Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'an'am   Aya:
ذَٰلِكَ أَن لَّمۡ يَكُن رَّبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ بِظُلۡمٖ وَأَهۡلُهَا غَٰفِلُونَ
Iyon ay dahil hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak sa mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan habang ang mga naninirahan sa mga ito ay mga nalilingat.
Tafsiran larabci:
وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعۡمَلُونَ
Lahat ay may mga antas ayon sa ginawa nila. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa mga ginagawa nila.
Tafsiran larabci:
وَرَبُّكَ ٱلۡغَنِيُّ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۚ إِن يَشَأۡ يُذۡهِبۡكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفۡ مِنۢ بَعۡدِكُم مَّا يَشَآءُ كَمَآ أَنشَأَكُم مِّن ذُرِّيَّةِ قَوۡمٍ ءَاخَرِينَ
Ang Panginoon mo ay ang Walang-pangangailangan, ang May Awa. Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magtatalaga Siya bilang kahalili, matapos na ninyo, ng loloobin Niya kung paanong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa mga supling ng mga ibang tao.
Tafsiran larabci:
إِنَّ مَا تُوعَدُونَ لَأٓتٖۖ وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ
Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang pupunta, at kayo ay hindi mga makapagpapahina.
Tafsiran larabci:
قُلۡ يَٰقَوۡمِ ٱعۡمَلُواْ عَلَىٰ مَكَانَتِكُمۡ إِنِّي عَامِلٞۖ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ مَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Sabihin mo: “O mga tao ko, gumawa kayo ayon sa paraan ninyo; tunay na ako ay gumagawa; saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kabilang-buhay]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.”
Tafsiran larabci:
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ مِمَّا ذَرَأَ مِنَ ٱلۡحَرۡثِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ نَصِيبٗا فَقَالُواْ هَٰذَا لِلَّهِ بِزَعۡمِهِمۡ وَهَٰذَا لِشُرَكَآئِنَاۖ فَمَا كَانَ لِشُرَكَآئِهِمۡ فَلَا يَصِلُ إِلَى ٱللَّهِۖ وَمَا كَانَ لِلَّهِ فَهُوَ يَصِلُ إِلَىٰ شُرَكَآئِهِمۡۗ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ
Nagtalaga sila[7] ukol kay Allāh ng isang bahagi mula sa nilalang Niya na pananim at mga hayupan saka nagsabi sila: “Ito ay ukol kay Allāh,” ayon sa pag-aangkin nila: “at ito ay ukol sa mga pantambal natin [kay Allāh].” Ang anumang ukol sa mga itinambal nila ay hindi nakararating kay Allāh; at ang anumang ukol kay Allāh, ito ay nakararating sa mga itinatambal nila. Kay sagwa ang ihinahatol nila!
[7] Ibig sabihin: ang mga tagapagtambal.
Tafsiran larabci:
وَكَذَٰلِكَ زَيَّنَ لِكَثِيرٖ مِّنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ قَتۡلَ أَوۡلَٰدِهِمۡ شُرَكَآؤُهُمۡ لِيُرۡدُوهُمۡ وَلِيَلۡبِسُواْ عَلَيۡهِمۡ دِينَهُمۡۖ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا فَعَلُوهُۖ فَذَرۡهُمۡ وَمَا يَفۡتَرُونَ
Gayon ipinang-akit sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila [kay Allāh] ang pagpatay sa mga anak nila upang magpahamak ang mga ito sa kanila at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang ginagawa-gawa nila.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'an'am
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa