Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (170) Sura: Suratu Aal'Imran
فَرِحِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمُ ٱللَّهُ مِن فَضۡلِهِۦ وَيَسۡتَبۡشِرُونَ بِٱلَّذِينَ لَمۡ يَلۡحَقُواْ بِهِم مِّنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Pumuspos sa kanila ang kaligayahan at lumipos sa kanila ang tuwa dahil nagmagandang-loob si Allāh sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Umaasa sila, at naghihintay sila na susunod sa kanila ang mga kapatid nilang nanatili sa Mundo, na kung ang mga ito ay napatay sa pakikibaka ay magtatamo ng kabutihang-loob tulad nila. Walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila na nauukol sa Kabilang-buhay ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga suwerte sa Mundo.
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• من سنن الله تعالى أن يبتلي عباده؛ ليتميز المؤمن الحق من المنافق، وليعلم الصادق من الكاذب.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na sumubok sa mga lingkod Niya upang mapagkilanlan ang totoong mananampalataya sa mapagpaimbabaw at upang malaman ang tapat sa sinungaling.

• عظم منزلة الجهاد والشهادة في سبيل الله وثواب أهله عند الله تعالى حيث ينزلهم الله تعالى بأعلى المنازل.
Ang kadakilaan ng kalagayan ng pakikibaka at pagkamartir sa landas ni Allāh at ang gantimpala ng mga nakagawa nito sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya – yayamang magpapatuloy sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pinakamataas na mga tuluyan.

• فضل الصحابة وبيان علو منزلتهم في الدنيا والآخرة؛ لما بذلوه من أنفسهم وأموالهم في سبيل الله تعالى.
Ang kalamangan ng mga Kasamahan at ang paglilinaw sa kataasan ng kalagayan nila sa Mundo at Kabilang-buhay dahil nagkaloob sila ng mga sarili nila at mga yaman nila sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (170) Sura: Suratu Aal'Imran
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa