Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (68) Sure: Sûratu Yûsuf
وَلَمَّا دَخَلُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَمَرَهُمۡ أَبُوهُم مَّا كَانَ يُغۡنِي عَنۡهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍ إِلَّا حَاجَةٗ فِي نَفۡسِ يَعۡقُوبَ قَضَىٰهَاۚ وَإِنَّهُۥ لَذُو عِلۡمٖ لِّمَا عَلَّمۡنَٰهُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya lumisan sila at kasama sa kanila ang kapatid na buo ni Jose. Noong nakapasok sila mula sa mga pintuang magkakaiba-iba, gaya ng ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nakapagtanggol sa kanila ang pagpasok nila mula sa mga pintong magkakaiba-iba laban sa anumang kabilang sa itinakda ni Allāh sa kanila. Iyon lamang ay bahagi ng awa ni Jacob sa mga anak niya, na inihayag niya at itinagubilin niya sa kanila. Siya ay nakaaalam na walang pagtatadhana maliban sa pagtatadhana ni Allāh sapagkat siya ay nakaaalam sa itinuro ni Allāh sa kanya na pananampalataya sa pagtatakda at paggawa ng mga kadahilanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• الأمر بالاحتياط والحذر ممن أُثِرَ عنه غدرٌ، وقد ورد في الحديث الصحيح: ((لَا يُلْدَغُ المُؤْمِنٌ مِنْ جُحْرٍ وَاحِدٍ مَرَّتَيْنِ))، [أخرجه البخاري ومسلم].
Ang pag-uutos ng pagbibigay-babala at pag-iingat laban sa sinumang may naiulat tungkol sa kanya na isang panlilinlang yayamang may nasaad nga sa tumpak na ḥadīth na hindi natutuklaw ang mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

• من وجوه الاحتياط التأكد بأخذ المواثيق المؤكدة باليمين، وجواز استحلاف المخوف منه على حفظ الودائع والأمانات.
Kabilang sa mga uri ng pag-iingat ang pagtitiyak sa pagsasagawa sa mga taimtim na pangakong binigyang-diin ng panunumpa at ang pagpayag sa pagpapasumpa sa pinangangambahan para sa pangangalaga sa mga inilagak at mga pinaiingatan.

• يجوز لطالب اليمين أن يستثني بعض الأمور التي يرى أنها ليست في مقدور من يحلف اليمين.
Pinapayagan para sa humihiling ng panunumpa na itangi ang ilan sa mga bagay na itinuturing niya na ang mga ito ay hindi naaabot ng kakayahan ng sinumang nanunumpa ng panunumpa.

• من الأخذ بالأسباب الاحتياط من المهالك.
Kabilang sa pagsasagawa sa mga kaparaanan ang pag-iingat laban sa mga pinanggagalingan ng panganib.

 
Anlam tercümesi Ayet: (68) Sure: Sûratu Yûsuf
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat