Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Sura: Saba'i   Aya:
قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُوٓاْ أَنَحۡنُ صَدَدۡنَٰكُمۡ عَنِ ٱلۡهُدَىٰ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَكُمۖ بَلۡ كُنتُم مُّجۡرِمِينَ
Magsasabi ang mga sinusunod, na nagmalaki palayo sa katotohanan, sa mga tagasunod na siniil nila: "Kami ba ay pumigil sa inyo sa patnubay na dinala sa inyo ni Muḥammad? Hindi! Bagkus kayo noon ay mga tagalabag sa katarungan at mga alagad ng kaguluhan at panggugulo."
Tafsiran larabci:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُواْ بَلۡ مَكۡرُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ إِذۡ تَأۡمُرُونَنَآ أَن نَّكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَنَجۡعَلَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَغۡلَٰلَ فِيٓ أَعۡنَاقِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ هَلۡ يُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Magsasabi ang mga tagasunod, na minamahina ng mga pinuno nila, sa mga sinunod nilang mga tagapagmalaki palayo sa katotohanan: "Bagkus bumalakid sa amin sa patnubay ang pakana ninyo laban sa amin sa gabi at maghapon nang kayo dati ay nag-uutos sa amin ng kawalang-pananampalataya kay Allāh at ng pagsamba sa mga nilikha bukod pa sa Kanya." Magkukubli sila ng pagsisisi sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo kapag nasaksihan nila ang pagdurusa at nalaman nila na sila ay mga pagdurusahin. Maglalagay Kami ng mga posas sa mga leeg ng tagatangging sumampalataya. Hindi sila gagantihan ng ganting ito kundi dahil sa dati nilang ginagawa sa Mundo na pagsamba sa iba pa kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway.
Tafsiran larabci:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Hindi nagpadala sa isa sa mga pamayanan ng anumang sugong magpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh malibang nagsabi ang mga pinaginhawa roon kabilang sa mga may kapamahalaan, impluwensiya, at yaman: "Tunay na kami sa ipinadala sa inyo, O mga sugo, ay mga tagatangging sumampalataya."
Tafsiran larabci:
وَقَالُواْ نَحۡنُ أَكۡثَرُ أَمۡوَٰلٗا وَأَوۡلَٰدٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Nagsabi ang mga may impluwensiyang ito habang mga nagyayabang at mga naghahambog: "Kami ay higit na marami sa mga yaman at higit na marami sa mga anak. Ang pinagsasabi ninyo na kami ay mga pagdurusahin ay isang kasinungalingan sapagkat kami ay hindi mga pagdurusahin sa Mundo ni sa Kabilang-buhay."
Tafsiran larabci:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nalinlang na ito dahil sa ibinigay sa kanila na mga biyaya: "Ang Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit para sa kanya kung magpapasalamat ba siya o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip dito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para sa kanya kung magtitiis ba siya o maiinis? Subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay Marunong: hindi Siya nagtatakda ng isang bagay malibang dahil sa isang kasanhiang malalim. Nakaalam dito ang sinumang nakaalam dito at nagpakamangmang dito ang sinumang nagpakamangmang dito.
Tafsiran larabci:
وَمَآ أَمۡوَٰلُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُم بِٱلَّتِي تُقَرِّبُكُمۡ عِندَنَا زُلۡفَىٰٓ إِلَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَزَآءُ ٱلضِّعۡفِ بِمَا عَمِلُواْ وَهُمۡ فِي ٱلۡغُرُفَٰتِ ءَامِنُونَ
Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo na ipinagmamayabang ninyo ang mag-aakay sa inyo tungo sa pagkalugod ni Allāh subalit ang sinumang sumampalataya kay Allāh at gumawa ng gawang maayos ay magtatamo ng pabuyang pinag-ibayo. Ang mga yaman ay nakapagpapalapit kay Allāh sa pamamagitan ng paggugol sa mga ito sa landas ni Allāh at ang mga anak naman ay [nakapagpapalapit ] sa pamamagitan ng pagdalangin nila para sa kanya. Yaong mga mananampalatayang tagagawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay gantimpalang pinag-ibayo dahil sa ginawa nila na mga magandang gawa. Sila, sa mga tuluyang pinakamataas sa paraiso, ay mga natitiwasay laban sa bawat pinangangambahan nila na pagdurusa, kamatayan, at pagkaputol ng kaginhawahan.
Tafsiran larabci:
وَٱلَّذِينَ يَسۡعَوۡنَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ
Ang mga tagatangging sumampalataya na mga nag-uukol ng kasukdulan ng pagsisikap nila sa paglilihis sa mga tao palayo sa mga tanda Namin at nagpupunyagi sa pagsasakatuparan sa mga layon nila, ang mga ito ay mga lugi sa Mundo at mga pagdurusahin sa Kabilang-buhay.
Tafsiran larabci:
قُلۡ إِنَّ رَبِّي يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُ لَهُۥۚ وَمَآ أَنفَقۡتُم مِّن شَيۡءٖ فَهُوَ يُخۡلِفُهُۥۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Sabihin mo, O Sugo,: "Tunay na ang Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpapaluwang ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila. Ang anumang ginugol ninyo na anuman sa landas ni Allāh, si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay magtutumbas nito sa inyo sa Mundo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng higit na mabuti kaysa rito at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng gantimpalang masagana. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos kaya ang sinumang hihiling ng panustos ay dumulog sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya."
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• تبرؤ الأتباع والمتبوعين بعضهم من بعض، لا يُعْفِي كلًّا من مسؤوليته.
Ang pagwawalang-kaugnayan ng mga tagasunod at mga sinusunod sa isa't isa sa kanila ay hindi magbibigay-paumanhin sa bawat isa mula sa pananagutan nito.

• الترف مُبْعِد عن الإذعان للحق والانقياد له.
Ang kariwasaan ay nagpapalayo sa pagpapasakop sa katotohanan at pagpapaakay rito.

• المؤمن ينفعه ماله وولده، والكافر لا ينتفع بهما.
Ang mananampalataya ay pinakikinabang ng yaman niya at anak niya at ang tagatangging sumampalataya ay hindi nakikinabang sa mga ito.

• الإنفاق في سبيل الله يؤدي إلى إخلاف المال في الدنيا، والجزاء الحسن في الآخرة.
Ang paggugol sa landas ni Allāh ay nagpapahantong sa pagtutumbas sa yaman sa Mundo at magandang pagganti sa Kabilang-buhay.

 
Fassarar Ma'anoni Sura: Saba'i
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na taƙaitaccen tafsirin AlƘur'ani mai girma. - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wanda aka buga a Cibiyar Tafsiri da karatuttukan AlƘur'ani.

Rufewa