Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (19) Sure: Sûratu'l-İsrâ
وَمَنۡ أَرَادَ ٱلۡأٓخِرَةَ وَسَعَىٰ لَهَا سَعۡيَهَا وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ كَانَ سَعۡيُهُم مَّشۡكُورٗا
Ang sinumang naglayon ng gantimpala ng Kabilang-buhay sa pamamagitan ng mga gawain ng pagpapakabuti at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon na walang halong pagpapakitang-tao at pagpapahanga habang siya ay isang mananampalataya sa isinatungkulin ni Allāh na pananampalataya sa Kanya, ang pagpupunyagi ng mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay tanggap sa ganang kay Allāh. Gaganti Siya sa kanila roon.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• ينبغي للإنسان أن يفعل ما يقدر عليه من الخير وينوي فعل ما لم يقدر عليه؛ ليُثاب على ذلك.
Nararapat sa tao na gumawa ng nakakaya niya na kabutihan at maglayon ng paggawa ng hindi niya nakaya, upang gantimpalaan siya roon.

• أن النعم في الدنيا لا ينبغي أن يُسْتَدل بها على رضا الله تعالى؛ لأنها قد تحصل لغير المؤمن، وتكون عاقبته المصير إلى عذاب الله.
Na ang mga biyaya sa Mundo ay hindi nararapat na ipampatunay sa pagkalugod ni Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil ang mga [biyayang ito] ay maaaring mangyari sa mga hindi mananampalataya at ang kahihinatnan nito ay ang kahahantungan tungo sa pagdurusang dulot ni Allāh.

• الإحسان إلى الوالدين فرض لازم واجب، وقد قرن الله شكرهما بشكره لعظيم فضلهما.
Ang paggawa ng maganda sa mga magulang ay isang tungkuling kinakailangan at obligado. Nag-ugnay nga si Allāh sa pagpapasalamat sa kanilang dalawa sa pagpapasalamat sa Kanya dahil sa kadakilaan ng kabutihang-loob nilang dalawa.

• يحرّم الإسلام التبذير، والتبذير إنفاق المال في غير حقه.
Nagbabawal ang Islām ng pagwawaldas. Ang pagwawaldas ay ang paggugol ng yaman sa hindi karapat-dapat dito.

 
Anlam tercümesi Ayet: (19) Sure: Sûratu'l-İsrâ
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat