அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை


மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (68) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்அன்ஆம்
وَإِذَا رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ يَخُوضُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ يَخُوضُواْ فِي حَدِيثٍ غَيۡرِهِۦۚ وَإِمَّا يُنسِيَنَّكَ ٱلشَّيۡطَٰنُ فَلَا تَقۡعُدۡ بَعۡدَ ٱلذِّكۡرَىٰ مَعَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kapag nakakita ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagsasalita kaugnay sa mga talata Namin nang may panunuya at pangungutya, lumayo ka sa kanila hanggang sa pumasok sila sa isang pag-uusap na walang panunuya at pangungutya sa mga talata Namin. Kapag nagpalimot sa iyo ang demonyo at nakaupo ka kasama nila, pagkatapos nakaalaala ka, lumisan ka sa pagtitipon nila at huwag kang umupo kasama sa mga tagalabag na ito.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• إثبات أن النومَ موتٌ، وأن الأرواح تُقْبض فيه، ثم تُرَد عند الاستيقاظ.
Ang pagtitibay na ang pagtulog ay kamatayan, at na ang mga kaluluwa ay kinukuha rito, pagkatapos isinasauli ang mga ito sa sandali ng paggising.

• الاستدلال على استحقاق الله تعالى للألوهية بدليل الفطرة، فإن أهل الكفر يؤمنون بالله تعالى ويرجعون لفطرتهم عند الاضطرار والوقوع في المهالك، فيسألون الله تعالى وحده.
Ang pagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkadiyos ayon sa patunay ng kalikasan ng pagkalalang, sapagkat tunay na ang mga alagad man ng kawalang-pananampalataya ay nanampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at bumabalik sa kalikasan ng pagkalalang sa kanila sa sandali ng pagkanapipilitan at pagkakasadlak sa mga kapapahamakan saka humihiling sila kay Allāh – pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya.

• إلزام المشركين بمقتضى سلوكهم، وإقامة الدليل على انقلاب فطرتهم، بكونهم يستغيثون بالله وحده في البحر عند الشدة، ويشركون به حين يسلمهم وينجيهم إلى البر.
Ang pag-obliga sa mga tagapagtambal ayon sa kahilingan ng pag-uugali nila at ang paglalahad ng patunay sa pagkabaliktad ng naturalesa nila dahil sila ay nagpapasaklolo kay Allāh lamang sa dagat sa sandali ng kagipitan at nagtatambal sa Kanya kapag nagliligtas Siya sa kanila at sumasagip Siya sa kanila patungo sa katihan.

• عدم جواز الجلوس في مجالس أهل الباطل واللغو، ومفارقتُهم، وعدم العودة لهم إلا في حال إقلاعهم عن ذلك.
Ang hindi pagpapahintulot sa pag-upo sa mga pagtitipon ng mga kampon ng kabulaanan at kawalang-kapararakan, at ang pakikipaghiwalay sa kanila at ang hindi panunumbalik sa kanila malibang sa sandali ng pagkalas nila roon.

 
மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (68) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்அன்ஆம்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு-வெளியீடு அல்குர்ஆன் ஆய்வுகளுக்கான தப்ஸீர் மையம்

மூடுக