Check out the new design

அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் * - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: மர்யம்   வசனம்:
يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
[Nagsabi si Allāh:] “O Juan, kunin mo ang kasulatan nang may lakas.” Nagbigay Kami sa kanya ng paghahatol habang isang paslit pa,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
ng pagkamadamayin mula sa nasa Amin, at ng kadalisayan. Siya noon ay isang mapangilag magkasala,
அரபு விரிவுரைகள்:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
isang mabuting-loob sa mga magulang niya, at hindi naging isang palasupil na masuwayin.[2]
[2] sa Panginoon niya at mga magulang niya
அரபு விரிவுரைகள்:
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
Kapayapaan ay sumakanya sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay.
அரபு விரிவுரைகள்:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
Banggitin mo sa Aklat[3] si Maria noong nagpakalayu-layo siya mula sa mag-anak niya sa isang pook na silanganin.
[3] Ibig sabihin: ang Qur’an.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Saka gumawa siya, sa pagbukod sa kanila, ng isang lambong, saka nagsugo Kami sa kanya ng Espiritu[4] Namin, saka nag-anyo ito sa kanya bilang taong lubos.
[4] Ibig sabihin: si Anghel Gabriel.
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Nagsabi [si Maria]: “Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo; [lumayo ka,] kung ikaw ay isang mapangilag magkasala.”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
Nagsabi [si Gabriel]: “Ako ay sugo ng Panginoon mo lamang upang maghandog ako sa iyo ng isang batang lalaking busilak.”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Nagsabi [si Maria]: “Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid?”
அரபு விரிவுரைகள்:
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Nagsabi [si Gabriel]: “Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Ito sa Akin ay madali, at upang gumawa Kami sa kanya bilang tanda para sa mga tao at bilang awa mula sa Amin. Ito ay naging isang bagay na naitadhana.”
அரபு விரிவுரைகள்:
۞ فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
Kaya nagdalang-tao siya nito at nagpakalayu-layo siya kasama nito sa isang pook na liblib.
அரபு விரிவுரைகள்:
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
Saka nagpapunta sa kanya ang sakit ng panganganak tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi siya: “O sana ako ay namatay bago nito at naging isang limot na kinalimutan.”
அரபு விரிவுரைகள்:
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
Saka may nanawagan[5] sa kanya mula sa ilalim niya: “Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang batis.
[5] si Anghel Gabriel o si Jesus na nasa sinapupuna pa
அரபு விரிவுரைகள்:
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
Yumugyog ka patungo sa iyo sa katawan ng punong datiles, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa.
அரபு விரிவுரைகள்:
 
மொழிபெயர்ப்பு அத்தியாயம்: மர்யம்
அத்தியாயங்களின் அட்டவணை பக்க எண்
 
அல்குர்ஆன் மொழிபெயர்ப்பு - பிலிப்பைன் மொழிபெயர்ப்பு (டலாக்) - மொழிபெயர்ப்பு முன்னோடிகள் மையம் - மொழிபெயர்ப்பு அட்டவணை

அர்ருவ்வாத் மொழிபெயர்ப்பு மையத்தின் குழு அல்-ரப்வா அழைப்பு சங்கம் மற்றும் பல் மொழிகளில் இஸ்லாமிய உள்ளடக்கத்திற்கு சேவை செய்யும் சங்கத்துடன் இணைந்து மொழிபெயர்த்துள்ளது.

மூடுக