Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (119) Sura: Suratu Al'an'am
وَمَا لَكُمۡ أَلَّا تَأۡكُلُواْ مِمَّا ذُكِرَ ٱسۡمُ ٱللَّهِ عَلَيۡهِ وَقَدۡ فَصَّلَ لَكُم مَّا حَرَّمَ عَلَيۡكُمۡ إِلَّا مَا ٱضۡطُرِرۡتُمۡ إِلَيۡهِۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا لَّيُضِلُّونَ بِأَهۡوَآئِهِم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُعۡتَدِينَ
Ano ang pumipigil sa inyo, O mga mananampalataya, na kumakain kayo mula sa anumang binanggit ang pangalan ni Allāh rito samantalang nilinaw nga Niya sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, kaya kinakailangan sa inyo ang pag-iwan dito, maliban kapag pinilit kayo roon ng kagipitan sapagkat ang kagipitan ay nagpapahintulot sa ipinagbabawal? Tunay na marami sa mga tagapagtambal ay talagang nagpapalayo ng mga tagasunod nila sa katotohanan dahil sa mga tiwaling opinyon nila dala ng kamangmangan mula sa kanila, yayamang nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila gaya ng maytah (hayop na namatay nang hindi nakatay ayon patakaran sa Islām) at iba pa rito at nagbabawal sila ng ipinahintulot Niya sa kanila gaya ng baḥīrah, waṣīlah, ḥāmī, at iba pa sa mga ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya. Gaganti Siya sa kanila sa paglampas nila sa mga hangganan Niya.
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• الأصل في الأشياء والأطعمة الإباحة، وأنه إذا لم يرد الشرع بتحريم شيء منها فإنه باق على الإباحة.
Ang pangunahing panuntunan sa mga bagay at mga pagkain ay ang pagkaipinahihintulot; at na kapag hindi nagsaad ang Batas ng Islām ng pagbabawal sa isang bagay kabilang sa mga ito, tunay na ito ay mananatili sa pagkaipinahihintulot.

• كل من تكلم في الدين بما لا يعلمه، أو دعا الناس إلى شيء لا يعلم أنه حق أو باطل، فهو معتدٍ ظالم لنفسه وللناس، وكذلك كل من أفتى وليس هو بكفء للإفتاء.
Ang bawat nagsalita kaugnay sa relihiyon hinggil sa hindi niya nalalaman o nag-anyaya sa mga tao tungo sa isang bagay na hindi niya nalalaman kung ito ay katotohanan o kabulaanan, siya ay lumalabag, na nang-aapi sa sarili niya at sa mga tao. Gayon din ang bawat humahatol gayong siya ay walang kakayahan sa paghahatol.

• منفعة المؤمن ليست مقتصرة على نفسه، بل مُتَعدِّية لغيره من الناس.
Ang pakinabang ng mananampalataya ay hindi nalilimitahan sa sarili niya, bagkus nalilipat sa ibang mga tao.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (119) Sura: Suratu Al'an'am
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa