அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை


மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அல்ஹஜ்   வசனம்:

Al-Hajj

சூராவின் இலக்குகளில் சில:
تعظيم الله سبحانه وتعالى وشعائره والتسليم لأمره.
Ang pagdakila kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa mga sagisag Niya at ang pagpapasakop sa utos Niya.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡۚ إِنَّ زَلۡزَلَةَ ٱلسَّاعَةِ شَيۡءٌ عَظِيمٞ
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa anumang ipinag-utos Niya sa inyo at ng pagpipigil sa anumang sinaway Niya sa inyo! Tunay na ang umaalinsabay sa Araw ng Pagbangon na pagyanig ng lupa at iba pa rito na mga hilakbot ay isang bagay na sukdulan na kinakailangan ang paghahanda para rito sa pamamagitan ng paggawa ng nagpapalugod kay Allāh.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَوۡمَ تَرَوۡنَهَا تَذۡهَلُ كُلُّ مُرۡضِعَةٍ عَمَّآ أَرۡضَعَتۡ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمۡلٍ حَمۡلَهَا وَتَرَى ٱلنَّاسَ سُكَٰرَىٰ وَمَا هُم بِسُكَٰرَىٰ وَلَٰكِنَّ عَذَابَ ٱللَّهِ شَدِيدٞ
Sa Araw na makasasaksi kayo nito, malilingat ang bawat tagapagpasuso sa pasusuhin nito, maglalaglag ang bawat babaing may ipinagbubuntis na dinadala nito [sa sinapupunan] dahil sa tindi ng pangamba, at makakikita ka ng mga tao na dala ng paglaho ng mga isip nila ay tulad ng mga lasing dahil sa tindi ng hilakbot ng katayuan samantalang hindi naman sila lasing dahil sa pag-inom ng alak, subalit ang pagdurusang dulot ni Allāh ay matindi sapagkat nagpawala ito sa kanila ng mga isip nila.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّبِعُ كُلَّ شَيۡطَٰنٖ مَّرِيدٖ
May mga tao na nakikipaghidwaan hinggil sa kakayahan ni Allāh sa pagbubuhay ng mga patay nang walang kaalamang pinagbabatayan, at sumusunod, sa paniniwala niya at pagsasabi niya, sa bawat tagapaghimagsik sa Panginoon niya kabilang sa mga demonyo at kabilang sa mga pasimuno ng pagkaligaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
كُتِبَ عَلَيۡهِ أَنَّهُۥ مَن تَوَلَّاهُ فَأَنَّهُۥ يُضِلُّهُۥ وَيَهۡدِيهِ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ
Itinakda sa tagapaghimagsik na iyon kabilang sa mga demonyo ng tao at jinn na ang sinumang sumunod sa kanya at naniwala sa kanya, tunay na siya ay magliligaw rito palayo sa daan ng katotohanan at maghahatid dito tungo sa pagdurusa sa Apoy dahil sa pag-aakay nito tungo roon ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِن كُنتُمۡ فِي رَيۡبٖ مِّنَ ٱلۡبَعۡثِ فَإِنَّا خَلَقۡنَٰكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ مِن مُّضۡغَةٖ مُّخَلَّقَةٖ وَغَيۡرِ مُخَلَّقَةٖ لِّنُبَيِّنَ لَكُمۡۚ وَنُقِرُّ فِي ٱلۡأَرۡحَامِ مَا نَشَآءُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ نُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡۖ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡلَا يَعۡلَمَ مِنۢ بَعۡدِ عِلۡمٖ شَيۡـٔٗاۚ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ هَامِدَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡ وَأَنۢبَتَتۡ مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ
O mga tao kung mayroon kayong pagdududa sa kakayahan Namin sa pagbubuhay sa inyo matapos ng kamatayan, magnilay-nilay kayo sa pagkakalikha sa inyo sapagkat lumikha Kami sa ama ninyong si Adan mula sa alabok. Pagkatapos lumikha Kami sa mga supling niya mula sa punlay na ibinubuga ng lalaki sa sinapupunan ng babae. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang punlay na nagiging namuong dugo. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang namuong dugo para maging isang piraso ng laman na nakawawangis ng piraso ng lamang nginuya. Pagkatapos nagbabagong-anyo ang piraso ng laman na maaaring para maging isang nilikhang lubos, na mananatili sa sinapupunan hanggang sa lumabas na isang sanggol na buhay, at maaaring para maging isang nilikhang hindi lubos, na ilalaglag ng sinapupunan. [Ito ay] upang maglinaw Kami sa inyo ng kakayahan Namin sa paglikha sa inyo sa mga antas. Nagpapatatag Kami sa loob ng mga sinapupunan ng niloloob Namin na mga fetus hanggang sa isilang ito sa isang panahong tinakdaan, na siyam na buwan. Pagkatapos nagpapalabas Kami sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga bata. Pagkatapos upang makarating kayo sa kalubusan ng lakas at isip. Mayroon sa inyo na namamatay bago niyon. Mayroon sa inyo na nabubuhay hanggang sa umabot sa edad ng pag-uulyanin kung kailan humihina ang lakas at humihina ang isip hanggang sa maging higit na masahol sa kalagayan kaysa sa bata, na hindi na nakaaalam ng anuman mula sa dating nalalaman. Nakakikita ka na ang lupa ay tuyot, na walang halaman dito, ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay namumukadkad ito sa mga halaman, umaangat ito dahilan sa paglago ng mga halaman nito, at nagpapalabas ito ng bawat klase ng mga halamang marikit ang tanawin.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• وجوب الاستعداد ليوم القيامة بزاد التقوى.
Ang pagkakailangan ng paghahanda para sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagbabaon ng pangingilag magkasala.

• شدة أهوال القيامة حيث تنسى المرضعة طفلها وتسقط الحامل حملها وتذهب عقول الناس.
Ang tindi ng mga hilakbot ng Pagbangon [ng mga patay] yayamang malilimutan ng tagapagpasuso ang anak niya, mailalaglag ng buntis ang dinadala niya, at mawawala ang mga isip ng mga tao.

• التدرج في الخلق سُنَّة إلهية.
Ang pag-uunti-unti sa [anyo ng] paglikha ay kalakarang pandiyos.

• دلالة الخلق الأول على إمكان البعث.
Ang katunayan ng unang paglikha sa posibilidad ng pagbubuhay [na muli].

• ظاهرة المطر وما يتبعها من إنبات الأرض دليل ملموس على بعث الأموات.
Ang paglitaw ng ulan at ang sumusunod rito na pagpapatubo sa lupa ay isang nadaramang patunay sa pagbubuhay ng mga patay.

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّهُۥ يُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَأَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Ang binanggit Naming iyon para sa inyo – na pagsisimula sa paglikha sa inyo, mga antas nito, at mga kalagayan ng sinumang ipinanganganak sa inyo – ay upang sumampalataya kayo na si Allāh na lumikha sa inyo ay ang Katotohanan na walang pagdududa hinggil dito, bilang kasalungatan naman sa sinasamba ninyo na mga anito ninyo, at upang sumampalataya kayo na Siya ay nagbibigay-buhay sa mga patay, na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡعَثُ مَن فِي ٱلۡقُبُورِ
upang sumampalataya kayo na ang Huling Sandali ay darating, na walang pagdududa sa pagdating nito, at na si Allāh ay bubuhay sa mga patay mula sa mga libingan nila upang gumanti Siya sa kanila sa mga gawa nila.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ
May mga tagatangging sumampalataya na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang kaalaman mula sa kanila na nakararating sila sa pamamagitan nito sa katotohanan, ni pagsunod sa isang tagapagpatnubay na gagabay sa kanila roon, ni isang aklat na tagapagtanglaw na pinababa mula sa ganang kay Allāh, na papatnubay sa kanila tungo sa Kanya.
அரபு விரிவுரைகள்:
ثَانِيَ عِطۡفِهِۦ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۖ لَهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَا خِزۡيٞۖ وَنُذِيقُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Pumipilipit ng leeg niya dala ng pagpapakamalaki upang magpalihis sa mga tao palayo sa pananampalataya at pagpasok sa relihiyon ni Allāh, ukol sa sinumang ito ang paglalarawan sa kanya ay isang pagkahamak sa Mundo dahil sa ipapataw sa kanya na parusa. Magpapalasap Kami sa kanya sa Kabilang-buhay ng pagdurusa sa Apoy na tagasunog.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتۡ يَدَاكَ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَيۡسَ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Sasabihin sa kanya: "Ang pagdurusang iyon na lalasapin mo ay dahilan sa nakamit mo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Si Allāh ay hindi nagpaparusa sa isa man kabilang sa nilikha Niya malibang dahil sa pagkakasala."
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَعۡبُدُ ٱللَّهَ عَلَىٰ حَرۡفٖۖ فَإِنۡ أَصَابَهُۥ خَيۡرٌ ٱطۡمَأَنَّ بِهِۦۖ وَإِنۡ أَصَابَتۡهُ فِتۡنَةٌ ٱنقَلَبَ عَلَىٰ وَجۡهِهِۦ خَسِرَ ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةَۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ
Mayroon sa mga tao na nalilito: sumasamba kay Allāh sa pagdududa. Kaya kapag may tumama sa kanya na isang mabuti gaya ng kalusugan at yaman, nagpapatuloy siya sa pananampalataya niya at pagsamba niya kay Allāh; at kapag may tumama sa kanya na isang pagsusulit gaya ng karamdaman at karalitaan, nagmamasama siya sa relihiyon niya at tumatalikod siya palayo rito. Nalugi siya sa Mundo niya sapagkat hindi magdaragdag sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya ng isang bahagi mula sa Mundo, na hindi itinakda para sa kanya. Nalugi siya sa Kabilang-buhay niya dahil sa daranasin niya na pagdurusang dulot ni Allāh. Iyon ay ang pagkaluging maliwanag.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُۥ وَمَا لَا يَنفَعُهُۥۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلضَّلَٰلُ ٱلۡبَعِيدُ
Sumasamba siya sa bukod pa kay Allāh, na mga anitong hindi nakapipinsala sa kanya kung sumuway siya sa mga ito at hindi nagpapakinabang sa kanya kung tumalima siya sa mga ito. Ang pagdalanging iyon sa mga anitong hindi nakapipinsala at hindi nagpapakinabang ay ang pagkaligaw na malayo sa katotohanan.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَدۡعُواْ لَمَن ضَرُّهُۥٓ أَقۡرَبُ مِن نَّفۡعِهِۦۚ لَبِئۡسَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَلَبِئۡسَ ٱلۡعَشِيرُ
Dumadalangin ang tagatangging sumampalataya na ito na sumasamba sa mga anito sa isang ang pagpinsala nitong napatotohanan ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nitong nawawala. Talagang kay sagwa ang sinasambang ang pagpinsala nito ay higit na malapit kaysa sa pagpapakinabang nito! Kay sagwa ito bilang tagapag-adya para sa sinumang nagpapaadya rito at bilang kasamahan para sa sinumang sumasama rito!
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawaing maayos sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya na pagkaawa sa sinumang kaaawaan Niya at pagparusa sa sinumang parurusahan Niya. Walang tagapilit para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَن كَانَ يَظُنُّ أَن لَّن يَنصُرَهُ ٱللَّهُ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ بِسَبَبٍ إِلَى ٱلسَّمَآءِ ثُمَّ لۡيَقۡطَعۡ فَلۡيَنظُرۡ هَلۡ يُذۡهِبَنَّ كَيۡدُهُۥ مَا يَغِيظُ
Ang sinumang nagpapalagay na si Allāh ay hindi mag-aadya sa Propeta Niya – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa Mundo at Kabilang-buhay ay magpaabot ito ng isang lubid sa bubungan ng bahay niya. Pagkatapos magbigti siya gamit nito sa pamamagitan ng pag-angat ng sarili niya palayo sa lupa. Pagkatapos tumingin siya: mag-aalis nga kaya iyon ng anumang natatagpuan niya sa sarili na ngitngit? Si Allāh ay tagapag-adya ng Propeta Niya, niloob man ng nakikipagmatigasan o tinanggihan.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• أسباب الهداية إما علم يوصل به إلى الحق، أو هادٍ يدلهم إليه، أو كتاب يوثق به يهديهم إليه.
Ang mga kadahilanan ng kapatnubayan ay maaaring isang kaalamang nagpaparating sa pamamagitan nito sa katotohanan, o isang tagapagpatnubay na gagabay sa kanila tungo roon, o isang aklat na pinagkakatiwalaang magpapatnubay tungo roon.

• الكبر خُلُق يمنع من التوفيق للحق.
Ang pagmamalaki ay isang kaasalang humahadlang sa pagtutuon sa katotohanan.

• من عدل الله أنه لا يعاقب إلا على ذنب.
Bahagi ng katarungan ni Allāh ay na Siya ay hindi nagpaparusa malibang dahil sa pagkakasala.

• الله ناصرٌ نبيَّه ودينه ولو كره الكافرون.
Si Allāh ay tagapag-adya ng Propeta Niya at Relihiyon Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.

وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖ وَأَنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يُرِيدُ
Kung paanong naglinaw para sa inyo ng mga katwirang maliwanag sa pagbubuhay na muli, nagpababa naman kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng Qur'ān bilang mga talatang maliwanag, at na [dahil] si Allāh ay nagtutuon sa pamamagitan ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya para sa landas ng kapatnubayan at pagkagabay.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلصَّٰبِـِٔينَ وَٱلنَّصَٰرَىٰ وَٱلۡمَجُوسَ وَٱلَّذِينَ أَشۡرَكُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh kabilang sa Kalipunang ito, ang mga Hudyo, ang mga Sabeano (isang pangkatin kabilang sa mga tagasunod ng ilan sa mga propeta), ang mga Kristiyano, ang mga tagasamba ng apoy, at ang mga tagasamba ng mga diyus-diyusan, tunay na si Allāh ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon para pumasok ang mga mananampalataya sa Paraiso at pumasok ang mga iba pa sa kanila sa Apoy. Tunay na si Allāh sa bawat anuman sa mga sinabi ng mga lingkod Niya at mga ginawa nila ay Saksi: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَسۡجُدُۤ لَهُۥۤ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ وَٱلنُّجُومُ وَٱلۡجِبَالُ وَٱلشَّجَرُ وَٱلدَّوَآبُّ وَكَثِيرٞ مِّنَ ٱلنَّاسِۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيۡهِ ٱلۡعَذَابُۗ وَمَن يُهِنِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن مُّكۡرِمٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ۩
Hindi ka ba nakaalam, O Sugo, na kay Allāh ay nagpapatirapa ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima ang sinumang nasa mga langit na mga anghel at ang sinumang nasa lupa na mga mananampalataya ng tao at jinn. Nagpapatirapa sa Kanya ang araw; nagpapatirapa sa Kanya ang buwan; nagpapatirapa sa Kanya ang mga bituin sa langit, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, at ang mga hayop sa lupa ayon sa pagpapatirapa ng pagpapaakay; at nagpapatirapa sa Kanya ang marami sa mga tao ayon sa pagpapatirapa ng pagtalima. May maraming tumanggi sa pagpapatirapa sa Kanya bilang pagtalima. Kaya nagindapat sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Ang sinumang huhusgahan ni Allāh ng pagkahamak at kaabahan dahil sa kawalang-pananampalataya niya ay wala sa kanyang isang magpaparangal. Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya sapagkat walang tagapilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ هَٰذَانِ خَصۡمَانِ ٱخۡتَصَمُواْ فِي رَبِّهِمۡۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ قُطِّعَتۡ لَهُمۡ ثِيَابٞ مِّن نَّارٖ يُصَبُّ مِن فَوۡقِ رُءُوسِهِمُ ٱلۡحَمِيمُ
Ang dalawang ito ay dalawang pangkat na nagkakaalitan hinggil sa Panginoon nila, kung alin sa kanila ang nagsasakatotohanan: ang pangkat ng pananampalataya at ang pangkat ng kawalang-pananampalataya. Ang pangkat ng kawalang-pananampalataya ay paliligiran ng apoy tulad ng pagkapaligid ng mga kasuutan sa tagapagsuot ng mga ito. Ibubuhos mula sa ibabaw ng mga ulo nila ang tubig na labis-labis sa pagkainit.
அரபு விரிவுரைகள்:
يُصۡهَرُ بِهِۦ مَا فِي بُطُونِهِمۡ وَٱلۡجُلُودُ
Matutunaw sa pamamagitan nito ang nasa mga tiyan nila na mga bituka dahil sa tindi ng init nito, at aabot ito sa mga balat nito para tumunaw sa mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَهُم مَّقَٰمِعُ مِنۡ حَدِيدٖ
Para [sa pagpalo] sa kanila sa Apoy ay mga pamukpok yari sa bakal na ipampapalo ng mga anghel sa mga ulo nila.
அரபு விரிவுரைகள்:
كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَا مِنۡ غَمٍّ أُعِيدُواْ فِيهَا وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡحَرِيقِ
Sa tuwing magtatangka sila ng paglabas mula sa Apoy dahil sa tindi ng dinaranas nila na lumbay roon ay pababalikin sila roon at sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy na tagasunog."
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَلُؤۡلُؤٗاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِيهَا حَرِيرٞ
Ang pangkat ng pananampalataya, na mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ay papapasukin ni Allāh sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Magpapalamuti sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng paggagayak sa kanila ng mga pulseras na ginto at magpapalamuti Siya sa kanila sa pamamagitan ng paggagayak ng mga mutya. Mangyayaring ang kasuutan nila sa mga iyon ay ang sutla.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• الهداية بيد الله يمنحها من يشاء من عباده.
Ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh, na ipinagkakaloob Niya ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya.

• رقابة الله على كل شيء من أعمال عباده وأحوالهم.
Ang pagmamasid ni Allāh ay sa bawat anuman sa mga gawain ng mga lingkod Niya at mga kalagayan nila.

• خضوع جميع المخلوقات لله قدرًا، وخضوع المؤمنين له طاعة.
Ang pagpapasailalim ng lahat ng mga nilikha kay Allāh ay ayon sa pagtatakda at ang pagpapasailalim ng mga mananampalataya sa Kanya ay ayon sa pagtalima.

• العذاب نازل بأهل الكفر والعصيان، والرحمة ثابتة لأهل الإيمان والطاعة.
Ang pagdurusa ay bumababa sa mga kampon ng kawalang-pananampalataya at pagsuway at ang awa ay nananatili sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima.

وَهُدُوٓاْ إِلَى ٱلطَّيِّبِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ وَهُدُوٓاْ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡحَمِيدِ
Gumabay sa kanila si Allāh sa buhay na pangmundo tungo sa kaaya-aya sa mga sinasabi gaya ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh, pagdakila, at pagpupuri [sa Kanya]. Gumabay Siya sa kanila tungo sa pinapupurihang daan ng Islām.
அரபு விரிவுரைகள்:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَيَصُدُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ ٱلَّذِي جَعَلۡنَٰهُ لِلنَّاسِ سَوَآءً ٱلۡعَٰكِفُ فِيهِ وَٱلۡبَادِۚ وَمَن يُرِدۡ فِيهِ بِإِلۡحَادِۭ بِظُلۡمٖ نُّذِقۡهُ مِنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, naglilihis sa iba pa sa kanila palayo sa pagpasok sa Islām, at sumasagabal sa mga tao sa Masjid na Pinakababanal, tulad ng ginawa ng mga tagapagtambal noong taon ng Ḥudaybīyah, ay ipalalasap sa kanila ang pagdurusang masakit. Ang masjid na iyon na ginawa bilang qiblah para sa mga tao sa dasal nila at isang pinagdadausan mula sa mga pinagdadausan ng ḥajj at `umrah ay nagkakapantay roon ang taga-Makkah na nakatira roon at ang nagsasadya roon na hindi kabilang sa mga naninirahan sa Makkah. Ang sinumang nagnanais doon ng isang pagkiling palayo sa katotohanan sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa anuman sa mga pagsuway nang sinasadya, magpapalasap Kami sa kanya ng isang pagdurusang nakasasakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذۡ بَوَّأۡنَا لِإِبۡرَٰهِيمَ مَكَانَ ٱلۡبَيۡتِ أَن لَّا تُشۡرِكۡ بِي شَيۡـٔٗا وَطَهِّرۡ بَيۡتِيَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلۡقَآئِمِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ
Banggitin mo, O Sugo, noong naglinaw Kami para kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pook ng Bahay at mga hangganan nito matapos na ito dati ay di-nalalaman. Nagkasi Kami sa kanya: "Huwag kang magtambal sa pagsamba sa Akin ng anuman bagkus sumamba ka sa Akin lamang at magdalisay ka ng Bahay ko mula sa mga karumihang pisikal at espirituwal para sa mga pumapalibot dito at mga nagdarasal dito.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَذِّن فِي ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَجِّ يَأۡتُوكَ رِجَالٗا وَعَلَىٰ كُلِّ ضَامِرٖ يَأۡتِينَ مِن كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٖ
Manawagan ka sa mga tao habang nag-aanyaya sa kanila sa pagsasagawa ng ḥajj sa Bahay na ito na nag-utos Kami sa iyo na magpatayo nito, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad o mga nakasakay sa bawat kamelyong nangayayat dahil sa dinanas na paglalakbay; magdadala sa kanila ang mga kamelyo, na nagbubuhat sa kanila mula sa bawat malayong daan.
அரபு விரிவுரைகள்:
لِّيَشۡهَدُواْ مَنَٰفِعَ لَهُمۡ وَيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ فِيٓ أَيَّامٖ مَّعۡلُومَٰتٍ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۖ فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡبَآئِسَ ٱلۡفَقِيرَ
[Ito ay] upang dumalo sila sa mag-uuwi para sa kanila ng pakinabang na kapatawaran sa mga pagkakasala, pagtamo ng gantimpala, pag-iisa ng adhikain, at iba pa, at upang bumanggit sila sa pangalan ni Allāh sa kinakatay nila na mga alay sa mga araw na nalalaman: ang ikasampu ng Dhulḥijjah at ang tatlong araw matapos nito, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Kaya kumain kayo mula sa mga alay na ito at magpakain kayo mula sa mga ito sa sinumang naging matindi ang karalitaan.
அரபு விரிவுரைகள்:
ثُمَّ لۡيَقۡضُواْ تَفَثَهُمۡ وَلۡيُوفُواْ نُذُورَهُمۡ وَلۡيَطَّوَّفُواْ بِٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ
Pagkatapos, tumapos sila ng natira sa kanila na mga gawain ng ḥajj nila at kumalas sila sa pamamagitan ng pag-aahit sa mga ulo nila, pagputol ng mga kuko nila, at pag-aalis ng duming naipon sa kanila dahilan sa iḥrām; tumupad sila sa inobliga nila sa mga sarili na ḥajj, o `umrah, o alay; at pumalibot sila ng ṭawāf ifāḍāh sa Bahay na pinalaya ni Allāh mula sa pangingibabaw ng mga manlulupig dito.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ حُرُمَٰتِ ٱللَّهِ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّهُۥ عِندَ رَبِّهِۦۗ وَأُحِلَّتۡ لَكُمُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ إِلَّا مَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱجۡتَنِبُواْ ٱلرِّجۡسَ مِنَ ٱلۡأَوۡثَٰنِ وَٱجۡتَنِبُواْ قَوۡلَ ٱلزُّورِ
Ang ipinag-utos na iyon sa inyo na pagkalas sa pamamagitan ng pag-aahit ng ulo, pagpuputol ng mga kuko, pag-aalis ng mga dumi, pagtupad sa panata, at paglibot sa Bahay ay ang inobliga ni Allāh sa inyo, kaya igalang ninyo ang inobliga ni Allāh sa inyo. Ang sinumang umiwas sa ipinag-utos ni Allāh na iwasan niya sa sandali ng iḥrām niya bilang paggalang mula sa kanya sa mga hangganan ni Allāh laban sa paglapit sa mga ito at sa mga pinakababanal Niya laban sa paglapastangan sa mga ito, iyon ay higit na mabuti para sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay sa ganang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ipinahintulot para sa inyo, O mga tao, ang mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa sapagkat hindi Siya nagbawal sa inyo mula sa mga ito ng isang ḥāmī ni isang baḥīrah ni isang waṣīlah. Hindi Siya nagbawal mula sa mga ito maliban sa nakatatagpo kayo sa Qur'ān ng pagbabawal sa patay [na hindi kinatay], dugo, at iba pa sa mga ito. Kaya lumayo kayo sa karumihan na mga diyus-diyusan at lumayo kayo sa bawat pagsasabi ng bulaan na pagsisinungaling laban kay Allāh o laban sa nilikha Niya.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• حرمة البيت الحرام تقتضي الاحتياط من المعاصي فيه أكثر من غيره.
Ang kabanalan ng Bahay na Pinakababanal ay humihiling ng pag-iingat laban sa mga pagsuway roon higit sa iba pa rito.

