Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'insan   Aya:
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا
na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.
Tafsiran larabci:
يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا
Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.
Tafsiran larabci:
وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا
Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.
Tafsiran larabci:
إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا
[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.
Tafsiran larabci:
إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid.”
Tafsiran larabci:
فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا
Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.
Tafsiran larabci:
وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا
Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla.
Tafsiran larabci:
مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا
Mga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig.
Tafsiran larabci:
وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا
Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.
Tafsiran larabci:
وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠
Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,
Tafsiran larabci:
قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا
mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.
Tafsiran larabci:
وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا
Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya
Tafsiran larabci:
عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا
[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.
Tafsiran larabci:
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا
May lilibot sa kanila na mga [na naglilingkod na] batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga perlas na ikinalat.
Tafsiran larabci:
وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا
Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.
Tafsiran larabci:
عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا
May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.
Tafsiran larabci:
إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا
[Sasabihin]: “Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala.”
Tafsiran larabci:
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.
Tafsiran larabci:
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا
Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat.
Tafsiran larabci:
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'insan
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa