Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: யூனுஸ்   வசனம்:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ ٱئۡتُونِي بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ
Nagsabi si Paraon: “Magdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ
Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: “Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئۡتُم بِهِ ٱلسِّحۡرُۖ إِنَّ ٱللَّهَ سَيُبۡطِلُهُۥٓ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُصۡلِحُ عَمَلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: “Ang inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَيُحِقُّ ٱللَّهُ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Nagsasakatotohanan si Allāh sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَمَآ ءَامَنَ لِمُوسَىٰٓ إِلَّا ذُرِّيَّةٞ مِّن قَوۡمِهِۦ عَلَىٰ خَوۡفٖ مِّن فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِمۡ أَن يَفۡتِنَهُمۡۚ وَإِنَّ فِرۡعَوۡنَ لَعَالٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kay Paraon at sa konseho ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga nagpapakalabis.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰقَوۡمِ إِن كُنتُمۡ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ فَعَلَيۡهِ تَوَكَّلُوٓاْ إِن كُنتُم مُّسۡلِمِينَ
Nagsabi si Moises: “O mga tao ko, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh, sa Kanya kayo manalig kung kayo ay naging mga Muslim.”[13]
[13] O mga nagpapasakop kay Allāh. Ang Tagapagsalin.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَقَالُواْ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلۡنَا رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya nagsabi sila: “Kay Allāh ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag sa katarungan,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَنَجِّنَا بِرَحۡمَتِكَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡكَٰفِرِينَ
at iligtas Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.”
அரபு விரிவுரைகள்:
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوۡمِكُمَا بِمِصۡرَ بُيُوتٗا وَٱجۡعَلُواْ بُيُوتَكُمۡ قِبۡلَةٗ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: “Magtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah [ng Jerusalem]. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.”
அரபு விரிவுரைகள்:
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَآ إِنَّكَ ءَاتَيۡتَ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَأَهُۥ زِينَةٗ وَأَمۡوَٰلٗا فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِكَۖ رَبَّنَا ٱطۡمِسۡ عَلَىٰٓ أَمۡوَٰلِهِمۡ وَٱشۡدُدۡ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُواْ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Nagsabi si Moises: “Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa konseho niya ng gayak at mga yaman sa buhay na pangmundo, Panginoon namin, upang magligaw sila palayo sa landas Mo. Panginoon namin, pumawi Ka sa mga yaman nila at magpatindi Ka sa mga puso nila para hindi sila manampalataya hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit.”
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: யூனுஸ்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு மையத்தின் குழு அல்-ரப்வா அழைப்பு சங்கம் மற்றும் பல் மொழிகளில் இஸ்லாமிய உள்ளடக்கத்திற்கு சேவை செய்யும் சங்கத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்துள்ளது.

மூடுக