• بيت الله الحرام مهوى أفئدة المؤمنين في كل زمان ومكان.
Ang Bahay na Pinakababanal ni Allāh ay pinipithaya ng mga puso ng mga mananampalataya sa bawat panahon at lugar.

• منافع الحج عائدة إلى الناس سواء الدنيوية أو الأخروية.
Ang mga pakinabang sa ḥajj ay nauuwi sa mga tao maging pangmundo man o pangkabilang-buhay.

• شكر النعم يقتضي العطف على الضعفاء.
Ang pagpapasalamat sa mga biyaya ay humihiling ng pagsimpatiya sa mga mahina.

حُنَفَآءَ لِلَّهِ غَيۡرَ مُشۡرِكِينَ بِهِۦۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَكَأَنَّمَا خَرَّ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَتَخۡطَفُهُ ٱلطَّيۡرُ أَوۡ تَهۡوِي بِهِ ٱلرِّيحُ فِي مَكَانٖ سَحِيقٖ
Umiwas kayo roon bilang mga nakakiling palayo sa bawat relihiyon maliban pa sa relihiyon niyang kinalulugdan sa ganang Panginoon niya, na hindi mga tagapagtambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay para bang lumagpak siya mula sa langit kaya maaari na dumagit ang mga ibon sa laman niya at buto niya o maghagis sa kanya ang hangin sa isang pook na malayo.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَۖ وَمَن يُعَظِّمۡ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ فَإِنَّهَا مِن تَقۡوَى ٱلۡقُلُوبِ
Iyon ay ang ipinag-utos ni Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya, pagpapakawagas sa Kanya, at pagwaksi sa mga diyus-diyusan at sa pagsabi ng kabulaanan. Ang sinumang dumadakila sa mga tanda ng relihiyon – kabilang sa mga ito ang alay at ang mga gawain sa ḥajj – tunay na ang paggalang sa mga ito ay bahagi ng pangingilag magkasala ng mga puso sa Panginoon ng mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى ثُمَّ مَحِلُّهَآ إِلَى ٱلۡبَيۡتِ ٱلۡعَتِيقِ
Ukol sa inyo sa mga alay na kakatayin ninyo sa Bahay ay mga pakinabang tulad ng pagsakay, mga lana, mga anak ng hayop, at gatas hanggang sa isang yugtong tinakdaan ng oras ng pagkakatay sa mga ito sa tabi ng kalapitan mula sa Bahay ni Allāh, na pinalaya Niya mula sa pangingibabaw ng mga manlulupig.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكٗا لِّيَذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَىٰ مَا رَزَقَهُم مِّنۢ بَهِيمَةِ ٱلۡأَنۡعَٰمِۗ فَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَلَهُۥٓ أَسۡلِمُواْۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُخۡبِتِينَ
Para sa bawat kalipunang nagdaan ay nagtalaga ng isang pamamaraan ng pagpapadanak ng mga dugo bilang handog para kay Allāh. [Ito ay] sa pag-asang bumanggit sila ng pangalan ni Allāh sa kinakatay nila mula sa mga handog na iyon sa sandali ng pagkakatay bilang pasasalamat kay Allāh sa itinustos Niya sa kanila na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa. Ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, o mga tao, ay nag-iisang sinasamba: walang katambal sa Kanya, kaya sa Kanya lamang kayo magpaakay sa pamamagitan ng pagpapasailalim at pagtalima. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagapagpakumbabang nagpapakawagas sa magpapatuwa sa kanila.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِرَ ٱللَّهُ وَجِلَتۡ قُلُوبُهُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ عَلَىٰ مَآ أَصَابَهُمۡ وَٱلۡمُقِيمِي ٱلصَّلَوٰةِ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
na kapag binaggit si Allāh ay nangangamba sila sa parusa Niya kaya lumalayo sila sa pagsalungat sa utos Niya, nagtitiis sila kung may tumama sa kanila na isang pagsubok, nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, at gumugugol sila sa mga uri ng pagpapakabuti mula sa itinustos sa kanila ni Allāh.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلۡبُدۡنَ جَعَلۡنَٰهَا لَكُم مِّن شَعَٰٓئِرِ ٱللَّهِ لَكُمۡ فِيهَا خَيۡرٞۖ فَٱذۡكُرُواْ ٱسۡمَ ٱللَّهِ عَلَيۡهَا صَوَآفَّۖ فَإِذَا وَجَبَتۡ جُنُوبُهَا فَكُلُواْ مِنۡهَا وَأَطۡعِمُواْ ٱلۡقَانِعَ وَٱلۡمُعۡتَرَّۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرۡنَٰهَا لَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Ang mga kamelyo at ang mga baka na inaalay doon sa Bahay [ni Allāh] ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ng Relihiyon at mga tanda nito. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na pangrelihiyon at pangmundo. Kaya magsabi kayo ng Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa sandali ng pagkakatay sa mga ito matapos na humanay ang mga pata ng mga ito. Ito ay pata na iginapos nga ang isa sa mga kamay ng hayop upang hindi gumala-gala ito. Kaya kapag bumagsak ito sa tagiliran nito matapos ng pagkatay ay kumain kayo, O mga tagapag-alay, mula rito at magbigay kayo mula rito sa maralitang nangingimi sa panghihingi at maralitang humaharang upang bigyan mula rito. Kung paanong pinaamo ang mga ito para sa inyo upang magpapasan kayo sa mga ito at sumakay kayo sa mga ito, pinaamo rin ang mga ito para sa inyo para magpaakay tungo sa kung saan kakatay kayo ng mga ito bilang pagpapakalapit kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa biyaya ng pagpapaamo sa mga ito para sa inyo.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَن يَنَالَ ٱللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَآؤُهَا وَلَٰكِن يَنَالُهُ ٱلتَّقۡوَىٰ مِنكُمۡۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمۡ لِتُكَبِّرُواْ ٱللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَىٰكُمۡۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Hindi aabot kay Allāh ang mga laman ng inihahain ninyo na mga alay ni ang mga dugo ng mga ito at hindi maiaangat tungo sa Kanya. Subalit naiaangat tungo kay Allāh ang pangingilag ninyo na magkasala sa Kanya sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapakawagas ninyo sa Kanya sa pagsunod ninyo sa pagpapakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng mga alay. Gayon nagpaamo sa mga ito si Allāh para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh habang mga nagpapasalamat sa Kanya sa pagtuon Niya sa inyo sa katotohanan. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Panginoon nila at sa pakikitungo nila sa nilikha Niya, ng magpapatuwa sa kanila.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ إِنَّ ٱللَّهَ يُدَٰفِعُ عَنِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ خَوَّانٖ كَفُورٍ
Tunay na si Allāh ay nagtutulak palayo sa mga sumampalataya ng kasamaan ng mga kaaway nila. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat palataksil sa pagtitiwala sa kanya, na mapagkaila sa utang na loob sa mga biyaya ni Allāh kaya naman hindi siya nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito bagkus ay nasusuklam pa.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• ضَرْب المثل لتقريب الصور المعنوية بجعلها في ثوب حسي، مقصد تربوي عظيم.
Ang paggawa ng paghahalimbawa para sa pagpapalapit sa pang-unawa ng paglalarawang espirituwal sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang pisikal na kasuutan ay isang dakilang layuning pang-edukasyon.

