Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'naml   Aya:
أَمَّن يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَمَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۗ أَءِلَٰهٞ مَّعَ ٱللَّهِۚ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito,[6] at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay Allāh?” Sabihin mo: “Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.”
[6] Ibig sabihin: nagbibigay-buhay matapos magbigay-kamatayan.
Tafsiran larabci:
قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ
Sabihin mo: “Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin.”
Tafsiran larabci:
بَلِ ٱدَّٰرَكَ عِلۡمُهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِۚ بَلۡ هُمۡ فِي شَكّٖ مِّنۡهَاۖ بَلۡ هُم مِّنۡهَا عَمُونَ
Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila roon ay mga bulag.
Tafsiran larabci:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا تُرَٰبٗا وَءَابَآؤُنَآ أَئِنَّا لَمُخۡرَجُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Kapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?
Tafsiran larabci:
لَقَدۡ وُعِدۡنَا هَٰذَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna.”
Tafsiran larabci:
قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin.”
Tafsiran larabci:
وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُن فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ
Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila.
Tafsiran larabci:
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Nagsasabi sila: “Kailan ang pangakong ito kung kayo ay tapat?”
Tafsiran larabci:
قُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَكُونَ رَدِفَ لَكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي تَسۡتَعۡجِلُونَ
Sabihin mo: “Marahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo.”
Tafsiran larabci:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَشۡكُرُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat.
Tafsiran larabci:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila.
Tafsiran larabci:
وَمَا مِنۡ غَآئِبَةٖ فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّا فِي كِتَٰبٖ مُّبِينٍ
Walang anumang lumilingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw.
Tafsiran larabci:
إِنَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ يَقُصُّ عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ أَكۡثَرَ ٱلَّذِي هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Tunay na itong Qur’ān ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'naml
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa