Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori


Fassarar Ma'anoni Aya: (96) Sura: Suratu Al'an'am
فَالِقُ ٱلۡإِصۡبَاحِ وَجَعَلَ ٱلَّيۡلَ سَكَنٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ حُسۡبَانٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang nagpapabuka ng liwanag ng madaling-araw mula sa dilim ng gabi. Siya ay ang gumawa sa gabi bilang pamamahinga para sa mga tao. Namamahinga sila rito mula sa pagkilos para sa paghahanap ng kabuhayan, upang makapagpahinga sila mula sa pagod nila sa paghahanap niyon sa maghapon. Siya ay ang gumawa sa araw at buwan na umiinog ayon sa isang pagtutuos na nakatakda. Ang nabanggit na iyon na bahagi ng karikitan ng pagkakagawa ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam sa mga nilikha Niya at anumang naaangkop sa kanila.
Tafsiran larabci:
daga cikin fa'idodin Ayoyin wannan shafi:
• الاستدلال ببرهان الخلق والرزق (تخليق النبات ونموه وتحول شكله وحجمه ونزول المطر) وببرهان الحركة (حركة الأفلاك وانتظام سيرها وانضباطها)؛ وكلاهما ظاهر مشاهَد - على انفراد الله سبحانه وتعالى بالربوبية واستحقاق الألوهية.
Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng patotoo ng paglikha at pagtustos (ang pagbuo ng halaman, ang paglago nito, at ang pagbabagong-anyo ng hugis nito at sukat nito, at ang pagbaba ng ulan) at sa pamamagitan ng patotoo ng pagkilos (ang pagkilos ng mga makalangit na katawan, ang pagkakaayos ng mga pag-inog ng mga ito, at ang katumpakan ng mga ito). Ang dalawang ito ay hayag na nasasaksihan sa pamumukod-tangi ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pagkapanginoon at pagiging karapat-dapat sa pagkadiyos.

• بيان ضلال وسخف عقول المشركين في عبادتهم للجن.
Ang paglilinaw sa kaligawan at katangahan ng mga isip ng mga tagapagtambal sa pagsamba nila sa mga jinn.

 
Fassarar Ma'anoni Aya: (96) Sura: Suratu Al'an'am
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) na Takaitaccen Al-qurani maigirma, wanda cibiyar Tafsiri sukayi

Rufewa