga tagatangging sumampalataya."
Tafsiran larabci:
أَلَمۡ يَأۡتِكُمۡ نَبَؤُاْ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا ٱللَّهُۚ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَرَدُّوٓاْ أَيۡدِيَهُمۡ فِيٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَقَالُوٓاْ إِنَّا كَفَرۡنَا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ وَإِنَّا لَفِي شَكّٖ مِّمَّا تَدۡعُونَنَآ إِلَيۡهِ مُرِيبٖ
Hindi ba dumating sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, ang ulat ng pagpapahamak sa mga kalipunang tagapagpasinungaling kabilang sa bago pa ninyo, na mga tao ni Noe, [liping] `Ād na mga tao ni Hūd, [liping] Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, at mga kalipunan na dumating nang matapos nila. Sila ay marami; walang nakabibilang sa bilang nila kundi si Allāh. Nagdala sa kanila ang mga sugo nila ng mga patunay na maliwanag at naglagay naman sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila, habang mga kumakagat sa mga daliri nila dahil sa ngitngit sa mga sugo. Nagsabi sila sa mga sugo nila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-uudyok sa pag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin."
Tafsiran larabci:
۞ قَالَتۡ رُسُلُهُمۡ أَفِي ٱللَّهِ شَكّٞ فَاطِرِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَدۡعُوكُمۡ لِيَغۡفِرَ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرَكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ قَالُوٓاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا تُرِيدُونَ أَن تَصُدُّونَا عَمَّا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأۡتُونَا بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Nagsabi ang mga sugo nila bilang pagtugon sa kanila: "Sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ba at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba ay may pagdududa samantalang Siya ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa at ang Tagapagpairal ng mga ito nang walang naunang katulad? Nag-aanyaya Siya sa inyo sa pananampalataya sa Kanya upang pumawi Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyong nauna at mag-antala Siya sa inyo hanggang sa isang sandali ng pagkalubus-lubos ninyo sa mga taning ninyong tinakdaan sa buhay ninyo sa Mundo." Nagsabi sa kanila ang mga tao nila: "Kayo ay walang iba kundi mga taong tulad namin. Walang pagkatangi para sa inyo higit sa amin. Nagnanais kayo na lumihis kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ninyo sa inaanyaya ninyo na tunay na kayo ay mga sugo mula kay Allāh sa amin."
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• من وسائل الدعوة تذكير المدعوين بنعم الله تعالى عليهم، خاصة إن كان ذلك مرتبطًا بنعمة كبيرة، مثل نصر على عدوه أو نجاة منه.
Kabilang sa mga kaparaanan ng pag-aanyaya ay ang pagpapaalaala sa mga inaanyayahan ng mga biyaya ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kanila, lalo na kung iyon ay nakaugnay sa isang malaking biyaya tulad ng pag-aadya laban sa kaaway o pagkaligtas mula roon.

• من فضل الله تعالى أنه وعد عباده مقابلة شكرهم بمزيد الإنعام، وفي المقابل فإن وعيده شديد لمن يكفر به.
Bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nangako sa mga lingkod Niya, bilang pagtutumbas sa pasasalamat nila, ng dagdag sa pagbibiyaya. Katumbas nito, tunay na ang banta Niya ay matindi sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Kanya.

• كفر العباد لا يضر اللهَ البتة، كما أن إيمانهم لا يضيف له شيئًا، فهو غني حميد بذاته.
Ang kawalang-pananampalataya ng mga tao ay tandisang hindi nakapipinsala kay Allāh kung paanong ang pananampalataya nila ay hindi nakadaragdag sa Kanya ng anuman sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan, kapuri-puri sa sarili Niya.

 
Fassarar Ma'anoni Sura: Ibrahim
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wanda aka buga a Cibiyar Tafsiri da karatuttukan AlƘur'ani.

Rufewa