அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை


மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (140) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்அஃராப்
قَالَ أَغَيۡرَ ٱللَّهِ أَبۡغِيكُمۡ إِلَٰهٗا وَهُوَ فَضَّلَكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi si Moises sa mga kalipi Niya: "O mga kalipi ko, papaano akong hihiling para sa inyo ng isang diyos na iba pa kay Allāh na sasambahin ninyo samantalang nakasaksi na kayo mula sa mga dakilang tanda Niya na nasaksihan ninyo. Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang sa panahon ninyo sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa inyo gaya ng pagpapahamak sa kaaway ninyo, pagpapahalili sa inyo sa lupain, at pagpapatatag para sa inyo roon?"
அரபு விரிவுரைகள்:
இப்பக்கத்தின் வசனங்களிலுள்ள பயன்கள்:
• تؤكد الأحداث أن بني إسرائيل كانوا ينتقلون من ضلالة إلى أخرى على الرغم من وجود نبي الله موسى بينهم.
Nagbibigay-diin ang mga pangyayari na ang mga anak ni Israel noon ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kaligawan tungo sa isa pa sa kabila ng kairalan ng propeta ni Allāh na si Moises sa gitna nila.

• من مظاهر خذلان الأمة أن تُحَسِّن القبيح، وتُقَبِّح الحسن بمجرد الرأي والأهواء.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagkakanulo ng kalipunan ay na magpaganda ito ng pangit at magpapangit ito ng maganda sa pamamagitan lamang ng pananaw at mga pithaya.

• إصلاح الأمة وإغلاق أبواب الفساد هدف سام للأنبياء والدعاة.
Ang pagsasaayos sa kalipunan at ang pagsasara sa mga pinto ng mga katiwalian ay isang matayog na layunin para sa mga propeta at mga mangangaral ng Islām.

• قضى الله تعالى ألا يراه أحد من خلقه في الدنيا، وسوف يكرم من يحب من عباده برؤيته في الآخرة.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – na hindi makakita sa Kanya ang isa sa mga nilikha Niya sa Mundo. Magpaparangal Siya sa sinumang iniibig Niya sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya sa Kabilang-buhay.

 
மொழிபெயர்ப்பு வசனம்: (140) அத்தியாயம்: ஸூரா அல்அஃராப்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அல்முக்தஸர் பீ தப்ஸீரில் குர்ஆனில் கரீமுக்கான பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு-வெளியீடு அல்குர்ஆன் ஆய்வுகளுக்கான தப்ஸீர் மையம்

மூடுக