அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை


மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (107) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்பகரா
أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۗ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ
Nalaman mo nga – o Propeta – na si Allāh ay ang naghahari sa mga langit at lupa. Humahatol Siya ng anumang ninanais Niya kaya nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya, sumasaway Siya sa kanila sa anumang niloob Niya, nagpapasya Siya ng batas na niloob Niya, at nagpapawalang-bisa Siya ng anumang niloob Niya. Walang ukol sa inyo matapos kay Allāh na anumang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo, ni mapag-adya na magtataboy palayo sa inyo ng kapinsalaan, bagkus si Allāh ay ang katangkilik ng lahat ng iyon at ang nakakakaya niyon.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• أن الأمر كله لله، فيبدل ما يشاء من أحكامه وشرائعه، ويبقي ما يشاء منها، وكل ذلك بعلمه وحكمته.
Na ang pag-uutos sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh. Nagpapalit Siya ng anumang niloloob Niya kabilang sa mga patakaran Niya at mga batas Niya, at nagpapanatili Siya ng anumang niloloob Niya mula sa mga ito. Lahat ng iyon ay ayon sa kaalaman Niya at karunungan Niya.

• حَسَدُ كثيرٍ من أهل الكتاب هذه الأمة، لما خصَّها الله من الإيمان واتباع الرسول، حتى تمنوا رجوعها إلى الكفر كما كانت.
Ang inggit ng marami sa mga May Kasulatan sa Kalipunang Islām na ito ay dahil sa pagtangi dito ni Allāh sa pananampalataya at pagsunod hanggang sa nagmithi sila ng pagbalik ng Kalipunang Islām na ito sa kawalang-pananampalataya gaya noon.

 
மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (107) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்பகரா
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு-வெளியீடு அல்குர்ஆன் ஆய்வுகளுக்கான தப்ஸீர் மையம்

மூடுக