Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (25) Sure: Sûratu'l-Bakarah
وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ كُلَّمَا رُزِقُواْ مِنۡهَا مِن ثَمَرَةٖ رِّزۡقٗا قَالُواْ هَٰذَا ٱلَّذِي رُزِقۡنَا مِن قَبۡلُۖ وَأُتُواْ بِهِۦ مُتَشَٰبِهٗاۖ وَلَهُمۡ فِيهَآ أَزۡوَٰجٞ مُّطَهَّرَةٞۖ وَهُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Kapag ang bantang nauna ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, magbalita ka, O Propeta, sa mga mananampalataya kay Allāh na gumagawa ng mga maayos ng ikatutuwa nila na mga harding dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito. Sa tuwing pinakakain sila mula sa mga kaaya-ayang bunga ng mga ito bilang panustos ay nagsasabi sila dala ng tindi ng pagkakahawig sa mga bunga sa Mundo: "Ito ay tulad ng mga bunga na itinustos sa amin bago pa niyan." Maghahain para sa kanila ng mga bungang nakawawangis sa anyo at pangalan ng mga bunga sa Mundo upang pumansin sila sa mga ito alinsunod sa pagkakilala sa mga ito subalit ang mga bunga sa Paraiso ay naiiba sa lasa at panlasa sa mga bunga sa Mundo. Ukol sa kanila sa Paraiso ay mga asawa na inalisan ng bawat inaayawan ng kaluluwa at minamarumi sa kalikasan kabilang sa naguguniguni sa mga naninirahan sa lupa. Sila ay nasa kaginhawahan na palagiang hindi mapuputol, bilang kasalungatan naman sa napuputol na kaginhawahan sa Mundo.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• من كمال النعيم في الجنة أن ملذاتها لا يكدرها أي نوع من التنغيص، ولا يخالطها أي أذى.
Bahagi ng kalubusan ng kaginhawahan sa Paraiso ay na ang mga minamasarap doon ay hindi nababago ng anumang uri ng pambubulabog at hindi nahahaluan ng anumang kapinsalaan.

• الأمثال التي يضربها الله تعالى لا ينتفع بها إلا المؤمنون؛ لأنهم هم الذين يريدون الهداية بصدق، ويطلبونها بحق.
Ang mga paghahalintulad na inilalahad ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay walang nakikinabang sa mga ito kundi ang mga mananampalataya dahil sila ay ang nagnanais ng kapatnubayan nang tapat at humihiling nito nang totoo.

• من أبرز صفات الفاسقين نقضُ عهودهم مع الله ومع الخلق، وقطعُهُم لما أمر الله بوصله، وسعيُهُم بالفساد في الأرض.
Ang pinakalitaw sa mga katangian ng mga suwail ay ang pagsira sa mga tipan kay Allāh at sa nilikha, ang pagputol nila sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, at ang pagpupunyagi nila ng kaguluhan sa lupa.

• الأصل في الأشياء الإباحة والطهارة؛ لأن الله تعالى امتنَّ على عباده بأن خلق لهم كل ما في الأرض.
Ang pangunahing panuntunan sa mga bagay ay ang pagpayag at ang kadalisayan dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagmagandang-loob sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng paglikha para sa kanila ng lahat ng nasa lupa.

 
Anlam tercümesi Ayet: (25) Sure: Sûratu'l-Bakarah
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat