Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Sura: Al'shu'araa   Aya:
قَالَ فَعَلۡتُهَآ إِذٗا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Paraon habang umaamin: "Napatay ko ang lalaking iyon habang ako ay kabilang sa mga mangmang bago pumunta sa akin ang pagkasi.
Tafsiran larabci:
فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكۡمٗا وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Kaya tumakas ako mula sa inyo matapos ng pagkapatay niyon papunta sa pamayanan ng Madyan noong nangamba ako na patayin ninyo ako dahil doon, ngunit nagbigay sa akin ang Panginoon ko ng kaalaman at gumawa Siya sa akin kabilang sa mga sugo Niya na isinusugo Niya sa mga tao.
Tafsiran larabci:
وَتِلۡكَ نِعۡمَةٞ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Ang pag-aalaga mo sa akin nang hindi ka nang-alipin sa akin kasabay ng pang-aalipin mo sa mga anak ni Israel ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin ayon sa karapatan! Subalit iyon ay hindi nakapipigil sa akin sa pag-anyaya sa iyo."
Tafsiran larabci:
قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi si Paraon kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "At ano ang Panginoon ng mga nilikha na inaangkin mong ikaw ay Sugo Niya?"
Tafsiran larabci:
قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Nagsabi si Moises habang sumasagot kay Paraon: "Ang Panginoon ng mga nilikha ay ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, at ang Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito. Kung kayo ay naging mga nakatitiyak na Siya ay Panginoon ninyo, sumamba kayo sa Kanya lamang."
Tafsiran larabci:
قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥٓ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ
Nagsabi sa Paraon sa nakapaligid sa kanya na mga ginoo ng mga tao niya: "Hindi ba kayo nakikinig sa sagot ni Moises at sa nilalaman nitong pag-aangking sinungaling?"
Tafsiran larabci:
قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Nagsabi sa kanila si Moises: "Si Allāh ay ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong nauna."
Tafsiran larabci:
قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِيٓ أُرۡسِلَ إِلَيۡكُمۡ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi si Paraon: "Tunay na ang nag-aangkin na siya raw ay sugo sa inyo ay talagang baliw na hindi nakamamalay kung papaanong sasagot at nagsasabi ng hindi nauunawaan."
Tafsiran larabci:
قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ
Nagsabi si Moises: "Si Allāh na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa Kanya ay ang Panginoon ng silangan, ang Panginoon ng kanluran, at ang Panginoon ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung nagkaroon kayo ng mga isip na ipinang-uunawa ninyo."
Tafsiran larabci:
قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَٰهًا غَيۡرِي لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِينَ
Nagsabi si Paraon kay Moises matapos ng kawalang-kakayahan niya sa pakikipagkatwiran dito: "Talagang kung sumamba ka sa isang sinasambang iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo."
Tafsiran larabci:
قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَيۡءٖ مُّبِينٖ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Paraon: "Gagawin mo ba akong kabilang sa mga ibinilanggo kahit pa naghatid ako sa iyo ng naglilinaw sa katapatan ko kaugnay sa inihatid ko sa iyo mula sa ganang kay Allāh?"
Tafsiran larabci:
قَالَ فَأۡتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka ng binanggit mo na ito ay nagpapatunay sa katapatan mo kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat sa inaangkin mo."
Tafsiran larabci:
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya bumato si Moises ng tungkod niya sa lupa saka biglaang nag-anyo itong isang ulupong na maliwanag sa paningin.
Tafsiran larabci:
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ
Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa niya na hindi maputi, saka inilabas niya ito na maputing may kaputiang nagliliwanag, na hindi kaputian ng ketong, na nasasaksihan iyon ng mga tumitingin nang gayon din.
Tafsiran larabci:
قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥٓ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi si Paraon sa mga ginoo ng mga tao niya sa paligid niyon: "Tunay na ang lalaking ito ay talagang isang manggagaway na maalam sa panggagaway.
Tafsiran larabci:
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Nagnanais siya sa pamamagitan ng panggagaway niya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo; kaya ano ang pananaw ninyo sa gagawin natin sa kanya?"
Tafsiran larabci:
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila roon: "Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya. Huwag kang magdadali-dali sa pagpaparusa sa kanilang dalawa. Magsugo ka sa mga lungsod ng Ehipto ng mga magtitipon sa mga manggagaway,
Tafsiran larabci:
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٖ
na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam sa panggagaway."
Tafsiran larabci:
فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Kaya nagtipon si Paraon ng mga manggagaway niya para sa pakikipagtagisan kay Moises sa isang pook na itinakda at isang panahong itinakda.
Tafsiran larabci:
وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلۡ أَنتُم مُّجۡتَمِعُونَ
Sinabi sa mga tao: "Kayo kaya ay mga magtitipon upang makita ninyo ang mananaig, kung siya ba ay si Moises o ang mga manggagaway?
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• أخطاء الداعية السابقة والنعم التي عليه لا تعني عدم دعوته لمن أخطأ بحقه أو أنعم عليه.
Ang mga kamalian ng tagapag-anyayang nauna at ang mga biyayang nasa kanya ay hindi nangangahulugan ng hindi pag-aanyaya niya sa sinumang nagkamali siya sa karapatan niyon o nagbiyaya sa kanya.

• اتخاذ الأسباب للحماية من العدو لا ينافي الإيمان والتوكل على الله.
Ang paggawa ng mga kaparaanan sa pagsasanggalang laban sa kaaway ay hindi nagkakaila sa pananampalataya at pananalig kay Allāh.

• دلالة مخلوقات الله على ربوبيته ووحدانيته.
Ang katunayan ng mga nilikha ni Allāh sa pagkapanginoon Niya at kaisahan Niya.

• ضعف الحجة سبب من أسباب ممارسة العنف.
Ang kahinaan ng katwiran ay isa sa mga dahilan ng paggawa ng karahasan.

• إثارة العامة ضد أهل الدين أسلوب الطغاة.
Ang pag-uudyok sa madla laban sa mga alagad ng relihiyon ay istilo ng mga maniniil.

 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'shu'araa
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wanda aka buga a Cibiyar Tafsiri da karatuttukan AlƘur'ani.

Rufewa