Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (11) Sure: Sûratu'l-Mâide
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ هَمَّ قَوۡمٌ أَن يَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ فَكَفَّ أَيۡدِيَهُمۡ عَنكُمۡۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ وَعَلَى ٱللَّهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sila sa inyo at kumitil sila, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Sa kay Allāh lamang umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• من عظيم إنعام الله عز وجل على النبي عليه الصلاة والسلام وأصحابه أن حماهم وكف عنهم أيدي أهل الكفر وضررهم.
Bahagi ng sukdulang pagbibiyaya ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga kasamahan niya ay na nangalaga Siya sa kanila at pumigil Siya para sa kanila sa mga kamay ng kawalang-pananampalataya at pinsala ng mga ito.

• أن الإيمان بالرسل ونصرتهم وإقامة الصلاة وإيتاء الزكاة على الوجه المطلوب، سببٌ عظيم لحصول معية الله تعالى وحدوث أسباب النصرة والتمكين والمغفرة ودخول الجنة.
Na ang pananampalataya sa mga sugo, ang pag-aadya sa kanila, ang pagpapanatili sa pagdarasal, at ang pagbibigay ng zakāh sa paraang hinihiling ay isang mabigat na dahilan sa pagtamo ng "pagkakasama" kay Allāh at pagkaganap ng mga kadahilanan ng pag-aadya, pagpapatatag, kapatawaran, at pagpasok sa Paraiso.

• نقض المواثيق الملزمة بطاعة الرسل سبب لغلظة القلوب وقساوتها.
Ang pagsira sa mga kasunduang nag-oobliga sa pagtalima sa mga sugo ay isang dahilan ng kagaspangan ng mga puso at katigasan ng mga ito.

• ذم مسالك اليهود في تحريف ما أنزل الله إليهم من كتب سماوية.
Ang pagpula sa mga tinatahak ng mga Hudyo sa paglilihis sa pinababa ni Allāh sa kanila na mga makalangit na kasulatan.

 
Anlam tercümesi Ayet: (11) Sure: Sûratu'l-Mâide
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat