Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை


மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்அஃராப்   வசனம்:
أُبَلِّغُكُمۡ رِسَٰلَٰتِ رَبِّي وَأَنَا۠ لَكُمۡ نَاصِحٌ أَمِينٌ
Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinag-utos sa akin ni Allāh ang pagpapaabot niyon sa inyo gaya ng paniniwala sa kaisahan Niya at batas Niya, at ako para sa inyo ay isang tagapayong pinagkakatiwalaan hinggil sa anumang ipinag-utos sa akin ang pagpapaabot niyon: hindi ako nagdaragdag dito at hindi nagbabawas.
அரபு விரிவுரைகள்:
أَوَعَجِبۡتُمۡ أَن جَآءَكُمۡ ذِكۡرٞ مِّن رَّبِّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنكُمۡ لِيُنذِرَكُمۡۚ وَٱذۡكُرُوٓاْ إِذۡ جَعَلَكُمۡ خُلَفَآءَ مِنۢ بَعۡدِ قَوۡمِ نُوحٖ وَزَادَكُمۡ فِي ٱلۡخَلۡقِ بَصۜۡطَةٗۖ فَٱذۡكُرُوٓاْ ءَالَآءَ ٱللَّهِ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Napukaw ba ang pagkamangha ninyo at ang pagtataka ninyo na may dumating sa inyo na isang pagpapaalaala mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng dila ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo, hindi kabilang sa lahi ng mga anghel o mga jinn, upang magbabala sa inyo? Purihin ninyo ang Panginoon ninyo at pasalamatan ninyo Siya dahil nagpatatag Siya sa inyo sa lupa at gumawa Siya sa inyo na humalili sa mga tao ni Noe, na ipinahamak Niya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Magpasalamat kayo kay Allāh na nagtangi sa inyo sa laki ng mga katawan, lakas, at tindi ng bagsik. Alalahanin ninyo ang mga malawak na biyaya ni Allāh sa inyo, sa pag-asang magtamo kayo ng hinihiling at maligtas kayo sa pinangingilabutan.
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِنَعۡبُدَ ٱللَّهَ وَحۡدَهُۥ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعۡبُدُ ءَابَآؤُنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi ang mga kalipi niya sa kanya: "Dumating ka ba sa amin, O Hūd, upang mag-utos ka sa amin ng pagsamba kay Allāh lamang at upang mag-iwan kami ng anumang dating sinasamba ng mga ninuno namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay tapat sa inaangkin mo."
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَ قَدۡ وَقَعَ عَلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡ رِجۡسٞ وَغَضَبٌۖ أَتُجَٰدِلُونَنِي فِيٓ أَسۡمَآءٖ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّا نَزَّلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٖۚ فَٱنتَظِرُوٓاْ إِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُنتَظِرِينَ
Kaya tumugon sa kanila si Hūd, na nagsasabi: "Talaga ngang nangailangan kayo ng parusa ni Allāh at galit Niya sapagkat ito ay magaganap sa inyo nang walang pagkaiwas. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga anitong pinangalanan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo bilang mga diyos gayong walang katotohanan sa mga ito? Hindi nagbaba si Allāh ng isang katwirang maipangangatwiran ninyo sa inaangkin ninyo para sa mga ito na pagkadiyos. Kaya maghintay kayo ng hiniling ninyo na madaliin para sa inyo na pagdurusa, at ako ay kasama ninyo kabilang sa mga naghihintay sapagkat ito ay magaganap."
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥ بِرَحۡمَةٖ مِّنَّا وَقَطَعۡنَا دَابِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَاۖ وَمَا كَانُواْ مُؤۡمِنِينَ
Kaya nagbigay-kaligtasan Kami kay Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya dahil sa isang awa mula sa Amin. Pumuksa Kami sa pamamagitan ng pagkapahamak ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya, bagkus sila noon ay mga tagapagpasinungaling kaya naging karapat-dapat sila sa pagdurusa.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَإِلَىٰ ثَمُودَ أَخَاهُمۡ صَٰلِحٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ قَدۡ جَآءَتۡكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡۖ هَٰذِهِۦ نَاقَةُ ٱللَّهِ لَكُمۡ ءَايَةٗۖ فَذَرُوهَا تَأۡكُلۡ فِيٓ أَرۡضِ ٱللَّهِۖ وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Talaga ngang nagsugo si Allāh sa lipi ng Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ na nag-aanyaya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya. Nagsabi si Ṣāliḥ sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba na iba pa sa Kanya na nagiging karapat-dapat sa pagsamba. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na tanda mula kay Allāh ayon sa katapatan ng inihatid ko sa inyo, na nag-anyong isang dumalagang kamelyo na lumabas mula sa isang bato. Mayroon itong isang panahon sa pag-inom nito at mayroon kayong pag-inom sa isang takdang araw. Kaya pabayaan ninyo ito na manginain sa lupain ni Allāh sapagkat hindi kailangan sa inyo ang pagkukumpay rito ng anuman. Huwag kayong magparanas dito ng pananakit sapagkat daranas kayo dahilan sa pananakit dito ng isang pagdurusang nakasasakit.
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• ينبغي التّحلّي بالصبر في الدعوة إلى الله تأسيًا بالأنبياء عليهم السلام.
Nararapat ang pagtataglay ng pagtitiis sa pag-aanyaya tungo kay Allāh bilang pagtulad sa mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan.

• من أولويات الدعوة إلى الله الدعوة إلى عبادة الله وحده لا شريك له، ورفض الإشراك به ونبذه.
Kabilang sa mga prayoridad ng pag-aanyaya tungo kay Allāh ay ang pag-aanyaya tungo sa pagsamba kay Allāh lamang: walang katambal sa Kanya, at ang pagtanggi sa pagtatambal sa Kanya at ang pagwaksi nito.

• الاغترار بالقوة المادية والجسدية يصرف صاحبها عن الاستجابة لأوامر الله ونواهيه.
Ang pagkalinlang sa lakas na materyal at pisikal ay nagbabaling sa nalinlang palayo sa pagtugon sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga sinasaway Niya.

• النبي يكون من جنس قومه، لكنه من أشرفهم نسبًا، وأفضلهم حسبًا، وأكرمهم مَعْشرًا، وأرفعهم خُلُقًا.
Ang propeta ay kabilang sa lahi ng mga kababayan niya subalit siya ay pinakamaharlika sa kanila sa kaangkanan, pinakamainam sa kanila sa reputasyon, pinakamarangal sa kanila sa kapisanan, at pinakaangat sa kanila sa kaasalan.

• الأنبياء وورثتهم يقابلون السّفهاء بالحِلم، ويغضُّون عن قول السّوء بالصّفح والعفو والمغفرة.
Ang mga propeta at ang mga tagapagmana nila ay humaharap sa mga hunghang nang may pagpapahinuhod at nagpipigil sa pagsasabi ng kasagwaan sa pamamagitan ng pagpapalampas, pagpapaumanhin, at pagpapatawad.

 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: அல்அஃராப்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

வெளியீடு அல்குர்ஆன் ஆய்வுகளுக்கான தப்ஸீர் மையம்

மூடுக