Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (5) Sura: Suratu Al'kahf
مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا
Ang mga gumagawa-gawang ito ay walang anumang kaalaman o patunay sa inaangkin nila na pag-uugnay ng anak kay Allāh at ang mga ninuno nilang tinularan nila roon ay wala ring kaalaman. Bumigat sa kapangitan ang salitang iyon na lumalabas sa mga bibig nila nang walang pagpapakaunawa. Wala silang sinasabi kundi pananalitang sinungaling na walang batayan at walang saligan.
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• الداعي إلى الله عليه التبليغ والسعي بغاية ما يمكنه، مع التوكل على الله في ذلك، فإن اهتدوا فبها ونعمت، وإلا فلا يحزن ولا يأسف.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay kailangan sa kanya ang pagpapaabot at ang pagsusumikap ayon sa abot ng nakakaya niya kalakip ng pananalig kay Allāh roon. Kaya kung napatnubayan sila ay kay inam. Kung hindi naman ay huwag siyang malungkot at huwag siyang manghinayang.

• في العلم بمقدار لبث أصحاب الكهف، ضبط للحساب، ومعرفة لكمال قدرة الله تعالى وحكمته ورحمته.
Sa kaalaman sa sukat ng tagal ng pamamalagi ng magkakasama sa yungib ay may kawastuan sa pagtutuos at kabatiran sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – karunungan Niya, at awa Niya.

• في الآيات دليل صريح على الفرار بالدين وهجرة الأهل والبنين والقرابات والأصدقاء والأوطان والأموال؛ خوف الفتنة.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na tahasan [sa pagpapahintulot] sa pagtakas dahil sa relihiyon at pag-iwan sa mag-anak, mga anak, mga kamag-anakan, mga kaibigan, mga tinubuang-bayan, at mga yaman dahil sa pangamba sa paniniil.

• ضرورة الاهتمام بتربية الشباب؛ لأنهم أزكى قلوبًا، وأنقى أفئدة، وأكثر حماسة، وعليهم تقوم نهضة الأمم.
Ang pangangailangan sa pagmamalasakit sa pagpapalaki sa mga kabataan dahil sila ay higit na dalisay sa mga puso, higit na malinis sa mga saloobin, higit na matindi sa kasugiran, at sa kanila nakasalalay ang pagbangon ng mga kalipunan.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (5) Sura: Suratu Al'kahf
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa