Check out the new design

ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫ * - ߘߟߊߡߌߘߊ ߟߎ߫ ߦߌ߬ߘߊ߬ߥߟߊ


ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌ߬ߘߊ߬ߟߌ ߝߐߘߊ ߘߏ߫: ߝߊߟߊ߲   ߟߝߊߙߌ ߘߏ߫:
وَكَذَٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ لِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيۡبَ فِيهَآ إِذۡ يَتَنَٰزَعُونَ بَيۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَيۡهِم بُنۡيَٰنٗاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا
Gaya ng paggawa Namin sa kanila ng mga gawaing kataka-takang nagpapatunay sa kakayahan Namin gaya ng pagpapatulog sa kanila nang maraming taon at paggising sa kanila matapos niyon, ipinabatid Namin sa kanila ang mga naninirahan sa lungsod nila upang malaman ng mga naninirahan sa lungsod nila na ang pangako Namin ng pag-aadya sa mga mananampalataya at ng pagbuhay ay totoo at na ang Araw ng Pagbangon ay darating nang walang duda hinggil doon. Kaya noong nabunyag ang lagay ng magkakasama sa yungib at namatay sila, nagkaiba-iba ang mga nakababatid sa kanila kung ano ang gagawin ng mga ito patungkol sa kanila. May nagsabing isang pangkat kabilang sa mga ito: "Magpatayo kayo sa pintuan ng yungib nila ng isang gusaling tatakip sa kanila at mangangalaga sa kanila. Ang Panginoon nila ay higit na nakaaalam sa kalagayan nila saka ang kalagayan nila ay humihiling na mayroon silang pagkatangi sa ganang Kanya." Nagsabi naman ang mga may impluwensiya kabilang sa mga walang kaalaman ni pahayag na tumpak: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw ng pook nilang ito ng isang patirapaan para sa pagsamba bilang pagpaparangal para sa kanila at pagpapaalaala sa pook nila."
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا
Magsasabi ang ilan sa mga tagapagtalakay sa kasaysayan nila tungkol sa bilang nila: "Sila ay tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila." Magsasabi naman ang iba sa mga iyon: "Sila ay lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila." Ang kapwa pangkatin ay nagsabi lamang ng sinabi nito bilang pagsunod sa palagay nila nang walang patunay. Magsasabi pa ang iba sa mga iyon: "Sila ay pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila." Sabihin mo, O Sugo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa bilang nila kundi kaunting kabilang sa tinuruan ni Allāh ng bilang nila. Kaya huwag kang makipagtalo, hinggil sa bilang nila ni hinggil sa iba pa rito na mga kalagayan nila, sa mga May Kasulatan ni sa iba pa sa mga ito malibang ayon sa pakikipagtalong hayag na walang kalaliman doon, sa pamamagitan ng pagkakasya sa bumaba sa iyo na pagkasi patungkol sa kanila. Huwag kang magtanong sa isa kabilang sa mga iyon hinggil sa mga detalye patungkol sa kanila sapagkat tunay na ang mga iyon ay hindi nakaalam niyon."
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْيۡءٍ إِنِّي فَاعِلٞ ذَٰلِكَ غَدًا
Huwag ka ngang magsasabi, O Sugo, sa anumang ninanais mong gawin bukas: "Tunay na ako ay gagawa ng bagay na ito bukas," dahil ikaw ay hindi nakaaalam kung makagagawa ka kaya nito o may hahadlang sa pagitan mo at niyon. Ito ay isang panuto para sa bawat Muslim.
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَهۡدِيَنِ رَبِّي لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَٰذَا رَشَدٗا
Maliban na isalalay mo ang paggawa nito sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Gagawin ko ito – kung niloob ni Allāh – bukas." Alalahanin mo ang Panginoon mo sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Kung niloob ni Allāh," kung nakalimot kang magsabi nito; at sabihin mo: "Umaasa ako na gumabay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa sa bagay na ito sa kapatnubayan at pagtutuon."
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
وَلَبِثُواْ فِي كَهۡفِهِمۡ ثَلَٰثَ مِاْئَةٖ سِنِينَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعٗا
Nanatili ang magkakasama sa yungib sa yungib nila nang tatlong daan at siyam na taon.
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا يُشۡرِكُ فِي حُكۡمِهِۦٓ أَحَدٗا
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinanatili nila sa yungib nila. Nagpabatid nga Siya sa atin ng yugto ng pananatili nila roon kaya walang masasabing ukol sa isa man matapos ng pagsabi Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nakalingid sa mga langit at ang anumang nakalingid sa lupa sa paglikha at kaalaman. Kay husay ng pagkakita Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakakikita sa bawat bagay. Kay husay ng pagkarinig Niya sapagkat Siya ay nakaririnig sa bawat bagay. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya sa isa man sapagkat Siya ang namumukod-tangi lamang sa paghahatol."
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
وَٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدٗا
Bumigkas ka, O Sugo, at gumawa ka ayon sa ikinasi ni Allāh sa iyo mula sa Qur'ān sapagkat walang tagapagpalit sa mga salita Niya dahil ang mga ito ay katapatan sa kabuuan ng mga ito at katarungan sa kabuuan ng mga ito. Hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang madudulugang dudulugan mo ni isang mapagpapakupkupang pagpapakupkupan mo maliban pa sa Kanya.
ߊߙߊߓߎߞߊ߲ߡߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߟߎ߬:
ߟߝߊߙߌ ߟߎ߫ ߢߊ߬ߕߣߐ ߘߏ߫ ߞߐߜߍ ߣߌ߲߬ ߞߊ߲߬:
• اتخاذ المساجد على القبور، والصلاة فيها، والبناء عليها؛ غير جائز في شرعنا.
Ang paggawa ng mga masjid sa ibabaw ng mga libingan, ang pagdarasal sa mga ito, at ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan ay hindi pinapayagan sa batas natin.

• في القصة إقامة الحجة على قدرة الله على الحشر وبعث الأجساد من القبور والحساب.
Sa kasaysayan ay may paglalahad ng katwiran sa kakayahan ni Allāh sa pagkalap sa mga tao, pagbuhay sa mga katawan mula sa mga libingan, at pagtutuos.

• دلَّت الآيات على أن المراء والجدال المحمود هو الجدال بالتي هي أحسن.
Nagpatunay ang mga talata ng Qur'ān na ang pakikipagpangatwiran at ang pakikipagtalong pinapupurihan ay ang pakikipagtalo ayon sa siyang pinakamaganda.

• السُّنَّة والأدب الشرعيان يقتضيان تعليق الأمور المستقبلية بمشيئة الله تعالى.
Ang kalakaran at ang kaasalang isinasabatas ay humihiling ng pagsasalalay ng mga bagay na panghinaharap sa kalooban ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌ߬ߘߊ߬ߟߌ ߝߐߘߊ ߘߏ߫: ߝߊߟߊ߲
ߝߐߘߊ ߟߎ߫ ߦߌ߬ߘߊ߬ߥߟߊ ߞߐߜߍ ߝߙߍߕߍ
 
ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐ ߟߎ߬ ߘߟߊߡߌߘߊ - ߟߊߘߛߏߣߍ߲" ߞߎ߬ߙߣߊ߬ ߞߟߊߒߞߋ ߞߘߐߦߌߘߊ ߘߐ߫ ߝߟߌߔߌ߲ߞߊ߲ (ߕߊ߯ߖߊߟߐߖ) ߘߐ߫ - ߘߟߊߡߌߘߊ ߟߎ߫ ߦߌ߬ߘߊ߬ߥߟߊ

ߡߍ߲ ߝߘߊߣߍ߲߫ ߞߎ߬ߙߊ߬ߣߊ ߞߘߐߦߌߘߊ ߕߌߙߌ߲ߠߌ߲ ߝߊ߲ߓߊ ߟߊ߫

ߘߊߕߎ߲߯ߠߌ߲