• فضل التواضع.
Ang kainaman ng pagpapakumbaba.

• الإحسان سبب للسعادة.
Ang paggawa ng maganda ay isang kadahilanan ng kaligayahan.

• الإيمان سبب لدفاع الله عن العبد ورعايته له.
Ang pananampalataya ay isang kadahilanan ng pagtatanggol ni Allāh sa tao at pangangalaga Niya rito.

أُذِنَ لِلَّذِينَ يُقَٰتَلُونَ بِأَنَّهُمۡ ظُلِمُواْۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ نَصۡرِهِمۡ لَقَدِيرٌ
Nagpahintulot si Allāh ng pakikipaglaban para sa mga mananampalatayang kinakalaban ng mga tagapagtambal noong may naganap sa kanila na kawalang-katarungan ng mga kaaway nila sa kanila. Tunay na si Allāh sa pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa kaaway nila nang walang pakikipaglaban ay talagang May-kakayahan, subalit ang karunungan Niya ay humiling na sulitin ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ أُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِم بِغَيۡرِ حَقٍّ إِلَّآ أَن يَقُولُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُۗ وَلَوۡلَا دَفۡعُ ٱللَّهِ ٱلنَّاسَ بَعۡضَهُم بِبَعۡضٖ لَّهُدِّمَتۡ صَوَٰمِعُ وَبِيَعٞ وَصَلَوَٰتٞ وَمَسَٰجِدُ يُذۡكَرُ فِيهَا ٱسۡمُ ٱللَّهِ كَثِيرٗاۗ وَلَيَنصُرَنَّ ٱللَّهُ مَن يَنصُرُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ
[Sila] ang mga pinalisan ng mga tagatangging sumampalataya mula sa mga tahanan nila dala ng isang kawalang-katarungan, hindi dahil sa isang krimeng nagawa nila bagkus dahil sila ay nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh; walang Panginoon para sa amin na iba pa sa Kanya." Kung hindi dahil sa isinabatas ni Allāh para sa mga propeta at mga mananampalataya na pakikipaglaban sa mga kaaway nila, talaga sanang lumabag ang mga ito sa mga larangan ng pagsamba saka nagwasak ang mga ito ng mga monasteryo ng mga monghe, mga iglesya ng mga Kristiyano, mga templo ng mga Hudyo, at mga masjid ng mga Muslim, na inilaan para sa pagdarasal. Sa mga ito ay bumabanggit ang mga Muslim kay Allāh nang pagbanggit na madalas. Talagang mag-aadya nga si Allāh sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya at Propeta Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas sa pag-aadya sa sinumang nag-aadya sa Relihiyon Niya, Makapangyarihan na walang nakikipagdaigan sa Kanya na isa man.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱلَّذِينَ إِن مَّكَّنَّٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ أَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَمَرُواْ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَنَهَوۡاْ عَنِ ٱلۡمُنكَرِۗ وَلِلَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ
Ang mga pinangakuang ito ng pag-aadya ay ang mga kung nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupa sa pamamagitan ng pag-aadya laban sa mga kaaway nila ay magsasagawa ng pagdarasal sa pinakalubos na paraan, magbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, mag-uutos ng ipinag-uutos ng Batas ng Islām, at sasaway ayon sa sinaway nito. Sa kay Allāh lamang ang babalikan ng mga bagay sa gantimpala sa mga ito at parusa.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَعَادٞ وَثَمُودُ
Kung nagpapasinungaling sa iyo, O Sugo, ang mga kababayan mo ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang una na pinasinungalingan ng mga kababayan niya kabilang sa mga sugo sapagkat nagpasinungaling nga, bago ng mga kababayan mo, ang mga kababayan ni Noe kay Noe at nagpasinungaling ang liping `Ād kay Hūd at ang liping Thamūd kay Ṣāliḥ.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَقَوۡمُ إِبۡرَٰهِيمَ وَقَوۡمُ لُوطٖ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Abraham kay Abraham at nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot kay Lot.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَصۡحَٰبُ مَدۡيَنَۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰۖ فَأَمۡلَيۡتُ لِلۡكَٰفِرِينَ ثُمَّ أَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa Madyan kay Shu`ayb at nagpasinungaling si Paraon at ang mga tao niya kay Moises, kaya nagpaliban Ako ng kaparusahan sa mga tao nila bilang pagpapain sa kanila. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila sa pamamagitan ng pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang pagtutol Ko sa kanila sapagkat nagpahamak Ako sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَهۡلَكۡنَٰهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئۡرٖ مُّعَطَّلَةٖ وَقَصۡرٖ مَّشِيدٍ
Anong dami ng mga pamayanan na nagpahamak Kami ng mga ito – samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito – sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa kaya ang mga tahanan ng mga ito ay winasak, na nawawalan ng mga nakatira sa mga ito. Anong dami ng mga balon na nawawalan ng mga tagaigib sa mga ito dahil sa kapahamakan nila. Anong dami ng mga palasyong matataas na pinalamutian, na hindi nakapagsanggalang sa mga nakatira sa mga iyon laban sa pagdurusa.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَتَكُونَ لَهُمۡ قُلُوبٞ يَعۡقِلُونَ بِهَآ أَوۡ ءَاذَانٞ يَسۡمَعُونَ بِهَاۖ فَإِنَّهَا لَا تَعۡمَى ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَلَٰكِن تَعۡمَى ٱلۡقُلُوبُ ٱلَّتِي فِي ٱلصُّدُورِ
Kaya hindi ba naglakbay sa lupain ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakita sila sa mga bakas ng mga ipinahamak na pamayanang iyon para mag-isip-isip sila sa pamamagitan ng mga isip nila, upang magsaalang-alang sila at makarinig sila ng mga kasaysayan ng mga iyon ayon sa pagdinig ng pagtanggap, upang mapangaralan sila. Tunay na ang pagkabulag ay hindi ang pagkabulag ng paningin, bagkus ang pagkabulag na nakapapahamak na nakalilipol ay ang pagkabulag ng pagkatalos kung saan ang dumaranas nito ay hindi nagkakaroon ng pagsasaalang-alang ni ng pagtanggap ng pangaral.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• إثبات صفتي القوة والعزة لله.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng lakas at kapangyarihan para kay Allāh.

• إثبات مشروعية الجهاد؛ للحفاظ على مواطن العبادة.
Ang pagpapatibay sa pagkaisinasabatas ng pakikibaka para sa pangangalaga sa mga pook ng pagsamba.

• إقامة الدين سبب لنصر الله لعبيده المؤمنين.
Ang pagpapanatili ng relihiyon ay isang kadahilanan para sa pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.

• عمى القلوب مانع من الاعتبار بآيات الله.
Ang pagkabulag ng mga puso at tagapigil sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh.

وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلۡعَذَابِ وَلَن يُخۡلِفَ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥۚ وَإِنَّ يَوۡمًا عِندَ رَبِّكَ كَأَلۡفِ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ
Humihiling sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan mo ng pagmamadali sa pagdurusang ipinamamadali sa Mundo at pagdurusang ipinagpapaliban sa Kabilang-buhay dahil sa pagkababala sa kanila sa mga ito. Hindi sisira sa kanila si Allāh sa ipinangako Niya sa kanila. Kabilang sa ipinamamadali ay ang dumapo sa kanila sa Araw ng [Labanan sa] Badr. Tunay na ang isang araw ng pagdurusa sa Kabilang-buhay ay tulad ng isang libong taon mula sa binibilang ninyo mula sa mga taon ng Mundo dahilan sa dulot nitong pagdurusa.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ أَمۡلَيۡتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٞ ثُمَّ أَخَذۡتُهَا وَإِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ
Anong dami ng mga pamayanan na nagpalugit Ako sa mga ito sa [pagdulot ng] pagdurusa samantalang ang mga ito ay tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito. Hindi Ako nakipagmadalian sa mga ito [sa pagdulot ng pagdurusa] bilang pagpapain para sa mga ito. Pagkatapos dumaklot Ako sa mga ito sa pamamagitan ng isang pagdurusang pumupuksa. Tungo sa Akin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon, kaya gaganti Ako sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila ng pagdurusang namamalagi.
அரபு விரிவுரைகள்:
قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنَّمَآ أَنَا۠ لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Sabihin mo: "O mga tao, ako lamang para sa inyo ay isang tagapagbabala, nagpapaabot sa inyo ng ipinasugo sa akin, na maliwanag sa pagbabala ko."
அரபு விரிவுரைகள்:
فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُم مَّغۡفِرَةٞ وَرِزۡقٞ كَرِيمٞ
Kaya ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila mula sa Panginoon nila ay isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila at ukol sa kanila ay isang panustos na masagana sa Paraiso, na hindi mapuputol magpakailanman.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ سَعَوۡاْ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مُعَٰجِزِينَ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga nagsikap sa pagpapasinungaling sa mga tanda Namin habang mga nagtataya na sila ay magpapawalang-kakayahan kay Allāh at makalulusot sa Kanya para hindi Siya makapagparusa sa kanila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno, na pananatilihan nila gaya ng pananatili ng kasamahan sa kasamahan nito.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٖ وَلَا نَبِيٍّ إِلَّآ إِذَا تَمَنَّىٰٓ أَلۡقَى ٱلشَّيۡطَٰنُ فِيٓ أُمۡنِيَّتِهِۦ فَيَنسَخُ ٱللَّهُ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ ثُمَّ يُحۡكِمُ ٱللَّهُ ءَايَٰتِهِۦۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Hindi nagpadala bago mo pa, O Sugo, ng isang sugo ni isang propeta malibang kapag bumigkas siya ng aklat ni Allāh ay nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas nito ng nagpapalito sa mga tao [para mag-akala] na iyan ay bahagi pagkakasi, ngunit nagpapawalang-bisa si Allāh sa ipinupukol ng demonyo mula pagpukol niyon at nagpapatatag Siya sa mga tanda Niya. Si Allāh ay Maalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.
அரபு விரிவுரைகள்:
لِّيَجۡعَلَ مَا يُلۡقِي ٱلشَّيۡطَٰنُ فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡقَاسِيَةِ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ
Nagpupukol ang demonyo sa pagbigkas ng Propeta upang gawin ni Allāh ang ipinupukol ng demonyo bilang pagsusulit para sa mga mapagpaimbabaw at para sa mga tumigas ang mga puso nila kabilang sa mga tagapagtambal. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pangangaway kay Allāh at sa Sugo Niya at isang pagkalayo sa katotohanan at pagkagabay.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَيُؤۡمِنُواْ بِهِۦ فَتُخۡبِتَ لَهُۥ قُلُوبُهُمۡۗ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهَادِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
[Iyan ay] upang makapagtiyak ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman na ang Qur'ān na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ang katotohanan na ikinasi ni Allāh sa iyo, O Sugo, para madagdagan sila ng pananampalataya rito at magpasailalim rito ang mga puso nila at magpakumbaba. Tunay na si Allāh ay talagang tagapagpatnubay ng mga sumampalataya sa Kanya tungo sa daan ng katotohanan, na tuwid, na walang pagkabaluktot doon, bilang ganti sa kanila sa pagpapasailalim nila rito.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَلَا يَزَالُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فِي مِرۡيَةٖ مِّنۡهُ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةً أَوۡ يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَقِيمٍ
Hindi tumitigil na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Sugo Niya ay nasa isang pagdududa sa pinababa ni Allāh sa iyo na Qur'ān habang mga nagpapatuloy hanggang sa pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan habang sila ay nasa gayong kalagayan, o pumunta sa kanila ang isang pagdurusa sa isang Araw na walang awa para sa kanila roon at walang kabutihan. Ito ay ang Araw ng Pagbangon kaugnay sa kanila.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• استدراج الظالم حتى يتمادى في ظلمه سُنَّة إلهية.
Ang pagpapain sa tagalabag sa katarungan, hanggang sa magpatuloy siya sa kawalang-katarungan niya, ay isang kalakarang pandiyos.

• حفظ الله لكتابه من التبديل والتحريف وصرف مكايد أعوان الشيطان عنه.
Ang pangangalaga ni Allāh sa Aklat Niya laban sa pagpapalit at pagpilipit, at ang paglihis sa mga pakana ng mga katulong ng demonyo.

• النفاق وقسوة القلوب مرضان قاتلان.
Ang pagpapaimbabaw at ang katigasan ng mga puso ay mga karamdamang pumapatay.

• الإيمان ثمرة للعلم، والخشوع والخضوع لأوامر الله ثمرة للإيمان.
Ang pananampalataya ay bunga ng kaalaman. Ang pagpapakumbaba at ang pagpapasailalim sa mga kautusan ni Allah ay bunga ng pananampalataya.

ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٖ لِّلَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
Ang paghahari sa Araw na Pagbangon – sa araw na pupunta sa mga ito ang dating ipinangangako sa kanila na pagdurusa – ay sa kay Allāh lamang walang nakikipagtunggali sa Kanya roon. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hahatol sa pagitan ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya, saka hahatol Siya sa bawat isa sa kanila ayon sa kung ano ang nagiging karapat-dapat dito. Kaya ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan, ang mga hardin ng kaginhawahang mananatili, na hindi napuputol.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Ang mga tumangging sumampalataya sa Amin at nagpasinungaling sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang nang-aaba, na aabahin sila ni Allāh sa pamamagitan nito sa Impiyerno.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ قُتِلُوٓاْ أَوۡ مَاتُواْ لَيَرۡزُقَنَّهُمُ ٱللَّهُ رِزۡقًا حَسَنٗاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Ang mga nag-iwan sa mga tahanan nila at mga bayan nila sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh at pagpapatibay sa relihiyon Niya, pagkatapos napatay sila sa pakikibaka sa landas Niya, o namatay sila, ay talagang magtutustos sa kanila si Allāh sa Paraiso ng isang panustos na maganda na mamamalagi, na hindi mapuputol. Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay talagang Siya ang pinakamabuti sa mga tagapagtustos.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَيُدۡخِلَنَّهُم مُّدۡخَلٗا يَرۡضَوۡنَهُۥۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَلِيمٌ حَلِيمٞ
Talagang magpapapasok nga sa kanila si Allāh sa isang pook na kalulugdan nila. Tunay na si Allāh ay talagang Maalam sa mga gawain nila at mga layunin nila, Matimpiin yayamang hindi Siya nagmadali sa kanila sa kaparusahan gayong nagkulang sila.
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ ذَٰلِكَۖ وَمَنۡ عَاقَبَ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبَ بِهِۦ ثُمَّ بُغِيَ عَلَيۡهِ لَيَنصُرَنَّهُ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٞ
Ang nabanggit na iyon ay ang pagpapapasok sa Paraiso ng mga lumikas sa landas ni Allāh at ang pagpapahintulot sa pagtumbas sa lumalabag ng tulad sa paglabag niya yayamang walang kasalanan doon para sa nilabag. Kapag umulit ang tagalabag sa paglabag niya, tunay na si Allāh ay mag-aadya sa nilabag. Tunay na si Allāh ay Mapagpaumanhin sa mga pagkakasala ng mga mananampalataya, Mapagpatawad sa kanila.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَأَنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٞ
Ang pag-aadyang iyon sa nilabag ay dahil si Allāh ay nakakakaya sa anumang niloloob Niya – na bahagi ng kakayahan Niya ang pagpapasok ng gabi sa maghapon at ng maghapon sa gabi sa pamamagitan ng pagdaragdag sa isa sa dalawa at pagbabawas sa iba; at dahil si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga gawain nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito, at gaganti sa kanila sa mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ
Ang nabanggit na iyon na pagpapapasok ni Allāh ng gabi sa maghapon at ng maghapon sa gabi ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan kaya ang Relihiyon niya ay katotohanan, ang pangako Niya ay katotohanan, at ang pag-aadya Niya para sa mga mananampalataya ay katotohanan; dahil ang anumang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan ay ang kabulaanang walang batayan doon; at dahil si Allāh ay ang Mataas sa nilikha Niya sa sarili, halaga, at paggapi, ang Malaki na ukol sa Kanya ang pagmamalaki, ang kadakilaan, at ang pagkapinagpipitaganan.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَتُصۡبِحُ ٱلۡأَرۡضُ مُخۡضَرَّةًۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng ulan kaya ang lupa, matapos ng pagbaba ng ulan rito, ay nagiging luntian dahil sa pinatubo nito na halaman? Tunay na si Allāh ay Mapagtalos sa mga lingkod Niya yayamang nagpababa Siya para sa kanila ng ulan at nagpatubo Siya para sa kanila sa lupa, Mapagbatid sa mga kapakanan nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَهُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Sa Kanya lamang ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at ang pagmamay-ari sa anumang sa nasa lupa. Tunay na si Allāh ay talagang Siya ang Walang-pangangailangan na hindi nangangailangan sa alinmang nilikha kabilang sa mga nilikha Niya, ang Pinapupurihan sa bawat kalagayan.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• مكانة الهجرة في الإسلام وبيان فضلها.
Ang kalagayan ng paglikas (hijrah) sa Islām at ang paglilinaw sa kainaman nito.

• جواز العقاب بالمثل.
Ang pagpayag sa pagganti ng katulad.

• نصر الله للمُعْتَدَى عليه يكون في الدنيا أو الآخرة.
Ang pag-aadya ni Allāh para sa nalabag ay mangyayari sa Mundo o Kabilang-buhay.

• إثبات الصفات العُلَا لله بما يليق بجلاله؛ كالعلم والسمع والبصر والعلو.
Ang pagpapatibay sa mga katangiang pinakamataas para kay Allāh ayon sa naaangkop sa pagpipitagan sa Kanya gaya ng kaalaman, pagdinig, pagkakita, at kataasan.

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦ وَيُمۡسِكُ ٱلسَّمَآءَ أَن تَقَعَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na si Allāh ay nagpasilbi para sa iyo at para sa mga tao ng anumang nasa lupa na mga hayop at mga bagay para sa mga kapakinabangan ninyo at mga pangangailangan ninyo, at nagpaamo para sa inyo ng mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat ayon sa utos Niya at pagpapasilbi Niya mula sa isang bayan patungo sa isang bayan pa. Pumipigil Siya sa langit upang hindi ito bumagsak sa lupa malibang may pahintulot Niya. Kaya kung sakaling nagpahintulot Siya sa langit na bumagsak sa lupa, talaga sanang bumagsak iyon. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain yayamang pinagsilbi Niya para sa kanila ang mga bagay na ito sa kabila ng taglay nilang paglabag sa katarungan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡۗ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ
Si Allāh ay ang nagbigay-buhay sa inyo yayamang nagpairal Siya sa inyo matapos na kayo noon ay mga walang-kairalan, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo kapag nagwakas ang mga buhay ninyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo matapos ng kamatayan ninyo upang tumuos sa inyo sa mga gawa ninyo at gumanti sa inyo sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang madalas ang pagkakaila sa mga biyaya ni Allāh – gayong ang mga ito ay nakalitaw – dahil sa pagsamba nito kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya.
அரபு விரிவுரைகள்:
لِّكُلِّ أُمَّةٖ جَعَلۡنَا مَنسَكًا هُمۡ نَاسِكُوهُۖ فَلَا يُنَٰزِعُنَّكَ فِي ٱلۡأَمۡرِۚ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ إِنَّكَ لَعَلَىٰ هُدٗى مُّسۡتَقِيمٖ
Para sa bawat mga alagad ng kapaniwalaan ay nagtalaga Kami ng isang batas kaya sila ay nagsasagawa ayon sa batas nila. Kaya huwag ngang makipagtunggali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal at ang mga alagad ng mga ibang relihiyon kaugnay sa batas mo sapagkat ikaw ay higit na malapit sa katotohanan kaysa sa kanila dahil sila ay mga alagad ng kabulaanan. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh; tunay na ikaw ay talagang nasa isang daang tuwid, na walang kabaluktutan doon.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِن جَٰدَلُوكَ فَقُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Kung hindi sila magpipigil na makipagtalo sa iyo matapos ng paglitaw ng katwiran, ipagkatiwala mo ang nauukol sa kanila kay Allāh habang nagsasabi sa paraan ng pagbabanta: "Si Allāh ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo na gawain: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman; gaganti Siya sa inyo sa mga ito."
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱللَّهُ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ
Si Allāh ay hahatol sa pagitan ng mga lingkod Niya: ang mananampalataya sa kanila at ang tagatangging sumampalataya sa kanila, sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo sa usapin ng relihiyon.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Hindi ka ba nakaaalam, O Sugo, na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Tunay na ang kaalaman doon ay nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan. Tunay na ang kaalaman doon sa kabuuan niyon ay madali kay Allāh.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَمۡ يُنَزِّلۡ بِهِۦ سُلۡطَٰنٗا وَمَا لَيۡسَ لَهُم بِهِۦ عِلۡمٞۗ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٖ
Sumasamba ang mga tagapagtambal sa bukod pa kay Allāh, na mga anitong hindi nagbaba si Allāh ng isang katwiran sa pagsamba sa mga iyon sa mga kasulatan Niya at walang ukol sa kanila sa mga iyon na isang patunay mula sa isang kaalaman. Ang batayan nila lamang ay ang bulag na paggaya-gaya sa mga ninuno nila. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na isang mapag-adyang magsasanggalang sa kanila laban sa anumang dadapo sa kanila na pagdurusang dulot ni Allāh.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ تَعۡرِفُ فِي وُجُوهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱلۡمُنكَرَۖ يَكَادُونَ يَسۡطُونَ بِٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۗ قُلۡ أَفَأُنَبِّئُكُم بِشَرّٖ مِّن ذَٰلِكُمُۚ ٱلنَّارُ وَعَدَهَا ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin mula sa Qur'ān bilang maliliwanag na patunay, makikilala mo sa mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh ang pagtutol sa mga ito dahil sa pagsimangot nila sa sandali ng pagkarinig nila sa mga ito. Halos humagupit sila, dahil sa tindi ng galit, sa mga bumibigkas sa kanila ng mga tanda Namin. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kaya magpapabatid ba ako sa inyo ng higit na masama kaysa sa pagngingitngit ninyo at pagsisimangot ninyo? Iyon ay ang apoy na ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya na magpapasok Siya sa kanila roon. Kay saklap ang hantungang hahantungan nila!"
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• من نعم الله على الناس تسخير ما في السماوات وما في الأرض لهم.
Kabilang sa mga biyaya ni Allāh sa mga tao ang pagpapasilbi sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa para sa kanila.

