Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (61) Sura: Suratu Al'nour
لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞ وَلَا عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ أَن تَأۡكُلُواْ مِنۢ بُيُوتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ ءَابَآئِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أُمَّهَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ إِخۡوَٰنِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخَوَٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَعۡمَٰمِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ عَمَّٰتِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ أَخۡوَٰلِكُمۡ أَوۡ بُيُوتِ خَٰلَٰتِكُمۡ أَوۡ مَا مَلَكۡتُم مَّفَاتِحَهُۥٓ أَوۡ صَدِيقِكُمۡۚ لَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَأۡكُلُواْ جَمِيعًا أَوۡ أَشۡتَاتٗاۚ فَإِذَا دَخَلۡتُم بُيُوتٗا فَسَلِّمُواْ عَلَىٰٓ أَنفُسِكُمۡ تَحِيَّةٗ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ مُبَٰرَكَةٗ طَيِّبَةٗۚ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Sa bulag na nawala ang paningin niya ay walang kasalanan, sa lumpo ay walang kasalanan, sa maysakit ay walang kasalanan, kung umiwan sila ng hindi nila nakakaya na pagsasagawa ng mga iniatang gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh. Sa inyo, O mga mananampalataya, ay walang kasalanan sa pagkain ninyo mula sa mga bahay ninyo – at kabilang sa mga ito ang mga bahay ng mga anak ninyo – ni sa pagkain mula sa mga bahay ng mga ama ninyo, o ng mga ina ninyo, o ng mga lalaking kapatid ninyo, o ng mga babaing kapatid ninyo, o ng mga tiyuhin sa ama ninyo, o ng mga tiyahin sa ama ninyo, o ng mga tiyuhin sa ina ninyo, o ng mga tiyahin sa ina ninyo, o ng anumang ipinagkatiwala sa inyo ang pangangalaga na mga bahay tulad ng tagabantay ng pataniman. Walang maisisisi sa pagkain mula sa mga bahay ng kaibigan ninyo dahil sa kasiyahan ng sarili nito roon sa karaniwan. Wala sa inyong kasalanan na kumain kayo nang nagsasama-sama o nang bukud-bukod. Kaya kapag pumasok kayo sa mga bahay tulad ng mga bahay na nabanggit at iba pa sa mga iyon ay bumati kayo sa sinumang nasa loob ng mga iyon sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaykum (ang kapayapaan ay sumainyo). Ngunit kung sa loob ng mga iyon ay walang isa man, bumati kayo sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagsabi ninyo ng assalāmu `alaynā wa `alā `ibādi -llāhi -ṣṣāliḥīḥīn (ang kapayapaan ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh). [Ito ay] isang pagbating mula sa ganang kay Allāh na isinabatas Niya para sa inyo, na pinagpala dahil sa ipinalalaganap nito na pagmamahal at pagkakatugma sa pagitan ninyo, na kaaya-ayang ikasisiya ng sarili ng nakaririnig nito. Ayon sa tulad ng naunang paglilinaw na ito sa Kabanatang ito, naglilinaw si Allāh ng mga talata sa pag-asang makapag-unawa kayo sa mga ito at gumawa kayo ayon sa nasa mga ito.
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• جواز وضع العجائز بعض ثيابهنّ لانتفاء الريبة من ذلك.
Ang pagpayag sa pag-alis ng mga matandang babae ng ilan sa mga kasuutan nila dahil sa pagkawala ng pag-aalinlangan doon.

• الاحتياط في الدين شأن المتقين.
Ang pag-iingat sa Relihiyon ay nauukol sa mga tagapangilag magkasala.

• الأعذار سبب في تخفيف التكليف.
Ang mga dahilang [makatwiran] ay kadahilanan sa pagpapagaan sa iniatang [na tungkulin].

• المجتمع المسلم مجتمع التكافل والتآزر والتآخي.
Ang lipunang Muslim ay lipunan ng pagdadamayan, pagkakatigan, at pagkakapatiran.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (61) Sura: Suratu Al'nour
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa