Check out the new design

Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (46) Sure: Sûratu'l-Ankebût
۞ وَلَا تُجَٰدِلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ إِلَّا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡهُمۡۖ وَقُولُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱلَّذِيٓ أُنزِلَ إِلَيۡنَا وَأُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمۡ وَٰحِدٞ وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ
Huwag kayong makipagtalakayan, O mga mananampalataya, at huwag kayong makipag-alitan sa mga Hudyo at mga Kristiyano malibang ayon sa istilong pinakamaganda at pamamaraang pinakaideyal. Ito ay ang pag-aanyaya sa pamamagitan ng pangaral at mga katwirang malinaw, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagmamatigas at pakikipagmalakihan at nagpahayag ng digmaan sa inyo sapagkat makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa magpasakop sila o magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit. Sabihin ninyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano: "Sumampalataya kami sa pinababa ni Allāh sa amin na Qur'ān at sumampalataya kami sa pinababa sa inyo na Torah at Ebanghelyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa: walang katambal sa Kanya sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at kalubusan Niya. Kami ay sa Kanya lamang mga nagpapaakay na nagpapakaaba."
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• مجادلة أهل الكتاب تكون بالتي هي أحسن.
Ang pakikipagtalo sa mga May Kasulatan ay ayon sa pinakamaganda.

• الإيمان بجميع الرسل والكتب دون تفريق شرط لصحة الإيمان.
Ang pananampalataya sa lahat ng mga sugo at mga kasulatan nang walang pagtatangi-tangi ay isang kundisyon para sa katumpakan ng pananampalataya.

• القرآن الكريم الآية الخالدة والحجة الدائمة على صدق النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang Marangal na Qur'ān ay ang tandang walang-hanggan at ang katwirang palagian sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Anlam tercümesi Ayet: (46) Sure: Sûratu'l-Ankebût
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an Araştırmaları Tefsir Merkezi Tarafından Yayınlanmıştır.

Kapat