• إثبات صفتي الرأفة والرحمة لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng pagkahabag at pagkaawa para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• إحاطة علم الله بما في السماوات والأرض وما بينهما.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa anumang nasa mga langit, lupa, at anumang nasa pagitan ng mga ito.

• التقليد الأعمى هو سبب تمسك المشركين بشركهم بالله.
Ang bulag na paggaya-gaya ay kadahilanan ng pagkapit ng mga tagapagtambal sa pagtatambal nila kay Allāh.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ضُرِبَ مَثَلٞ فَٱسۡتَمِعُواْ لَهُۥٓۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَن يَخۡلُقُواْ ذُبَابٗا وَلَوِ ٱجۡتَمَعُواْ لَهُۥۖ وَإِن يَسۡلُبۡهُمُ ٱلذُّبَابُ شَيۡـٔٗا لَّا يَسۡتَنقِذُوهُ مِنۡهُۚ ضَعُفَ ٱلطَّالِبُ وَٱلۡمَطۡلُوبُ
O mga tao, may inilahad na isang paghahalintulad kaya makinig kayo roon at magsaalang-alang kayo niyon. Tunay na ang sinasamba ninyo na mga anito at iba pa sa mga ito bukod pa kay Allāh ay hindi makalilikha ng isang langaw sa kabila ng liit nito dahil sa kawalang-kakayahan nila. Kung sakaling nagkaisa man sila sa kabuuan nila para lumikha sila nito ay hindi sila makalilikha nito. Kapag kumuha ang langaw ng isang bagay kabilang sa taglay nilang kaaya-ayang bagay at anumang nakawawangis niyon ay hindi sila makakakaya sa pagsagip niyon mula rito. Dahil sa kawalang-kakayahan nila sa paglikha ng langaw at sa pagsagip ng mga bagay-bagay nila laban dito, luminaw ang kawalang-kakayahan nila sa anumang higit na malaki kaysa roon. Kaya papaanong sumasamba kayo sa mga anito – sa kabila ng kawalang-kakayahan ng mga iyon – bukod pa kay Allāh? Humina ang humuhuling ito – ang anitong sinasamba na hindi nakakakayang sumagip sa inagaw ng langaw mula sa kanya – at humina ang hinuhuling ito na langaw.
அரபு விரிவுரைகள்:
مَا قَدَرُواْ ٱللَّهَ حَقَّ قَدۡرِهِۦٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَقَوِيٌّ عَزِيزٌ
Hindi sila dumakila kay Allāh nang totoong pagdakila sa Kanya nang sumamba sila kasama sa Kanya sa ilan sa mga nilikha Niya. Tunay na si Allāh ay talagang Malakas – at bahagi ng lakas Niya at kakayahan Niya ang paglikha sa mga langit at lupa at sinumang nasa mga ito – Makapangyarihan: walang nakikipagdaigan sa Kanya ni isa man, bilang kasalungatan sa mga anito ng mga tagapagtambal sapagkat ang mga ito ay mahinang hamak na hindi nakalilikha ng anuman.
அரபு விரிவுரைகள்:
ٱللَّهُ يَصۡطَفِي مِنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ رُسُلٗا وَمِنَ ٱلنَّاسِۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٞ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay pumipili mula sa mga anghel ng mga sugo at pumipili mula sa mga tao ng mga sugo nang gayon din. Kaya nagsusugo Siya ng ilan sa mga anghel sa mga propeta, tulad ni Anghel Gabriel na isinugo Niya sa mga sugo kabilang sa mga tao, at nagsusugo Siya sa mga tao ng mga sugo kabilang sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa anumang sinasabi ng mga tagapagtambal kaugnay sa mga sugo Niya, Nakakikita sa sinumang pinili Niya para sa pasugo Niya.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۚ وَإِلَى ٱللَّهِ تُرۡجَعُ ٱلۡأُمُورُ
Nakaaalam Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa kalagayan ng mga sugo Niya kabilang sa mga anghel at mga tao bago ng paglikha sa kanila at matapos ng kamatayan nila. Tungo kay Allāh lamang pabababalik ang mga usapin sa Araw ng Pagbangon yayamang bubuhay Siya sa mga lingkod Niya para gumanti Siya sa kanila sa ipinauna nila na gawain.
அரபு விரிவுரைகள்:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱرۡكَعُواْ وَٱسۡجُدُواْۤ وَٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمۡ وَٱفۡعَلُواْ ٱلۡخَيۡرَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ۩
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, yumukod kayo at magpatirapa kayo sa pagdarasal ninyo kay Allāh lamang, at gumawa kayo ng kabutihan gaya ng pagkakawanggawa, pakikipag-ugnayan sa kaanak, at iba pa roon sa pag-asa na magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَجَٰهِدُواْ فِي ٱللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِۦۚ هُوَ ٱجۡتَبَىٰكُمۡ وَمَا جَعَلَ عَلَيۡكُمۡ فِي ٱلدِّينِ مِنۡ حَرَجٖۚ مِّلَّةَ أَبِيكُمۡ إِبۡرَٰهِيمَۚ هُوَ سَمَّىٰكُمُ ٱلۡمُسۡلِمِينَ مِن قَبۡلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ ٱلرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيۡكُمۡ وَتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِۚ فَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱعۡتَصِمُواْ بِٱللَّهِ هُوَ مَوۡلَىٰكُمۡۖ فَنِعۡمَ ٱلۡمَوۡلَىٰ وَنِعۡمَ ٱلنَّصِيرُ
Makibaka kayo sa landas ni Allāh nang pakikibakang wagas na ukol sa [ikalulugod ng] mukha Niya. Siya ay pumili sa inyo at gumawa sa relihiyon ninyo bilang maluwag: walang kasikipan dito ni katindihan. Ang maluwag na kapaniwalaang ito ay ang kapaniwalaan ng ama ninyong si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagpangalan nga sa inyo si Allāh bilang mga Muslim sa mga kasulatang nauna at sa Qur’an upang ang Sugo ay maging isang saksi sa inyo na siya ay nagpaabot sa inyo ng ipinag-utos sa kanya na ipaabot at upang kayo ay maging mga saksi sa mga kalipunang nauna na ang mga sugo nila ay nagpaabot niyon. Kaya magpasalamat kayo kay Allāh dahil doon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng dasal sa pinakalubos na paraan. Magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo. Dumulog kayo kay Allāh at sumandig kayo sa Kanya sa mga nauukol sa inyo sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay kay inam bilang Pinagpapatangkilikan para sa sinumang nagpatangkilik sa Kanya kabilang sa mga mananampalataya at kay inam bilang Mapag-adya para sa sinumang nagpaadya sa Kanya kabilang sa kanila. Kaya magpatangkilik kayo sa Kanya, tatangkilik Siya sa inyo; at magpaadya kayo sa Kanya, mag-aadya Siya sa inyo.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• أهمية ضرب الأمثال لتوضيح المعاني، وهي طريقة تربوية جليلة.
Ang kahalagahan ng paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapaliwanag sa mga kahulugan. Ito ay isang pamamaraang pang-edukasyong kapita-pitagan.

• عجز الأصنام عن خلق الأدنى دليل على عجزها عن خلق غيره.
Ang kawalang-kakayahan ng mga anito sa paglikha ng pinakamababa ay isang patunay sa kawalang-kakayahan ng mga ito sa paglikha ng iba pa.

• الإشراك بالله سببه عدم تعظيم الله.
Ang pagtatambal kay Allāh, ang dahilan nito ay ang hindi pagdakila kay Allāh.

• إثبات صفتي القوة والعزة لله، وأهمية أن يستحضر المؤمن معاني هذه الصفات.
Ang pagpapatibay sa dalawang katangian ng lakas at kapangyarihan para kay Allāh at ang kahalagahan na magsaisip ang mananampalataya ng mga kahulugan ng mga katangiang ito.

 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: ஸூரா அல்ஹஜ்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு-வெளியீடு அல்குர்ஆன் ஆய்வுகளுக்கான தப்ஸீர் மையம்

மூடுக