Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Maryam   Aya:
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
Saka nakita mo ba ang tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin? Nagsabi siya: “Talagang magbibigay nga sa akin ng yaman at anak?”
Tafsiran larabci:
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Nakabatid ba siya sa nakalingid o nakagawa siya sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan?
Tafsiran larabci:
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Aba’y hindi! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at magpapalawig Kami para sa kanya ng pagdurusa sa isang pagpapalawig [sa Kabilang-buhay].
Tafsiran larabci:
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
Magmamana Kami sa kanya ng sinasabi niya at pupunta siya sa Amin nang bukod.
Tafsiran larabci:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
Gumawa sila sa bukod pa kay Allāh bilang mga diyos upang magkaroon sila ng isang dangal.
Tafsiran larabci:
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Aba’y hindi! Magkakaila ang mga ito sa pagsamba nila at ang mga ito laban sa kanila ay magiging katunggali.
Tafsiran larabci:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Hindi ka ba nakakita na Kami ay nagsugo sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya, na nanunulsol sa kanila sa isang panunulsol?
Tafsiran larabci:
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Kaya huwag kang magmabilis sa kanila; nagbibilang lamang Kami para sa kanila ng isang pagbilang.
Tafsiran larabci:
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Sa Araw na kakalap sa mga tagapangilag magkasala patungo sa Napakamaawain sa isang delegasyon.
Tafsiran larabci:
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
Maghahatid Kami sa mga salarin tungo sa Impiyerno sa isang pagkauhaw.
Tafsiran larabci:
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Hindi sila makapagdudulot ng Pamamagitan maliban sa sinumang gumawa sa ganang Napakamaawain ng isang kasunduan.
Tafsiran larabci:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
Nagsabi sila: “Gumawa ang Napakamaawain ng isang anak.”
Tafsiran larabci:
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Talaga ngang nakagawa kayo ng isang bagay na kakila-kilabot.
Tafsiran larabci:
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Halos ang mga langit ay nagkakabitak-bitak dahil dito, nabibiyak ang lupa, at sumusubsob ang mga bundok nang durug-durog,
Tafsiran larabci:
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
dahil nag-angkin sila para sa Napakamaawain ng isang anak.
Tafsiran larabci:
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Hindi nararapat para sa Napakamaawain na gumawa ng isang anak.
Tafsiran larabci:
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit at lupa kundi pupunta sa Napakamaawain bilang alipin [na nagpapasailalim].
Tafsiran larabci:
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Talaga ngang nag-isa-isa Siya sa kanila at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang.
Tafsiran larabci:
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
Lahat sila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang bukod.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Maryam
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassara ta wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwwad tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Ƙungiyar Hidimar Abun ciki na Musulunci a harsuna.

Rufewa