Check out the new design

Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (9) Sure: Sûretu'l-Hucurât
وَإِن طَآئِفَتَانِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱقۡتَتَلُواْ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَاۖ فَإِنۢ بَغَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا عَلَى ٱلۡأُخۡرَىٰ فَقَٰتِلُواْ ٱلَّتِي تَبۡغِي حَتَّىٰ تَفِيٓءَ إِلَىٰٓ أَمۡرِ ٱللَّهِۚ فَإِن فَآءَتۡ فَأَصۡلِحُواْ بَيۡنَهُمَا بِٱلۡعَدۡلِ وَأَقۡسِطُوٓاْۖ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ
Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-awayan ay magpayapa kayo, O mga mananampalataya, sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa dalawang panig sa paghahatol ng batas ni Allāh kaugnay sa sigalot ng dalawa. Ngunit kung tumanggi ang isa sa dalawa sa pakikipagpayapaan at lumabag, kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kahatulan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito sa kahatulan ni Allāh, magpayapa kayo sa dalawa ayon sa katarungan at pagkakapantay. Magmakatarungan kayo sa hatol ninyo sa dalawa; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa kahatulan nila.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• وجوب التثبت من صحة الأخبار، خاصة التي ينقلها من يُتَّهم بالفسق.
Ang pagkatungkulin ng pagtitiyak sa katumpakan ng mga ulat, lalo na ang ipinararating ng sinumang pinaghihinalaan ng kasuwailan.

• وجوب الإصلاح بين من يتقاتل من المسلمين، ومشروعية قتال الطائفة التي تصر على الاعتداء وترفض الصلح.
Ang pagkatungkulin ng pagpapayapa sa pagitan ng nag-aawayan kabilang sa mga Muslim at ang pagkaisinasabatas ng pakikipaglaban sa pangkat na nagpupumilit sa pangangaway at pagtanggi sa pagpapayapaan.

• من حقوق الأخوة الإيمانية: الصلح بين المتنازعين والبعد عما يجرح المشاعر من السخرية والعيب والتنابز بالألقاب.
Kabilang sa mga karapatan ng kapatirang pampananampalataya ay ang pagpapayapaan sa pagitan ng mga nag-aalitan at ang paglayo sa anumang nakasusugat sa mga damdamin gaya ng panunuya, pamimintas, at pagtatawagan ng mga [masamang] taguri.

 
Anlam tercümesi Ayet: (9) Sure: Sûretu'l-Hucurât
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an Araştırmaları Tefsir Merkezi Tarafından Yayınlanmıştır.

Kapat