Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'fath   Aya:
قُل لِّلۡمُخَلَّفِينَ مِنَ ٱلۡأَعۡرَابِ سَتُدۡعَوۡنَ إِلَىٰ قَوۡمٍ أُوْلِي بَأۡسٖ شَدِيدٖ تُقَٰتِلُونَهُمۡ أَوۡ يُسۡلِمُونَۖ فَإِن تُطِيعُواْ يُؤۡتِكُمُ ٱللَّهُ أَجۡرًا حَسَنٗاۖ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ كَمَا تَوَلَّيۡتُم مِّن قَبۡلُ يُعَذِّبۡكُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Aanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.”
Tafsiran larabci:
لَّيۡسَ عَلَى ٱلۡأَعۡمَىٰ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡأَعۡرَجِ حَرَجٞ وَلَا عَلَى ٱلۡمَرِيضِ حَرَجٞۗ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَمَن يَتَوَلَّ يُعَذِّبۡهُ عَذَابًا أَلِيمٗا
Walang maisisisi sa bulag, walang maisisisi sa pilay, at walang maisisisi sa may-sakit [na magpaiwan]. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit.
Tafsiran larabci:
۞ لَّقَدۡ رَضِيَ ٱللَّهُ عَنِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ إِذۡ يُبَايِعُونَكَ تَحۡتَ ٱلشَّجَرَةِ فَعَلِمَ مَا فِي قُلُوبِهِمۡ فَأَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ عَلَيۡهِمۡ وَأَثَٰبَهُمۡ فَتۡحٗا قَرِيبٗا
Talaga ngang nalugod si Allāh sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nakaalam Siya sa nasa mga puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katahimikan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit,
Tafsiran larabci:
وَمَغَانِمَ كَثِيرَةٗ يَأۡخُذُونَهَاۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
at maraming samsam na makukuha nila. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Tafsiran larabci:
وَعَدَكُمُ ٱللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةٗ تَأۡخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمۡ هَٰذِهِۦ وَكَفَّ أَيۡدِيَ ٱلنَّاسِ عَنكُمۡ وَلِتَكُونَ ءَايَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَيَهۡدِيَكُمۡ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا
Nangako sa inyo si Allāh ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito[3] at pumigil Siya sa mga kamay ng mga tao laban sa inyo,[4] at upang ang mga [samsam sa digmaan na] ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid [ng Islām].
[3] Ibig sabihin: ang mga samsam ng digmaan sa Khaybar.
[4] na makasakit sa mga mag-anak ninyo
Tafsiran larabci:
وَأُخۡرَىٰ لَمۡ تَقۡدِرُواْ عَلَيۡهَا قَدۡ أَحَاطَ ٱللَّهُ بِهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٗا
May iba pa [na mga pagwawaging ipinangako] na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na pumaligid si Allāh sa mga iyon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Tafsiran larabci:
وَلَوۡ قَٰتَلَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوَلَّوُاْ ٱلۡأَدۡبَٰرَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرٗا
Kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya.
Tafsiran larabci:
سُنَّةَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا
[Nagsakalakaran] ng kalakaran ni Allāh na nagdaan na bago pa niyan at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'fath
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar Ruwwad ta Fassara - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Fassara ta wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwwad tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Ƙungiyar Hidimar Abun ciki na Musulunci a harsuna.

Rufewa